Naglalakad ako sa gilid nang kalye nang mag ring yung phone ko. Si Brylle. Sinagot ko ito at pumara nang taxi. "Oh, babe? Napatawag ka?" nagtatakang tanong ko habang pumasok sa passenger seat, kanina kac tumawag siya tas tumawag na naman ulit. "Umm.. Ma'am? Kayu po ba asawa ni Mr. Gomez?" tanong nang isang di pamilyadong boses. "B-bat nasa inyo phone nung boyfriend ko?!" sigaw ko. Di ko na pinansin ang nakatingin sakin na driver. Bat nasa kanya yung phone ni babe?. Wag kang mag isip nang masama Ann. Di parin sumasagot yung lalaki. Ughh! Bat ayaw sumagot?!. "Hello?! Hello?! A-" di ko natuloy nang unahan ako nang lalaking may hawak sa phone ni Brylle. "Si Mr. Gomez po ay nasa sa Hospital ngayun, kritikal po ang kalagayan niya, kailangan niyo na pong pumunta dito. Sa Sabal hospital po." pagmamadali niyang sabi tsaka call ended. Tila binuhusan ako nang malamig na malamig na tubig. Di kona alam yung gagawin ko. Pano yung mga pangarap namin? Wala nayun?. Sinabihan ko yung driver na magtungo nalang sa SABAL HOSPITAL. Pagdating ko dun, di na ako nag alinlangang pumunta sa information desk at nagtanong. "Nurse?! Asan po yung room ni Mr. Gomez?!" sigaw ko. "Miss kalma lang po" pagkakalma nito sakin. Puta pano ako kakalma?!. "Wala akong paki! Sabihin niyu nalang po yung room ni Brylle Gomez." sigaw ko rito at napahagulgul.
Baliw ba tong nurse nato?! Bat di siya nakatingin sakin?! Baliw ba to?! Ano to?! Asan yung manager nito! Puta!. "Nurse?! Ano na?! Magtititigan lang tayu dito?! Asan yung manager nyu?!" sigaw ko rito na parang baliw. Di kona pinapansin yung mga nakatingin saakin. Napaluhod nalang ako at nagpahagulgul sa pag iyak.
"Babe" sabi nung isang pamilyadong boses. S-si Brylle. Agad ko pinagtuunan nang pansin yubg boses nayun at tama nga si Brylle!. Nagtataka ako, kala koba kritikal? Eh bat naka tayu? Pormadong pormado yung damit? May ikakasal ba? Ano to?. Tinignan kolang siyang papalapit saakin. Nanlaki ang mga mata ko nang lumuhod ito at nagsalita. "I promise i will be your lucky one, I promise to take care of you until the rest of my life, I promise to build a perfect family. I promise that you will never regret that you have me, you'll be the luckiest woman in my life. Miss Ann Mangutya, Will you marry me?" tanong nito at inilabas ang singsing. Prank?. Napahagulgul ako nang iyak na may halong kaba, saya, takot, basta mix!. "Y-yes!" sabi ko at bigla naman siyang tumayo at isinuot sakin yung diamond ring. At hinalikan ako sa lips. Halik na may halong totoong pagmamahal, walang labis walang kolang. Naghiyawan ang lahat at siyang naging sanhi nang pagkatataka ko. Pinagtaasan ko nang kilay si Brylle. "So prank lang ang lahat?" sabi ko dito sabay cross arm. Napakamot ulo naman ito. "Sorry babe, surprise kac to, ito lang yung idea na nakuha ko sa mga kaibigan mo, nanay't tatay mo, at mga kapatid mo." sabi nito at ngumiti. Ngumiti naman ako.
-
-
-
-
-
--"And then we lived happily ever after. And we made you" sabi ni mama. "Ang ganda naman po nang story mo ma!" sabi ko rito sabay thumbs up. Ngumiti si mama and then caresses my hair. "Sana nak, makahanap karin nang katulad nang dad mo ah" sabi niya. Tumango naman ako. "Sige matulog kana baka malate ka sa first day of class mo." sabi ni mama sabay tayu sa kama at in-off ang light. Nakatulog naman ako.
!ERROR ALERT!
@KentoOt Ng Pledis
YOU ARE READING
SHORT STORIES
Short StoryWAG KANG MAGMAHAL NANG SOBRA, KUNG AYAW MONG MASAKTAN KA NANG SOBRA. KAYA SA MGA TAONG INLOVE, PINAASA, BROKEN, REJECTED, TAKEN JAN. INIHAHAHNDOG KOPO SAINYO ITONG GAGAWIN KONG STORY. I MEAN SHORT (?) OR PWEDE DING LONG. SANA MATAMAAN KAYU JOKE!😂 S...