II.

5 0 0
                                    

After ng debut ko, debut naman ni Lyda ang aasikasuhin namin. January kasi si Kris, March ako, at June si Lyda. April palang kailangan na magprepare dahil engrande ang debut ni Lyda. Kasama kami sa cotillion na mga kababata niya. Naligo na ko nang tanghali at naghintay sa text ni Lyda kung pupunta na ba ko sa kanila. Maya-maya naman eh nagtext na nga siya pero pagdating ko dun namomroblema sya dahil ang daming di pupunta at nakakahiya sa choreographer dahil naghihintay ng matagal kaya tinulungan ko syang makahanap ng mga kapalit. Nung nagbibilang na siya, sinabi niya na sinali niya sa cotillion sina Roy pati yung apat pa niyang kaibigan. I feel goosebumps again and again. Parang di ko ata kayang makasama ng dalawang buwan at kalahati yung lalaking yun. Feeling ko ang awkward. Ang awkward para sa'kin.

Since puro babae palang ang nandoon at kulang pa sa lalake, nagsimula na yung choreo na turuan muna kaming mga babae. Finormation kami kaagad ng choreo at nagsimulang magturo. Habang sumasayaw bigla kong nakita na parating na sila Anthony. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit. Nakita ko silang nanunuod sa mga babae. Na-conscious tuloy ako sa galaw ko. Alam kong nakita na niya ko. Iniiwasan kong wag mapatingin sa kanya dahil baka kung ano ang isipin niya. Nung dumami na yung mga lalaki, nagpasya yung choreo na ipartner na kami at iformation para sa unang tugtog ng cotillion. Hindi ko maiwasang tignan si Anthony habang nagpapractice. Kapag nagkakachance, tinitignan ko sya kapag hindi sya nakatingin or nakatalikod sya. Nasa unahan kasi ako at sya nasa likod dahil matangkad sya. Ako maliit kaya nasa unahan. Yung partner ko hindi ko kilala. Pero naging friendly ako sakanya at ineentertain sya habang nagpapractice. Wala kasi syang kilala sa mga nandoon. Anak kasi sya ng kaibigan ng mommy ni Lyda. Nung meryenda time na, nagpakuha lang ako kay Arvin ng food kasi nahihiya ako kumuha ng food dahil andun yung mga Beda friends ni Lyda. I feel like I don't belong. Ganun yung feeling namin nina Eman, Kris, at Sara pag may kasama kaming friends ni Lyda sa Beda. Kasi mayaman sila, mahirap lang kami. Kaya parang nakakahiya makihalobilo sa kanila. Pero eventually naging close din namin sila at nakakabiruan. Tamang pakikisama at pagiging totoo lang. Nung binigyan na kong food ni Arvin umupo ako sa bakanteng upuan sa sala dahil nangangawit na talaga ako kakatayo. Kahit na alam kong dun nakapwesto sila Anthony, umupo pa din ako dahil di ko na kayang tiisin yung ngawit ko. Kumain ako ng tahimik. Maya-maya narinig ko na parang pinag-uusapan nila ako at tumatawa sila. Napatingin ako kay Anthony.

"Di makabasag pinggan ah." Sabi niya.

Tumingin ako sa mga barkada ni Anthony at napangiti nalang. Inasar-asar pa nila ako nun pero panay lang ang ngiti at tawa ko hanggang sa matapos akong kumain.

"Dalagang pilipina pre." Sabi ulit ni Anthony at nagtawanan sila. Hindi ako nainsulto sa mga asar nila, natutuwa nga ako eh. Nahihiya lang akong makihalobilo sa kanila dahil awkward pa din para sa akin na andun si Anthony. Ewan ko ba ba't ganito yung feeling. Nung second day, ganun ulit ginagawa ko. Di ko maiwasan mapatingin sa kanya. Nang matapos yung practice, nagkayayaan ng inuman. Niyaya kami ni Lyda. Advance Celebration daw ng birthday ni Sara. Kasama mga Beda friends niya. So after ng practice hindi kami kaagad umuwi at nagstay pa kina Lyda. Nag-inuman kami. Palagi kami magkasama ni Sara dahil OP kami sa mga Beda friends ni Lyyy at nila Anthony. Shumashot lang kami. Sa sobrang bored namin ni Sara, nagselfie lang kami ng nagselfie. Nasabihan pa kami ni Anthony na ang hilig daw namin magselfie. Nung medyo may mga tama na sila, nakita ko na nag-aasaran sila na '5 seconds walang malisya'. Una si Chynna at si Ace hanggang sa si Anthony lumapit kay Jemma, palapit ng palapit na parang tinatakot niya si Jemma na hahalikan niya to. Umiwas ako ng tingin nung malapit na magkadikit yung labi nila. Hindi ko alam kung nagkadikit or hindi basta ang importante hindi ko nakita. Hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Hindi ko alam bakit ganito nararamdaman ko. Hindi naman dapat ganito eh. Sa sobrang frustrate ko sa pakikipag-debate sa sarili ko tumayo ako at nagpunta sa CR at huminga ng malalim. Sinampal sampal ko pa yung sarili ko baka sakaling bumalik ako sa katinuan. Paglabas ko ng CR pumunta ako sa may salamin nila Lyda at nagpicture. Nagulat ako dumating si Anthony at Lyda at sumama sa pagpipicture. Maya-maya ako na yung nagtatagay sa kanila. Hindi ko na tinatagayan si Jemma dahil lasing na. Lahat sila makukulit na. Andun din yung bestfriend daw ni Anthony na si Jenny. Pati yung iba nyang barkada. Nag-iinom din. Hindi ko alam yung iaadress ko kay Anthony kapag tatawagin ko sya kaya Anthony ang tinatawag ko sakanya. Pero nung ilang beses na sabi niya 'Roy' nalang daw ang itawag ko sa kanya. So, that's it. Roy.

Nung mga sumunod na linggo nagpatuloy lang yung practice namin. Every Saturday and Sunday. Palagi padin ako napapatingin sakanya. Di ko mapigilan sarili ko. Nung birthday ng mommy ni Lyda nagkaroon uli ng inuman. Kasama yung choreo namin. Pero hindi sya nagtagal. This time naging hyper ako. Wala talaga akong balak uminom kina Lyda kasi may bisita din ako na kainuman ko pero sabi si Lyda nalang daw yung babae dun kaya naisip kong samahan sya para may kasama din syang magligpit ng mga gamit. Buti nalang at umuwi na yung mga bisita ko ng bandang 8pm. Sinamahan pa ko nila Anthony, Arvin at Fami na ihatid sa sakayan yung mga yun. Si Fami yung partner ko. Fami tinatawag ko sakanya kasi apelyido nya nagsstart sa Fami. Ayoko sya tawaging Emman dahil may kapangalan sya sa mga bestfriend ko na kasama din namin sa cotillion. So para walang malito, Fami ang tawag ko sakanya. Hanggang sa ganun na din ang tawag sa kanya ng halos lahat sa cotillion. Effective yung inimbento kong nickname niya. Habang umiinom nagpasama din ako bumili sa kanila ng burger sa Sapa dahil nagugutom ako. Nilibre ko na din sila. Medyo nagkakausap na kami ni Anthony. Nagkakabiruan. Nagtatawanan. Nagkekwentuhan. Nung gabing 'yun sabay kaming naihi. As in sobrang ihing-ihi kaming dalawa. Nagtutulakan kaming dalawa sa banyo kung sino ang mauunang umihi pero ayaw niya patalo. Ang ending sabay kaming umihi sa CR. Pero nakatalikod siya. Binalaan ko sya na pag humarap sya papatayin ko sya. Kunwari convincing yung banta ko sa kanya. Hanggang sa nakalabas kami ng CR tawa kami ng tawang dalawa. Kinuwento niya kaagad kay Lyda yung nangyari. Naglaro din kami nun habang nag-iinom. 'Go to the Party' at 'Around the world'. Masaya naman. Pero nung dumating yung Daddy ni Lyda nagmadali kami sa pagtagay at nagligpit kaagad ng matapos kami. Hinatid namin sila sa kanto. Binuhat pa ko ni Anthony nun at tawa naman ako ng tawa habang pinipilit ko sya na ibaba ako. Nung pabalik na kami sumuka si Lyda. Sasamahan ko na sana sya sa kanila pero sabi nya okay na daw sya kaya umuwi na din ako.

One Million TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon