"I CAN'T"

6 1 0
                                    

Rean's POV.
Nasa mall kami nang mga barkada ko. Ayun, masaya. Pero may kulang eh, wala na naman sya, parati nalang. Kaya ako dito nakasimangot. Asan na naman kaya siya? May iba na sya? Hayss. "Uy, bat malungkot ka?" biglang tanong ni Jane na naging sanhi nang aking pagkagulat. "Ah, wala." maikling sabi ko. "Bestfriend moko tas magsisinungaling ka?" sabi nito at nagsumimangot. Ang kyut mo talaga Jane, kung lalaki ako, liligawan na talaga kita. "Naku, ayan na naman yung simangot nayan! Okay aamin na" sabi ko rito at bigla naman lumabas yung mga ngiti sa labi niya. Nagpaalam muna kami sa mga kaibigan namin di kasi namin maririnig isa't-isa kung nandito kami sa videoke.

Lumabas kami nang videoke at nagtungo sa library. Uhh, gusto ko dito, tahimik. "Oh ano na?" sabi ni Jane. Huminga ako nang malamim at nagkwento. "Jane, umm.... Si Fred kac.. Umm.. N-nag bago na kasi siya.." sabi ko na parang ready nang umiyak mga mata ko na parang hindi na ako makakapagsalita nang maayos. "Baket?" gulat na tanong nito. "Di na kac siya nagrereply sa mga texts ko, chat ko, at di din sumasagot sa mga tawag ko..." sabi ko ito at pumatak na ang aking mga mata. "Si Fred na naman?" mahinang sabi nito. Tumango ako. "Hays, Hoy Rean, mamulat ka sa katotohanan, patay na si Fred. Please let him rest in peace. Pakawalan muna siya sa puso't isipan mo, it's already 2019. 2 years nang nakalipas. Please? Let him rest in peace." pag mamakaawa nito. Tila nabuhusan ako nang napaka malamig na tubig. Yeah it's already 2 years ago, pero di ko parin kayang kalimutan siya. Sakanya kolang kac naramdaman yung MASAYA. Kung di siya pinatay siguro matutuloy yung kasal namin.

*Errors ahead

-Ang panget hahahha sana magustuhan nyu dear readers!❤

SHORT STORIESWhere stories live. Discover now