Chapter 34

1K 48 15
                                    

Vice Pov
Andito nanaman ako sa kwarto ko. Wala namang bago don , sanay na rin naman kayo. Bagot na bagot ako , kaya i decided to call Anne.

Calling...Answered.

"Hello , Sis?" saad ni Vice at tumayo mula sa kama

"Yes? Bakit sis?" tanong ni Anne mula sa kabilang linya

"Free kaba today?"

"Yes , why?"

"Tara mag-mall tayo , bagot na bagot ako dito sa bahay."

"Sure , what time?"

"4pm , Trinoma nalang."

"Okay sige , I'll get ready na. See yah!"

"Okayyy , See yah!" sabi ni Vice ag binaba na ang tawag , muli siyang humiga sa kama at huminga ng malalim

"Masaya lang dapat , Viceral. Wala munang lungkot , enjoy. Kalimutan mo muna yung lahat ng nangyare , tutal wala na rin naman siyang paramdam haha. Ang saya , parang wala lang sakanya." sabi ni Vice sa kanyang sarili

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"So , sino magddrive?" tanong ni Vice at linabas ang susi ng kanyang kotse

"Ako nalang , kilala kita kung pano magdrive." sabi ni Anne at natatawang kinuha ang susi ng kotse

"Bakit? Pano ba ako magdrive? , ang bait ko kaya sa kalsada" saad ni Vice at sumakay na sa sasakyan

"Ikaw? Mabait , wow. Eh daig mo pa yung nakikipag-racing. Apakabilis mong magdrive parang may naghahabol sayo." sabi ni Anne at pinaandar na ang sasakyan at nagsimula na itong bumyahe

"Daming sinasabi , buti nga pinagddrive ko kayo eh."

"Mahal ko pa yung buhay ko." sabi ni Anne at napakunot noo naman si Vice

"Huh? Pinagsasabi mo dyan?! Para kang tanga." natatawang saad ni Vice

"Mahal ko pa yung buhay ko kaya ako yung nagdrive , baka pag ikaw yung nagdrive mawalan ako ng buhay."

"Apaka OA mo ah , chill nga lang ako magdrive." sabi ni Vice at hinawi ang kanyang buhok

"Pahawi-hawi kapa ng buhok mo dyan , kala mo talaga totoo eh." sabi ni Anne at tumawa ito

"Alam mo , kesa dumada kanang dumada diyan. Magdrive kana lang , tadyakan kita eh." sabi ni Vice at sumandal sa upuan , pinikit nito ang kanyang mga mata at bumuntong hininga

"May problema ka nanaman ,,,," biglaang sabi ni Anne at nagulat naman si Vice

"Nakakatakot kana ah , bigla bigla kana lang nagsasalita dyan"

"Lol , ano yang pabuntong hininga mo diyan?! Problema nanaman?" tanong muli ni Anne at tumingin sakanya ng diretso si Vice

"Tama paba to?" tanong ni Vice at nagpark na si Anne , masaya lang dapat Viceral eh.

"Desisyon mo yan , kung sa tingin mo diyan ka komportable edi go. Pero kung may bumabagabag pa rin sayo , stop. Pareho lang kayong masasaktan" payo ni Anne at tumango naman si Vice

"Halika na , baka papasok palang tayo ng mall pasarado na sila." sabi ni Vice at bumaba na sila

General Pov
Habang naglalakad silang dalawa ay may pumukaw sa pansin ni Vice , nakita niya ang sasakyan ni Ion sa may tabi ng malaking puno. Agad siyang nagtaka kung bakit nandito si Ion. Pumasok naman agad sa isipan ni Vice na baka kapareho lang ng sasakyan ni Ion ang kanyang nakita. Bat ba ako concern? Psh.

"Ano bang gagawin natin dito? May bibilhin ka?" tanong ni Anne habang naglalakad sila sa Mall

"Mamamasyal lang , tsaka titingin narin ng mga damit kung sakaling may magustuhan ako. Ikaw , wala kang bibilhin? tanong ni Vice at nagkibit balikat si Anne

Ilang oras ding naglalakad ang dalawa , halos naikot na nila ang buong Mall. taray , sipag ah.

"Alam mo , halos ilang oras na tayong naglalakad wala ka paring nabibili." iritang sabi ni Anne at umupo sa may relaxing chair

"Anong magagawa mo , e ni-wala nga akong nagustuhan." sabi ni Vice at tumayo si Anne

"Tara samahan mo ako , bibili akong shake." sabi ni Anne at lumakad na silang muli

Vice Pov
Habang bumibili si Anne ay may nakita akong isang lalaki na nakatalikod. Mula sa likod ay alam ko na kung sino ito. Si Ion. Agad akong nagtaka kung bakit nasa Flower Shop siya? Di kaya , may ibang pagbibigyan ito ng bulaklak bukod sakin? Teka lang , bat ako nagtataka?! Bat ako concern? Argh. Pinikit ko ang aking mata at agad dumilat baka kasi namalik mata lang ako , pero hindi andun pa din siya. Babaero talaga ,,,,,

AU/POV: TEKA LANG , KELAN PA NAGKA-FLOWER SHOP SA MALL? AHAHHAHAA BASTA IMAGININ NIYO NALANG , KUNWARI MAY FLOWER SHOP SA MALL. NAKU AUTHOR AH AHAHHAHAHAHHAHAHA DI RIN AKO SURE KUNV MERONG FLOWER SHOP SA MALL AHAHHAHAA YAAN NIYO NA.

"Hoy! Sabi ko anong gusto mong flavor?! Ano bang nangyayare sayo? Kanina pa kita kinakausap." Sabi ni Anne at agad ng napatingin si Vice sakanya

"Kahit ano nalang , kung ano yung sayo yun din yung sakin" sabi ni Vice at ngumiti at tumingin muli sa gawi ni Ion pero wala na ito

"Ano bang tinitignan mo kanina?" tanong ni Anne at sumipsip sa kanyang iniinom

"Wala , may nakita lang ako." Sabi ni Vice at umupo sila

"Titingin kaba kung wala kang nakita?" saad ni Anne at inirapan lang siyang ni Vice

"Apaka-pilosopo , kala mo talaga keganda ganda" sabi ni Vice at umirap din si Anne

"Nyenyenye" pagbwisit ni Anne kay Vice

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Thankyou Sis , ingat ka pauwi!" saad ni Anne at pumasok na sa loob ng kanyang bahay. Nagmaneho na si Vice pauwi. Pero di pa rin mawala sa isipan nito ang nakita niya kanina

"Pero bakit nga nasa flower shop siya? May babae nga ata ang hinayupak. At himala wala siyang paramdam ngayong araw na to , natiis niya ako? Pwes , dapat lang. Para masanay na siya." sabi ni Vice habang nagmamaneho. Odiba parang tanga , nagsasalita mag-isa.

Ion Pov
Kagagaling ko lang sa Flower Shop kanina , bumili ako ng bulaklak. Malamang , flowershop nga eh. Aayusin ko na ang dapat ayusin , ako ang lalaki kaya ako ang magffirst move. Nakakahiya naman kay Vice kung siya pa yung magffirst move , di nakakababae yon. Buo na ang desisyon ko , binilhan ko siya ng bulaklak. Baka sakaling maayos na ang lahat. Saka kasalanan ko to , edi ako yung mag-aayos. Apaka toyoin talaga nun , konting suyo at lambing lang nun okay na. Marupok din kasi , di ako matitiis nun.


 LoveWins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon