All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
Author's note:
Ayan, nakaka chapter 6 na tayo.. Kaso maraming mga tanong na sumasagi sa isipan ninyo diba?
In this chapter all of those questions will be answered... Muli nating sulyapan ang kasaysayan at sabay nating alamin ang mga kasagutan...
"3rd Person's POV"
Flashback
Walumpong taon na ang nakalilipas ay naganap ang unang digmaan sa magic world. Sangkot ang apat na society sa digmaang ito. Ang Augury o ang Dark society sa pamumuno ng kanilang headmaster na si AlexanderAgustus ay nagtangkang pamunuan ang apat na distrito.
Ninais nilang palawakin ang kanilang nasasakupan. Ngunit tutol dito ang iba pang society at nagkampihan para labanan ang Augury at pigilan ang masama nitong hangarin.
Nagtulong-tulong ang Greven, Mirandi at Saphiro upang harapin ang hukbo ng mga dark charmers ng Augury. Pinamunuan sila ni Robert Lancom na siya ring headmaster ng Saphiro. Inipon nila ang dalawampung pinakamalalakas na charmer sa tatlong society upang sumama sa hukbo na haharap kay Alexander Agustus.
.
.
.
.
.
.
"Ihanda na ang hukbo. Ngayong gabi natin uumpisahan ang ating adhikain.!" ma awtoridad na wika ng headmaster ng Augury.
"Hangad ko ang iyong tagumpay mahal kong asawa." sabi ng isang magandang babae na nasa tabi ni Alexander.
.
"Salamat Helena. Magtatagumpay ako para sa iyo at sa anak natin." at niyakap nito ang asawa at ang sangol na babaeng karga nito. Humalik ito sa nuo ni Helena at sa maliit na kamay ng munting anghel.
.
"Mag-iingat ka." paalam ni Helena dito.
Humakbang na palayo si Alexander at nanguna sa daan-daang mga mga kawal at mandirigmang dark charmers. Pinagmasdan ni Helena ang pag-usad ng mga ito hangang makalayo na sila sa kastilyo ng Augury.
Tatlong buwang gulang pa lamang ang sangol na karga niya ngayon. Isa itong malusog na babae. Isang biyaya sa kanilang mag-asawa. Bagamat pinanganak ito sa kalagitnaan ng isang sigalot ay positibo parin ang pananaw ng kanyang butihing ina sa hinaharap ng kanyang anak.
"Balang araw ay lalaki lang isang magandang dilag anak. Isang magandang dilag, isang prinsesa. Gusto ko na maging kagaya ka ng iyong ama na malakas at makapangyarihan. Dahil ikaw, balang araw ang magmamana ng tungkulin ng iyong ama. " sabi nito sa kanyang anak habang pinapatulog ito.
Walang kaalam alam sa madilim na kinabukasang parating......
.
.
.
.
isang araw ang nakalipas...
"Lady Helena!..." sigaw ng isang lalaki sa labas ng silid ng asawa ng headmaster
"Anong kaguluhan ito?" tanong ni Helena. Her face was so worried at halatang kakagising lang. Baka kasi magising ang nahihimbing niyang anak kaya hininaan nito ang boses.
"Lady Helena. Kailangan na nating umalis dito. Ang mga kalaban, lumulusob sila.!" sabi ng lalaki.
.
BINABASA MO ANG
Amber's Fire: The Cursed Charm
FantasyThis story is inspired by Charm Academy: School of Magic ni April Avery. This is another continuation of the said book. Sa Augury naman tayo, (The dark society). Tuklasin natin ang kwento ng isang babaeng may kakaibang tadhana...