III.

14 0 0
                                    

Chapter Three

Lumipas yung mga araw mas naging close kami ni Anthony. I mean, ni Roy. One time tumambay sya samin nung walang practice. Magkakasama kami nila Arvin, Paolo, at Fami nun. Nantitrip lang kami. Kumakain. Madalas nag-iinom. Hanggang sa naulit ng naulit. Madalas na kaming magkakasama at naging One of the boys ako. Inaasar ako nun ni Roy na one of the boys daw talaga ako dahil sa size ng boobs ko. Flat chested kasi ako. Tinatawanan ko lang sya. Siya naman todo pang-aasar. Naging close din sila ng mama ko. Bahay namin ang naging tambayan. Friendly naman kasi ang mama ko. Malakas mang-asar. Bagets. Feeling bata. Makaka-vibes mo siya kahit anong age mo pa. Murahan gusto mo, mumurahin ka niya ng malutong. Pag nag-aasaran kayo kukurutin ka niya sa singit. Pwede din kayo garapalan mag-usap. Madalas mangyari na nakukurot sila sa singit ni mama at tawang -tawa kami sa mga reaction nila. Pag isa nagkasala samin, lahat may kurot sa singit. Damay-damay. Sobrang saya ng samahan namin. Kung hindi kami mag-iinom, magfu-foodtrip kami sa bahay. Minsan naman magbabasketball sila. Except si Roy. Kasi hindi siya pwede magbasketball dahil mahina ang puso niya.

Nakikilala ko pa ng husto si Roy habang dumadaan yung mga araw. Open naman kasi siya. Hindi siya yung typical guy na matino. Kwela at friendly sya, yes. Pero babaero. Sobrang dami na niyang naging karelasyon. Mahilig pumunta ng parties at nakikipag-ONS. (One Night Stand) Madami na siyang naikamang babae. Iba-iba. Yung iba kakakilala palang nya. Yung iba parausan niya. Bad boy siya. Sobra. Pero hindi ko siya jinudge sa character nya. Nakaramdam ako ng pandidiri sakanya kasi first time ko makakilala ng lalaking gaya nya pero after that tanggap ko naman siya. Hindi ko inoverlook yung mga past niya sa iba't-ibang babae. In fact, naging magbestfriends pa nga kami. Kinekwento niya lahat sa'kin. Pati yung sa anak niya. Nagkaanak sya, oo. Kambal. Pero namatay din. Kapabayaan daw ng ina. Nagkasakit. Kinwento niya na iyak daw siya ng iyak nun. Dun ko naisip na umiiyak pala siya kahit na ganun siya. Kahit na nanloloko siya. Kahit na ang dami na niyang nasaktan. First time ko maka-encounter talaga ng Playboy. Dati sa libro ko lang nababasa yun. Ngayon, may nakakasama na kong Playboy. Bestfriend ko pa.

Sweet kami ni Roy para sa isang magbestfriend. Sinusubuan siya kapag sabay kami kumakain ng One of the boys. Inaalagaan siya kapag may sakit. Pinagbabawalan siya sa mga ipinagbabawal sa kanya ng doctor. Nag-a-iloveyouhan. Sweet sa text at social media. Minsan magkatawagan din kami. At mahilig kami magpicture. Napagkakamalan kaming magjowa dahil lagi kami nagpopost ng mga pictures namin. Minsan pa-kiss na hindi natutuloy. Magkaakbay. Na tinatalian niya ko ng buhok. Sa bawat pictures namin makikita na ang saya talaga namin. Open siya sa problema niya. Nagkekwento siya ng mga kalokohang ginawa niya nung mga araw na hindi kami nagkikita. Madami kaming kalokohan. Kapag nagpapractice ng cotillion pasimuno kami sa tawanan dahil nasa grupo namin yung pinaka-epic sa lahat. Si Arvin. Laging siya ang napagtitripan. Pero hindi naman siya napipikon basta close nya yung mang-aasar sakanya. Which is me.

Mabilis malasing si Arvin. At kapag lasing siya, kung ano-ano nagagawa niya na hindi niya alam. Nung una siyang malasing, lumuhod sya sa harap ng bahay namin at nagsisisigaw sa mama ko at nagmamakaawa. Sigaw siya ng sigaw.

"Ang gusto ko lang magkaayos-ayos tayo!"
"Kaya hindi maayos ang pamilya natin kasi puro kayo tulog ng tulog ng tulog!"

Yan yung paulit-ulit niyang sinisigaw. Lumuhod siya sa tapat ng bahay namin at nagmamakaawa sa mama ko na lumabas. Para syang may sinasamba. Nag-iinuman kami nun nila Sarah. Kasama si Michael at mga barkada niya. Birthday kasi ni Sarah. May Kubo sa tapat ng bahay namin. Dun ang spot lagi namin pag nag-iinom. Sweet kami ni Michael nun. Fling na naman. Kinabukasan, inaasar namin si Arvin at kinekwento sakanya yung mga nangyari. Siya naman natatawa. Di makapaniwala sa pinaggagawa niya. Ilang beses kami nag-iinom na laging may eksena si Arvin. Kaya madalas namin syang asarin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Million TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon