Pano Kung

2 2 0
                                    


Clarence's P.O.V

   Pano kung isang araw may gustong makipag kaibigan sayo? tatanggapin mo ba dahil wala namang mawawala sayo o hindi dahil ngayon mo lang naman siya naka-usap.

Pano kung habang tumatagal ay naging close na kayo sa isa't isa at ituring mo na siya bilang isang kapatid? magiging masaya ka ba o malulungkot dahil alam mong habang tumatagal ay alam mong gusto mo na siya bilang maging kasintahan.

Pano kung ang simpleng pangangamusta niya saiyo ay kinikilig ka na? nag ka kagusto ka na ba sa kanya o sadyang marupok ka lang talaga na madaling ma fall.

Pano kung mag kagusto ka sa taong di mo pa nakikita? Pipilitin mo pa ba siyang gustohin o pipigilan ang nararamdamang alam mong wala namang patutunguhan.

Pano kung ang taong dapat kapamilya mo lang ay gusto mong maging iyo? pipigilan mo ba ang iyong nararamdaman dahil alam mong hindi tama o ipapatuloy dahil alam mo namang hindi talaga kayo mag kadugo.

Pano kung mag kagusto ka sa taong nakilala mo lang online? gugustuhin mo parin ba siya kahit hindi ka sigurado na hindi siya manloloko o pipigilan mo na lang dahil ayaw mong masaktan.

Pano kung habang tumatagal mas lumalalim na ang nararamdaman mo sa kanya? ipagpapatuloy mo ba ang iyong nararamdaman o pipigilan dahil alam mong habang tumatagal at lumalalim ang nararamdaman mo ay mas lalong sumasakit.

Pano kung isang araw mag confess siya sayo at sabihing mahal ka niya? sasabihin mo Rin bang mahal mo din siya o tatawanan mo nalang siya dahil baka nag papatawa lang siya at niloloko ka.

Pano kung mag pumilit talaga siyang ligawan ka? hahayaan mo ba siyang ligawan ka dahil gusto mo rin naman siya o pipigilan dahil alam mong imposibleng mangyari na maging kayo.

Pano kung araw-araw kana niyang nililigawan at sinasabihan ng mga matatamis na salita? sasagutin mo na ba siya dahil mas na fall ka na sakanya o hindi dahil ayaw mong masaktan.

Pano kung isang araw tinanong ka ulit niya kung pwede bang maging kayo? sasagutin mo na ba siya o mag papakipot ka pa.

Pano kung sinagot mo na siya nung tinanong ka niya? magiging masaya ka ba dahil sa wakas ay naging saiyo na ang matagal mong minimithi o malulungkot dahil alam mong imposible talaga ang inyong relasyon.

Pano kung masayang masaya na  talaga kayo sa isa't isa? na kahit minsan ay di pa kayo nag-away at palagi lang kayong masaya

Pero pano kung habang tumatagal ay nawawalan na siya ng oras at effort sayo? makikipag hiwalay ka na ba dahil nahihirapan ka na sa sitwasyon niyong dalawa o lalaban dahil mahal na mahal mo na siya at iintindihin mo nalang siya at iisiping busy lang siya.

Pano kung isang araw ay makausap mo ang kaibigan niya at sinabihan kang niloloko ka lang niya? maniniwala ka ba sakanya na niloloko ka lang niya o mag bubulag bulagan at bingi bingihan at sabihing hindi ito totoo dahil alam mong hindi ka niya niloloko.

Pero pano kung isang araw mabalitaan mo ang isang balitang dudurog sa puso mo? mag papa-katangahan ka pa rin ba sakanya o susuko ka nalang dahil alam mong simula pa lang ay pumasok ka sa isang relasyong imposibleng mangyari.

Pero pano kung may ebidensya na na niloloko ka lang niya? gagamitin mo parin ba ang marupok mong puso o ang iyong utak.

Pano kung isang araw siya na talaga ang kumumpirma na niloloko ka lang niya? gagawin mo parin ba ang lahat wag lang siya mawala sayo o makikipag hiwalay na dahil nasaktan ka na ng sobra.

Pero alam mo kung ano yung masakit? Yung minahal mo ang isang tao na minahal ka lang dahil sa isang dare pero ang tanong minahal nga ba.

Sabagay di ko naman siya masisisi kung ipag palit at lokohin niya ako dahil sa taong mas malapit.

Oo nakita at naka-usap ko lang siya sa isang pekeng mundo pero minahal ko siya ng totoo minahal ko siya ng buong puso pero bakit puro bakit mga pasakit lang ang ibinigay niya sakin.

Kaya ngayon napa-isip nalang tuloy ako pano kung di ko nalang siya in-entertain? siguro hanggang ngayon buo parin ang puso ko at hindi pa durog , wasak at nagdurugo.

Pano kung di nalang ako tumakas sa totoong mundo at hinarap ang mga problema ko? Siguro wala na akong mga problema ngayon kung sa chess pa na check game ako dahil sa isang wrong move.

Pano kung di nalang siya yung minahal ko ? masaya na siguro ako ngayon hindi na siguro ako umiyak at nagdusa.

Siguro kung mabibigyan lang ako ng pag kakataon namai-babalik ang  mga panahong di pa kita nakilala at naka usap mas pipiliin ko pang iignore ka at iwasan pero bat ko pa nga ba ibabalik eh nasaktan na ako.

Pero pano kung di niya ako niloko't sinaktan? magiging masaya kaya ako sa piling mo o masasaktan lang din.

At ang pinaka malaking pano ay...

Pano kung di nalang ako nag-tiwala at nag-mahal sa maling tao? siguro kung di ko ipi-nagkatiwala sa maling tao ang puso ko siguro buo pa ito ngayon at hindi nag durugo at durog at kung tamang tao siguro ang minahal ko edi sana masaya ako ngayon at hindi malungkot at umiiyak.






----The End----



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon