Sold To Mr Billionaire
Chapter 2Lea Bliss PoV
Bat parang lumambot atah yung kama ko at bumango yung kuwarto ko?.....
w-wait! damn na alala kong na kidnapped pala ako tapos ibinenta .....
Wala na akong sinayang na oras at agad tumayo at nag tungo sa malaking pinto...
Napakalawak ng kwarto at napakaganda ng disenyo nais ko mang pag masdan ng mas matagal ang kwartong ito pero kailangan ko ng umuwi dahil baka hinahap na ako sa amin.
Ng makalapit ako sa pinto agad ko itong binuksan nag papasalamat ako at hindi ito naka lock mukhang hindi naisip ng nakabili sa akin na tatakas ako...
Hindi pa ako nakaka iilang hakbang ng may dalawang kalalakihan ang humarang sa akin may mga hawak silang baril na malalaki at malalaki rin ang katawan nila...
Agad na dumaan ang takot sa aking katawan at hindi alam kung ano ang gagawin ko
"Ma'am bawal po kayong lumabas sa inyong silid"saad ng isa sakanila
"K-kuya kailangan ko na po kasing umuwi baka hinahap na ako sa amin please po paalisin niyo na po ako hindi po ako mag susumbong sa mga pulis makuwi lang po ako" pag mamaka awa ko sa kanila kulang na lang lumuhod ako sa harapan nila para lang palabasin ako baka nag aalala na si mama.
"Hindi po namin kayo pwedeng palabasin ma'am mahigpit na ipinag uutos sa amin na wag kayong palabasin sa kwarto niyo"
"Sino po ang nag utos sa inyo pwede ko po ba siyang makausap please po kailangan ko na talagang umuwi sa ami---"
"Ako ang nag utos you got a problem with that Ms. Montano?"
Natigilan ako sa pag sasalita ng may narinig kaming boses sa likuran
"Boss!" Agad namang umayos ng tayo ang dalawang bantay at bahagyang yumuko upang mag bigay galang sa kanilang pinuno.
"Leave us"malamig na ani nito sa dalawang bantay.
Agad namang sinunod ng dalawang lalake ang utos ng boss nila at umalis.
"Turn around lea"
Nag dadalawang isip ako kung haharap ba ako sa kaniya o hindi boses palang niya ang naririnig ko sa kaniya dinudumog na ng kaba ang dibdib ko...
Wala na akong nagawa kung hindi ang humarap sa kaniya...
Pag kaharap ko sa kaniya bahagyang napa awang abg aking labi dahil sa aking nasilayan
Isang matangkad na lalaki ang nasa aking harapan na mayroong napaka perpektong hugis ng mukha mga mapupungay na mga mata na kulay berde,matangos na ilong, may kakapalan ang kilay at ang labi niyang mas mapula pa ata kaysa sa akin, maputi rin siya at mukhang alagang alaga ang kutis. Hindi rin nag patalo ang mga muscles niya at kahit naka suit ito halata pa rin ang kakisigan nito.
"Done checking me out lea?"
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya. Napayuko ako dahil sa hiya. Shocks! Nakakahiya huhuhu lamunin mo na ako semento...
"Tss. Look at me"mahinahon ngunit nababakas ang authoridad sa kaniyang boses.
Hindi ko kayang tumingin sa kaniya nakakahiya huhuhu.
Naramdaman kong lumapit siya sa akin at iniangat ang baba ko dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.
Sumalubong sa akin ang berde niyang mga mata na naimtim na nakatingin sa akin may bahid ng lamig ang kaniyang mga tingin. Nakakapanghina.
"I said look at me baby"
Damn......
_____________________________________
I hope you enjoyed this chapter❤
PLEASE SUPPORT MY OTHER STORIES
The Possessive Bad boy
(Sylvestre Series #2)The Possessive Mafia Billionaire
please like and visit my facebook page
https://www.facebook.com/pg/NadineVillamill/posts/
You can also add or follow me on my social media accounts.
Facebook: Nadine Villamil Wp
Instagram:khillerhaven
Twitter:khillerhaven
Dreame:NadineVillamilThank you guys for your continuous support I love you all❤
-NadineVillamil-
BINABASA MO ANG
Sold to Mr.Billionaire (SYLVESTRE SERIES #1)
General FictionWritten by: NadineVillamil