This Is Me

25 10 1
                                    

Shane's POV

"Magandang umaga dilag" pag bati ko sa isang magandang binibini habang naka ngiti na nasa aking harapan hindi niya ako pinansin subalit ay naka ngiti lang din siya sakin

Hindi niya ako kina usap kaya pinabayaan ko nalang siya at nagsimulang magbihis.

Nagsuot lang ako ng isang long sleeves na tinuod ko sa 3/4 na pinaresan ng jeans at converse na sapatos nag pabango na din ako para ready na.

Okay gwapo na siguro ako tignan neto hinawakan ko ang buhok ko at nagulat dahil medyo mahaba na din pala yung buhok ko pero okay lang yan.

Pagkatapos ay dumiretso na ako sa hapag kainan at Nakita ang isang note na sa tingin ko ay galing kay mama.

Shane,
Anak nauna na kami ng iyong Papa sa trabaho nakahanda na ang pagkain na kakainin mo diyan anak at yung allowance mo naka ipit na dun sa ilalim ng plato. Patayin mo na din yung main fuse at yung tangke at mag aral ka ng mabuti wag unahin ang love life love life na yan.At mamayang hapon pa kami makaka uwi kaya pwedeng sa school kana lang din kumain ng tanghali.

PS:Anak palagi ka pa namang may nakakalimutan I check mo muna lahat bago ka umalis ha Love you.

Nagmamahal,
Maganda mong Ina

Wala na naman siguro akong nakalimutan ayos na lahat, kumain nalang ako at kinuha yung perang nakaipit sa plato.

Chineck ko muna lahat yung fuse nakapatay na yung tangke ng gas patay na din , at ayos na naman suot ko 1st day palang kaya pwede pa kaming mag civilian.

Pumunta na ako sa aming paaralan gamit ang aking scooter habang nagmamaneho ay di ko parin maiwasang di maalala ang mukha ng dilag na nasa aking harapan kani kanina lang.

Nung makarating na ako ay di ko parin maiwasang mapangiti ng maalala ang ko ang kanyang nakangiting mukha.

Di ko alam kung bakit naka tingin sila lahat sakin na gwagwapuhan na siguro sila sakin ganun na ba talaga ako ka gwapo isip isip ko.

Nag pa tuloy lang sila sa pag tutok sakin na parang gulat at namamangha at para bang nakakita ng isang pusang lumilipad o di kaya isang bulaklak na naglakakad.

Nag simula na ang klase at mabilis namang itong nagpatuloy natapos na din ang aming recess at bumalik nanaman sa room.

"Ma'am may I go out? " sabi ko sa aking guro at pinayagan naman din ako titnitigan din muna niya ako bago niya ako tuluyang payagan.

Ang weird talaga ng mga tao ngayon , ngayon lang siguro sila nakakita ng isang gwapong nilalang.

Nung makapunta na ako sa aking pupuntahan ay nagulat ako ng pag harap ko ay nakita ko na naman ang dilag.

Nakangiti lang din siya sakin katulad ng kanina unang kita ko palang ay nakangiti na ako.

Nakipagtitigan lang ako sa kanya ng namalayan kong natagalan na pala ako sa pag titig sa kanya.

Nag madali akong nag pa alam sa kanya at dumiretso pabalik sa aming silid at di parin ako naka iwas sa mga titig ng mga nada daanan kong mga estudyante.

Bumalik na ako sa aking upuan na nasa likod malapit sa bintana buti nalang di pa natapos yung tinuturo ng aming guro kaya meron pa din naman akong natutunan

Natapos na din ang klase namin ngayong umaga buti nalang hindi masyadong na kaka antok yung lesson.

Lunch break na namin ngayon kaya nag lakad na ako papunta sa cafeteria pero naka titig pa din sakin lahat ng mada daanan ko kaya medyo na iirita na ako.

Naka simangot akong pumunta at umorder sa cafeteria naki titig na din yung mga nag bebenta sa cafeteria kaya medyo binilisan ko nalang ang pag order.

Pumwesto na agad ako sa pinaka likod na upuan para dun kumain , habang kumakain ay meron paring naka tingin sa akin kaya binilisan ko na lang ang pag kain.

Nung matapos ako ay dumiretso ako sa library upang magbasa ng libro at para na din maka iwas sa mga pag titig ng mga tao.

Mabilis na nag panik ako patungong silid aklatan buti nalang walang masyadong tao ngayon medyo maaga pa naman kaya mag babasa nalang muna ako.

Nung naka pili na ako ng librong babasahin ay umupo na ako agad sa bakanteng upuan at nag head set.

Medyo natagalan ako sa pag babasa at di ko namalayan na malalate na pala ako meron nalang akong 5 minutes pero kaya pa yan medyo malapit lang naman ang lalakarin ko.

Nung naka punta na ako sa aming silid ay wala pa ang aming guro kaya di pa ako late.

Dumating na ang aming guro at naka tingin pa din siya sakin di ko nalang siya pinansin at nung natauhan na siya ay nag simula na siyang mag turo.

Pag uwi ko talaga galing dito tatanungin ko talaga parents ko kung bakit ako pinag titinginan nakaka bwiset na kasi eh kanina pa umaga sila ganyan.

Pero nawawala ang pag ka bwiset ko ng maalala ang mukha ng magandang dilag kanina at nakangiti.

Naging mabilis ang oras na di ko namalayang tapos na pala yung klase namin narinig ko nalang na nag bell na kaya hudyat na siguro yun na uwian na.

Nagpaalam na kami sa aming guro at inayos ko na din yung mga gamit ko at lumabas na din ako pag ka tapos.

Habang nag lalakad pauwi ay di ko parin maiwasang maisip yung magandang dilag at kung bakit ako titnitigan ng mga tao sa school.

Nung maka uwi na ako ay nakita ko ang parents kong nag hihintay sakin sa sala at na gulat na naka tingin sakin.

"Sabi ko na sayo mahal eh makaka limutan niya nanaman." sabi ng Papa ko kaya ako'y naguluhan ano naman kaya yung nakalimutan ko.

"Ano po yung naka limutan ko pa?" tanong ko at medyo nagulat dahil sa boses ko.

"Pambihira ka talaga anak palagi mo na yang nakakalimutan" pag sagot niya na medyo natatawa.

Lumapit sakin si mama at may kinuhang isang salamin (mirror) sa kanyang bag.

Mas nagulat ako sa aking nakita at ngayon ko lang napagtanto ang lahat.

Kaya pala may isang magandang dilag sa salamin sa cr ng kwarto ko kanina , kaya pala mahaba yung buhok ko , kaya pala ako pinag titinginan ng mga tao sa school , kaya pala nakita ko ulit yung babae sa salamin din ng cr ng school namin dahil ako pala yung babaeng yun at nakaka gulat naman talaga dahil naka suot ako ng pan lalaki.

"Ano? Naalala mo na ba Shanelle?"

Habang na ka tingin at tinuturo ang sariling repleksyon sa salamin ay nabanggit ko nalang
"This is Me"

----The End----

 Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon