Chapter 32

1.1K 43 20
                                    

Ion Pov
Di ko na kinakaya yung mga nangyayari samin ni Vice , konti nalang sasabog na ako. Simula nung umuwi kami galing vacation nalaman ko na di siya lumalabas sa kanyang kwarto. Kaya nagdesisyon ako na puntahan siya sa bahay.

"Ion? Anak?" gulat na sabi ng Nanay ni Vice na si Nanay Rosario

"Mano po , nay." Sabi ni Ion at nagmano ito

"Si Vice po?" sabi ni Ion at pinapasok siya ni Nanay Rosario

"Ayun , ilang araw ng nasa taas. Hindi lumalabas ng kwarto , dinadalhan lang namin siya ng pagkain. Di ko na alam ang nangyayari sa batang yan. Buti nalang at dumating ka." sabi ni Nanay Rosario at napatango nalang si Ion

"Akyatin ko lang po Nay ah?" sabi ni Ion at tumango si Nanay Rosario
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Babe? Ako to si Ion , please magusap na tayo. I miss you so much , dadamayan kita sa problema mo." sigaw ni Ion mula sa labas ng pintuan ng kwarto ni Vice.

"Babe!!! Pleaseee , andito na ako. Di kita pababayaan , sasamahan kita diyan." sigaw muli ni Ion pero wala pa rin siyang natatanggap na sagot mula kay Vice

"Buksan mo na yung pint~" nagulat si Ion ng biglang buksan ni Vice ang pinto. Bago pa man niya yakapin ito agad ng nakaiwas si Vice at naupo sa kama

"Anong kailangan mo?" malamig na tugon ni Vice habang si Ion naman ay nakatayo sa kanyang harapan

"Babe , ano ba kasing problema? Bakit di ka lumalabas sa kwarto mo? Sabi ni Tita dinadalhan kalang daw ng pagkain dito. Anong problema?" sabi ni Ion at lumuhod sa harap ni Vice

"Babe , sabihin mo. Sabihin mo sakin yung problema , bat ka nagkakaganyan? Pagod kana ba? Pagod kana bang intindihin ako? Pagod kana ba sakin? Pagod kana ba sa relasyong to?" mangiyak iyak na sabi ni Ion at hinahalikan ang mga kamay ni Vice

"Babe , please." sabi ni Ion at pilit na yakapin si Vice pero umiiwas ito

"Stop" malamig na tugon ni Vice pero di pa rin nagpatinag si Ion

"No , hindi ako titigil hanggat di mo ako kinakausap ng maayos" sabi ni Ion at yumayakap pa rin kay Vice

"Ion , stop!" madiin na tugon ni Vice ngunit patuloy pa rin si Ion

"Hindi ka titigil? Huh?! Hindi ka titigil?!" sigaw ni Vice na may diin , agad naman napatigil si Ion at napaupo nalang sa sahig

"Kung gusto mong kausapin kita , umayus ka! Nakakabwisit na!" sabi ni Vice at napatingin naman sakanya si Ion

"Ano bang kasalanan ko sayo? Bat ganito?" Sabi ni Ion habang humihikbi ito

"Sarili mong kasalanan hindi mo alam? Manloloko"

"Manloloko?! Kelan pa kita linoko? Kahit kailan hindi kita linoko." Sabi ni Ion at napangisi naman si Vice

"Kelan? haha , nag-kaamnesia kaba?! Alam ko na ang lahat Ion , ako mismo ang nakakita na magkasama kayo ng babae mo!" Sabi ni Vice at napatayo naman si Ion

"Anong babae ko?! Wala akong babae Vice , alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko. Hindi ako nambabae"

"Wag mo nga akong pinaglololoko , Ion. Kitang kita ng dalawa kong mata kung pano kayo mag-usap nung babae mo!"

"Wala nga akong babae! Kung sino man yung nakita mong kasama kong babae , kaibigan ko lang yon! Ako nga mismo hindi ko kilala yung sinasabi mong babae ko!"

"Kaibigan? Lintik na kaibigan na yan! Lagi nalang yan yung sinasabi mo kapag nahuhuli kita." sabi ni Vice at nag-sink in na kay Ion ang sinasabi ng kanyang nobya. Si Christine , siya yung tinutukoy ni Vice.

"Hindi ka makasagot diba?! Kase totoo , lagi nalang ganito. Nakakasawa din , Ion." sabi ni Vice at nanlumo ito

"Babe , let me explain. Hindi ko babae si Christine." sabi ni Ion at hinawakan ang kamay ni Vice pero iniwas niya ito at tumayo

"Explain , what?! Letcheng explain na yan!" nanggigigil na sabi ni Vice

"Hayaan mo muna akong magpaliwana~"

"Labas" sabi ni Vice at natuod naman si Ion

"Babe , ple~"

"Labas!" sigaw ni Vice pero di pa rin umaalis si Ion

"Babe , wala akong kasala~"

"Lumabas kana! Ayoko ng makita ka!"

"Bab~"

"Putangina , Lumabas kana!" sabi ni Vice at tuluyan ng lumabas si Ion , agad namang napaupo sa sahig si Vice at humagulgol

"Andito nanaman ako sa apat na sulok ng kwarto ko. Lagi naman e haha , sa tuwing may problema ako dito lang ako nagmumukmok. Wala namang choice eh , lagi namang ganto. Di ko na rin alam kung anong nangyayari samin ni Ion. Pero nakapagdesisyon na ako. At sigurado na ako." sabi sa isip ni Vice habang umiiyak pa ito

"Ion? Anong nangyare , bat ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Nanay Rosario

"Ahm wa-wala po tita , sige po una na ako" sabi ni Ion at tumakbo palabas ng bahay

"Wala akong kasalanan , hindi ko ginusto na kausapin si Christine. Hindi ko akalain na ganun ang magiging reaksyon ni Vice. Ayoko na , ayoko na sa mundong to! Lagi nalang akong may kasalanan. Sawang sawa na rin ako. Lahat nalang ng ginagawa ko mali. Ayoko na" sabi sa isip ni Ion habang nagddrive ito pauwi

 LoveWins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon