Chapter 16: The Caster's Identity

5.5K 156 17
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

**Isang araw bago ang kaguluhan**

"Amber's POV"

      Kagagaling ko lang sa likurang bahagi ng paaralan upang gawin ang pagmamarka. Gamit ng blue crystal ng pendant ko ay nailagay ko ang sigil mark sa isang bato doon. I am not a caster type charner pero sa tulong ng mahiwagang diamante na nasa pendant ko ay nagagawa ko ang mga bagay na ito.

     This was an invention of one of the great runecrafters ng Augury. Naglalaman ito ng mga high class magic spells that are classified as forbidden techniques. Plus meron din itong bukas na lagusan kung saan maaaring dumaan si daddy. Of course gamit lang ng doppleganger niya. Masyadong maliit ang dimensional hole para makapasok siya.

      But not like his normal copy ang mga ito ay parang totoong katawan niya rin. Matagal na itong pinaghandaan ni daddy. Isa itong double image niya na pinuno niya ng itim na enerhiya para kahit papano ay magmukha itong orihinal na katawan niya. Kaya rin nitong gumawa ng sariling  doppelganger image. At gumaya ng kaanyuan ng iba. Dahil sapat ang charm nito para gawin iyon.

      "Hey, Amber!" tawag sa akin ni Marco. "How are you?" tanong niya.

"I'm ok, Bakit ba?" sagot ko.

       Nasa may training room kami ngayon. Dito ako napunta after kung maglagay ng sigil mark sa ibat-ibang lugar. "May nakatunog sa balak natin." sabi ni Marco.

"What?" gulat kong sagot.

"Kanina, when I was checking the sigils pansin kong humina ang kapit nito. At may kakaibang charm energy na nasa paligid. I think my kung anong spell dun na kalalagay pa lang." sagot ni Marco.

    "Then, anong ginawa mo?" tanong ko.

"Ginawan ng paraan ni tito Armand. Nag-cast siya ng isang counter spell para lituhin ang kaaway." buti na lang pala at isa ring caster si daddy. Oo, hindi likas sa kanya ang pagiging caster pero ng dahil sa may guro na nagturo sa kanya ay naging posible ito.

     Natututunan ang mga spells at incantations as long as may charm kang taglay. Dahil charm ang pinagkukunan ng lakas ng isang spell. Isa si Dad sa pinaka malalakas na magus noong kapanahunan niya. Katunayan nga ay naging kanang kamay ito ng tunay kong ama at kaya nga pinagkatiwalaan ito ng aking ina na mangalaga sa akin.

     Nakakatakot nga siya minsan eh. Pag nagalit ay nag-iiba ito ng ugali na kahit ako ay nasisindak. Siya ang may pakana ng pagtatayo namin ng isang bounded field sa loob ng charm academy. Plano niya itong lahat at sumusunod lang kami. Pabor din naman sa akin ang mga kagustuhan niya.

     This bounded field is considered as a forbidden magic dahil sa pagkasirang dulot nito. Gumagawa kasi ito ng isang mundo o dimension kung saan ay maililipat namin ang isang parte ng isang mahiwagang gubat dito mismo sa academy. Hindi lang basta ang gubat kundi pati mga nilalang na naninirahan dito.

     Ang gubat ng Agaria o ang forest of the root. Ito ang pinagmulan ng lahat ng uri ng kapangyarihan o charms sa mundo. Ang ugat ng lahat ng di maipaliwanag na pangyayari ang lugar ng mga sinaunang diwata ng mundo.

     Ayon sa mga lumang teksto ay matatagpuan ang gubat na ito sa pinaka dulong bahagi ng mundo na hindi naaabot ng mga tao. Dito nakatira ang mga nilalang na tinatawag na mga enchantres o mga diwatang lupa. Sila ang mga unang charmers na nabuhay at galing ang mga charmers sa dugo nila.

     Their race was close to becoming a God than a human dahil mas mahaba ang buhay nila at nagagawa nilang maging kaisa mismo ng kagubatan. Close to becoming an imortal as well. Sila ang magiging kaanib namin para puksain ng tuluyan ang aming mga kaaway. Si Acacia ang pinuno ng lahi nila ang aming gagamitin para wasakin ang academy at lahat ng mga hahadlang sa amin. Wala kaming ititirang buhay!

Amber's Fire: The Cursed CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon