I.

14 0 0
                                    

From: Lyda
San ka bebe?

To: Lyda
Bahay. Bakit?

From: Lyda
Tara tambay tayo sa labas. Dali

To: Lyda
Sige sige. Dito na ko sa labas.

"Bakit?"

"Haha wala lang! Hanap tayo ng boylet mo may ipapakilala ako sayo! Tatlo yun!"

"Hala grabe haha di naman ako nagmamadali noh."

"E ang tagal tagal mo ng walang boyfriend di ka ba naboboring?"

"Hindi."

"Bahala ka jan. Haha. Basta may ipapakilala ako sayo!"

Maya-maya may dumating na tatlong lalake. Nagkwentuhan sila nila Lyda and ako pumasok sa loob dahil nahihiya ako sa mga bisita ni Lyda. Masaya silang nagkekwentuhan malapit sa bahay namin. Nung pauwi na yung mga bisita ni Lyda, tinawag niya ko sa bahay para ihatid sila sa kanto.

"Ito naman kasi! Pumasok sa loob. Di tuloy kayo nagkausap. May gwapo dun noh? Si Ace? Yung may braces? Si Mel din gwapo kahit maitim. Nakita mo ba?"

"Hindi eh. Yung may braces lang napansin ko. Gwapo nga siya."

"Next time papakilala na kita sa mga yun. Si Roy di mo napansin? Yun lang yung close ko dun eh. Kwela yun."

"Sira nahihiya nga ako eh."

Hindi ko alam kung bakit yung mga kaibigan ko atat na atat na magkaboyfriend ako. Wala naman akong nakikitang masama sa pagiging single ko nang halos magdadalawang taon na. Ayoko lang talaga magboyfriend. Hindi dahil nasaktan ako sa past boyfriend ko kundi dahil ayoko lang talaga. Tamad ako mag-entertain ng manliligaw kaya nagtatanong palang sila binabusted ko na. At isa pa, masaya ako sa buhay ko kahit wala akong lovelife. Pero yung mga kaibigan ko, kung hindi ako bibigyan ng katextmate, ipapakilala ako sa kung sino-sino. Sa school ko naman inaasar ako ng mga classmate ko na Lesbian ako kasi madami akong crush na babae. Marunong akong umappreciate ng ganda ng isang babae. Kaya madami akong crush na girls, mga artista, schoolmate, classmate, or mga YouTube sensation. One time may classmate ako na nabuntis, inasar niya ko na ako daw imposibleng mabuntis. Baka gumuho daw ang mundo. Nung first year college ako madalas kami mag-inuman ng mga classmates ko at kahit sino pang lalaki na hindi namin kilala ang makasalamuha ko sa inuman, wala akong natipuhan ni isa. Ganun ako ka-hindi interesado sa mga lalaki. Tuwing uuwi kami ng bestfriend ko na si Sara, bawat gwapong makikita niya binibilang niya. Sabi niya kapag naka-isandaang gwapong lalaki daw sya na makikita, kinabukasan magboboyfriend na daw ako. Pero hindi naman sya naka-isandaan kaya tinawanan ko lang siya. Masayang-masaya ako sa pagiging single. Nabibili ko lahat ng gusto ko. Adik din ako sa mga libro. Mahilig ako magbasa ng mga Love Story pero sa totoong buhay hindi ako interesadong magkaron nun. Sa sobrang dami kong libro napuno ko na yung malaki kong bookshelf. May mga nanghihiram din sakin. Pero mahigpit ako sa pagpapahiram ng libro. Ayoko ng tinutupi yung libro ko or inuupuan or binubuka ng maigi. Umaattend din ako sa nga Book signing at Bookfair. Bumibili din ako ng mga self-published books at yung mga Limited edition na books online. Sa libro at gimik naka-focus ang buhay ko habang single ako. Kapag tumitingin ako sa Facebook at nakikita ko yung ex ko na masaya na sa bago niya, napapangiti ako. Pag nakikita ko yung mga nabusted ko na may girlfriend na, natutuwa ako para sa kanila. Masayang-masaya ako noon.

Mayroon akong pinagkakaabalahan din noon. Yung application na WeChat. Madami akong nakakausap na mga foreigners na mababait. Pero kapag mga bastos na foreigners ang bumabati sakin sa Shake binablock ko kaagad. Tinry ko one time na magchat sa 'Nearby You' section nung app. Basta pasok sa age ko chinachat ko mapa-babae or lalake para lang may makausap ako tuwing madaling araw. May insomnia kasi ako. Sa lahat ng mga chinachat ko si Anthony lang ang tumagal at tumatagal. Tumagal ng ilang buwan at tumatagal sa puyatan. Madaldal at friendly sya kaya feeling ko ang tagal na namin magkakilala pag nag-uusap kami sa WeChat. Masarap siya kausap kaya kada pag-uwi ko galing school chinachat ko na siya kaagad. Dumating din sa puntong nag-a-iloveyou-han na kami. Inadd ko din siya sa Facebook at nagkakatext din kami minsan. Minsan lang. As in once a month. Kasi madalas kami magkachat sa WeChat. Pero bigla syang di nagparamdam non. Nakaramdam ako ng lungkot kasi wala na kong kausap tuwing madaling araw at feeling ko gusto ko na kasi sya. Nung araw na pinalabas ako ni Lyda at ipapakilala sana sa tatlong bisita niya, dinadamdam ko pa din yung biglang hindi niya pagpaparamdam kaya wala din akong ganang kausapin yung mga bisita niya. Nawala kasi siya nang biglaan. Parang bula. Parang nagising ako isang araw hindi na sya nagchachat at parang hindi kami nagkachat. After one month na hindi nya pagpaparamdam, nagulat ako na bigla syang nagpost sa WeChat na may kasama siyang babae. 'The person I love the most.' at 'Yung babaeng isusurprise dapat ako kaso fail. Hahahaha!' Nakaramdam ako ng selos. Pero inisip ko na baka bestfriend niya lang yun kaya nawala din yun sa isip ko. Pero after one month nagpost ulit sya sa WeChat. 'Best Christmas Ever with my girlfriend. 5 days straight magkasama. See you later po ulit mahal.' Dito nagselos ako ng malala. Ewan ko kung bakit pero hindi ko masyadong inisip dahil para sakin wala lang yun. Ayaw kong mag-overthink at i-entertain kung ano man yung nararamdaman kong yun. Afterall, hindi ko naman kilala ng personal yung tao at wala naman kaming relasyon. Pero paminsan-minsan naiisip ko siya.

One Million TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon