Chapter 16

1.7K 47 11
                                    

Ion (messages)
Vice:Ion?
         Schedule for our shoot..
         Monday 5:30pm
         Wednesday 8:00pm
          Friday 3:45pm
         Kung gusto mo sunduin nalang kita
         para sabay na tayong pumunta dun
Ion:sigesige, thankyou pero parang baligtad
        ata
Vice:Ang alin?
Ion:Dapat ako yung magsusundo sayo
Vice:Ay sige, ikaw bahala
Ion:Yung kotse mo nalang gamitin natin
Vice:Lakas ng loob magsundo wala nmn sasakyan
Ion:Pasensya na hehehe

"Galing mo kanina ah" sabi ni Vice at umupo

"Mas magaling ka" sabi ni Ion at naningkit ang mata ni Vice

"Ibig kong sabihin mas magaling ka kasi sanay kana"

"Talaga ba Ion?"

"Biro lang ikaw talaga"

"May sasakyan kaba pauwi?" Tanong ni Vice

"Wala, sasakay nalang ako diyan maaga pa nmn"

"Sabay kana sakin wala nmn akong kasama"

"Si Kuya Jun?"

"Day off niya ngayon"

"Sina Buern at Aaron?"

"Umuwi kanina, emergency daw"

"Si Anthony?

"Iisa isahin ko talaga?!"

"Sige na nga" pasukong sabi ni Ion at lumabas na sila

"So sino magddrive?" tanong ni Vice habang nakapamewang

"Ako nalang" sabi ni Ion at kinuha ang susi

"Dapat pala ako nalang nagdrive para diretcho na kita sainyo" sabi ni Vice at binuksan ang bintana

"Edi sainyo ako matutulog" pabulong na sabi ni Ion

"Ha?"

"Hatdog" sabi ni Ion at hinampas ito ni Vice

"Kinakausap ng maayos eh!"

"Sabi ko, sainyo nalang ako matulog, sabi mo magisa kalang diba"

"I want to be alone"

"Ng mag isa?"

"May alone bang marami Ion?! Kausapin mo muna sarili mo bago ako"

"Oo na po"

"Hmp! Lika na"
-
-
-
"Oh eto unan harang mo sa gitna" sabi ni Vice at binato ito ng una

"Bibigay nalang babato pa" bulong ni Ion

"Saka di na nasanay amp!"

"Ano?!"

"Wala sabi ko goodnighttttt!"

"Bat sumisigaw?galit ka?"

"Goodnightttttt" malambing na sabi ni Ion

"Ayan ganyan goodnight"

"Huy gising na malelate na tayo" sabi ni Vice  habang nakaluhod ito sa gilid ng kama saka tinatapik ang mukha ni Ion

"Hmm" daing ni Ion at humarap kay Vice

"Asan muna kiss ko? Sabi ni Ion at ngumuso ito

"Gaga!! Tayo kana diyan" sabi ni Vice at bumaba na

-
-
-
"Ano yan?" Sabi ni Ion ng makita niyang nagluluto si Vice at yumakap ito sa kanyang likod

"Ehem Ion" Sabi ni Vice at humiwalay sa yakap saka pumunta sa mesa

"Vice, i miss you" sabi ni Ion at yumakap ng mahigpit kay Vice, wala nmn nagawa si Vice kundi yumakap pabalik dahil namiss niya rin nmn ang binata.

"Heppp!!! Tam~" naputol nmn ang sasabihin ni Vice ng bigla siyang sunggaban ng halik ni Ion, sa una ay hindi siya tumugon dahil baka ano pang mangyari... dahil na rin sa magaling humalik si Ion agad na itong tumugon. Ng kapusan na sila ng hininga agad ng humiwalay si Vice

"Kain na tayo" alok ni Vice kay Ion agad nmn itong sumunod

-
-
"Mahal mo pa?" Tanong ni Buern habang inaayusan si Vice

"Sino?" Sabi ni Vice habang nakatutok sa kanyang cellphone

"Sino pa ba?"

"Ewan ko, basta kapag andyan siya sobrang saya ko... pero diko alam kung ano ba talagang mararamdaman ko, para kasing ang kapal ng mukha ko kung babalikan ko siya.. bahala na"

"Mahal mo pa nga"

"Wala nmn sigurong mali kung babalikan ko siya diba?"

"Wala pero ang mali yung pigilan mo yung tunay mong nararamdaman, kapag yan nabulok at nalanta sa kalooban mo.. baka di na niya tanggapin"

"5minutes!!!" Sigaw ng staff

"Ayus na yan Buern" sabi ni Vice at tumayo na

"Sige, goodluck ma"

"Thankyou" sabi ni Vice at lumabas na ng tent

Itutuloyyyyy



































     

 LoveWins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon