Loui

14 8 3
                                    

Third Person's P.O.V

  Ngayon ay isang masayang araw para kay Chloe at sa kanyang kasintahang si Achi.

Sa sala

  Si Chloe ay kasalukuyang tumitingin sa mga litratong inipon at idinikit sa isang makapal na libro na ang laman lang ay ang mga litrato nilang dalawa ni Achi.

Habang si Achi naman ay nasa likod lang ni Chloe na tahimik na tinitignan ang kanilang mga masasayang litratong mag kasama.

Nang ililigpit na sana ni Chloe ang kanilang Photo Album ay hindi sinasadyang may nahulog na isang larawan.

Tinignan ito ni Chloe at naalala niyang ito yung unang larawan nila bilang isang mag kasintahan.

Sa larawan ay masayang naka akbay si Achi habang si Chloe naman ay nahihiyang ngumiti.

At naalala din ni Chloe na kinuha ang larawan na to sa bundok na sabay bilang inakyat na magkasintahan.

Sa Hapag-kainan

Nang nagutom na si Chloe ay naghanda agad ito ng kanyang makakain habang si Achi naman ay tahimik na pinagmamasadan ang kanyang minamahal.

Nang matapos ng ma-iluto ni Chloe ang kanyang makakain ay agad nitong inihanda ang lamesa upang maka-kain na.

Habang kumakain ay pinanunuod naman ni Chloe ang mga videos ng kanilang masayang pag sasama nila ni Achi.

Si Achi naman ay tahimik na nakatayo sa likod ng upuan kung saan nakaupo si Chloe.

Nakita ni Chloe ang isang pamilyar na video kaya agad niya itong pinlay at hindi nga siya nag ka kamali ito yung video nung una niyang birthday kasama si Achi.

Sa video "Maligayang kaarawan aking Loui" masayang pag bati ni Achi kay Chloe habang dala dala ang isang cake "Thank you Kiki ko" sagot naman ni Chloe "Hipan mo na yung kandila aking Loui" sabi ni Achi kaya ginawa agad ito ni Chloe.

"Siya nga pala aking Loui ito pala yung regalo ko sayo" sabi ni Achi habang dala ang isang maliit na box kinuha ito ni Chloe at binuksan masayang kinuha ni Chloe ang isang necklace.

"Wow salamat Kiki ko ang ganda" sabi ni Chloe na halatang manghang mangha sa necklace. Isinuot ito ni Achi kay Chloe at dun na naputol yung video

Hinawakan naman ni Chloe ang necklace na ngayon ay suot-suot niya kaya napa ngiti na lamang siya.

Nang matapos na si Chloe sa pag kain ay agad na siyang tumayo at inayos ang lamesa.

Sa Kusina

Habang naghuhugas si Chloe ay nakasunod parin sa kanya si Achi na tahimik na pinagmamasdan si Chloe habang naghuhugas.

Sinuot ni Chloe ang ibinigay sa kanyang apron ni Achi na-alala pa niya na kaya siya binigyan nito ay dahil makalat daw siyang mag hugas na sadyang totoo naman dahil basang basa na yung apron na kanyang suot ngayon.

At nakita na lamang niya ang isang drawing na bahay na idinrawing ni Chloe bilang kanilang dream house.

"Malapit na Kiki ko malapit na" habang ina-alala na malapit ng matapos ang ipi-napagawang bahay niya na kanyang pinag-ipunan sa mahabang panahon.

Nang matapos na siya sa paghuhugas ay agad siyang pumunta sa banyo upang maligo.

Sa kwarto

Pagkatapos maligo ni Chloe ay agad nitong kinuha ang isang puting dress na inirigalo pa sa kanya ni Achi sa kanilang 1st anniversary.

Agad niya itong isinuot at naupo sa kama at kinuha ang box sa ilalim ng kanyang kama.

Si Achi naman ay naka tayo lang at pinagmamasdan si Chloe habang naka upo.

Ang box na yun ay naglalaman ng mga liham sa kanya ni Achi kinuha niya yung Isa at binasa ito yung unang liham sa kanya ni Achi na ibinigay sa kanya nung 1st monthsarry nila bilang mag kasintahan.

Aking Loui,
   
             Masaya ako dahil pinagbigyan mo akong patunayan at iparamdam sayo ang aking pagmamahal. Happy 1st Motmot nga pala aking Loui grabe ambilis no parang kahapon lang sinagot mo ako pero isang buwan na pala tayo. Mahal na mahal kita aking Loui ss sating dalawa. Aalagaan , babantayan at mamahalin kita palagi kahit anong mangyari. I love you aking Loui mwahhh

     Nagmamahal,
Kiki        

Agad na nangilid ang mga luha sa mata ni Chloe dahil sa nabasa niya pero hindi siya umiyak bagkus ay ngumiti nalang siya.

Sa Sala

Agad na kinuha ni Chloe ang kanyang dadalhin tulad ng pagkain at mga juice na nakalagay sa basket kinuha niya na din yung white roses.

Dahil alam ni Chloe na paboritong paborito ito ni Achi na-alala pa niya na nuong nililigawan pa lamang siya ni Achi ay palagi siyang binibigyan nito ng puting mga rosas.

Nung una ay di niya talaga alam kung bakit palaging puti na rosas pero kalaunan ay nalaman niya na paborito pala ito ni Achi kaya ito ang palagi niyang ibinibigay.

Agad na pumunta si Chloe sa kanyang sasakyan at pina-andar ito para makarating agad sa kanyang paroroonan.

Habang nasa byahe ay binuksan niya ang music player sa kanyang sasakyan at saktong ang kanta naman ay ang A Thousand Years.

Na-alala ni Chloe na ito yung kantang ikinanta sa kanya ni Achi nung huling araw ng panliligaw sa kanya ni Achi habang nag-gigitara.

Nung makarating na si Chloe sa kanyang pupuntahan ay agad niyang hinanap ang pwesto.

Nung mahanap na ni Chloe ang pwesto ay agad nitong inilatag ang tela at inilagay ang mga pagkaing dala-dala niya.

Si Achi naman ay tahimik na umupo na lang at pinagmasdan si Chloe.

"Hayst Happy 5th Anniversary Kiki ko" masayang pag bati ni Chloe kay Achi habang naka tingin sa kanya at inilagay ang dala niyang bulaklak sa isang flower vase.

Habang nasa ganung pwesto ay agad na kinuha ni Chloe ang dala dala niyang cassette player at pinlay ang nag iisang disc neto ito lang ang disc na hindi niya pa naririnig.

"Hi aking Loui gusto ko lang sabihin
na sobrang saya ko dahil dumating ang isang katulad mo sa buhay ko. Mahal na mahal kita sobra higit pa sa buhay ko alam mo yan. Gusto ko lang sabihin na kahit anong mangyari ay palagi lang akong nasa tabi mo"

Bigla nalang itong pinatay ni Chloe na ngayon ay basa na ng luha ang kanyang mga pisngi "Hayy ano ba yan dapat masaya lang tayo eh" sabi ni Chloe at pinlay ulit ito.

"Alam kong habang ngayon na pina pakinggan mo ito wala na ako sa mundong ibabaw ngunit asahan mo na palagi akong nasa tabi mo. Pag pasensiyahan mo na aking Loui kung sumuko man ako , ginawa ko naman lahat para lumaban eh pero sadyang panahon ko na talaga. Gusto kong hanapin mo ang taong mag papaligaya sayo habang wala na ako , gusto kong maging masaya ka sa piling ng iba at gusto kong malaman mo na hindi ako nagsisisi sa desisyong aking ginawa at hindi ako nag dadalawang isip na ibigay ang puso ko para lang madagdagan pa ang buhay mo kahit kapalit pa nito ang sarili kong buhay dahil ganun kita kamahal aking Loui at dahil na rin alam ko na marami kapang plano at pangarap kaya gusto kong matupad mo lahat ng mga 'yon.At sana alagaan mo ang sarili mo dahil wala na ako upang ma-alagaan ka. Yun lang at palagi mong pakakatandaan na mahal na mahal kita aking Loui"

---- The End ----




 Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon