>> Daniel John's POV <<
GIMIK 2010 Shooting [Year 2010]
"Hay! Ang boring"reklamo ni Julia habang nakaharap sa cellphone niya.
"Ede kumain ka na lang"sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya at nag s-strum ng gitara.
"Wala akong kasabay" sabi niya pa at napabuntong hininga.
"Sila ate Jessie?" suggest ko.
"Ayun oh! nag te-taping"nginuso niya pa.
Ito talagang babaeng toh! Pag ako hindi nakapagpigil!
"Ede ung mga staffs, diba close kayo?"suggestion ko ulit and this time nakatingin na ko sa kanya.
"Oo nga pero busy kasi sila eh, nakakahiya naman kung iistorbohin ko sila..." napabuntong hininga ulit siya. Humarap siya sakin at nagningning ang mga mata. "Alam ko na. Turuan mo na lang kaya ako mag gitara?"
"Ha? 'Wag na! Busy ako. Wag mo din isipin sa ibang araw. Busy ako tuwing weekdays at lalo na sa weekends."sagot ko. Pero ang totoo kasi gusto ko pilitin niya ako. Oh, diba?
"Eto naman! Parang hindi tayo mag kaibigan! Hhmmm... ano bang meron sa weekends mo?"
Ayan na malapit na!
"Iba-iba. Basta! Sa saturday at sunday ng hapon, nag pra-practice kami ng parking five, binabantayan ko pa sila Maggie tapos gumagawa pa ko ng assignments tapos tinutulungan ko pa si Mama. Ang dami kong gagawin sa hapon" sagot ko.
"Ede sa umaga na lang! Please? Promise tutulungan kita kina Maggie pag hindi ako masyadong busy, tutulungan pa kita sa assignments! Dali na, please? Please? Please????"
Nag-puppy eyes pa siya. How can I say no to that diba?
"Hay! Sige na nga! Basta 2 hours lang ah"kunwari napilitan lang at tsaka pag tumagal kasi ng 2 hours baka makahalata siya eh. Kahit na natural na manhid siya -__-
"Yes, boss"sabi niya sabay salute pa. Cute! At tinuruan ko na siyang mag gitara at dahil nga slow siya hindi niya talaga ma-gets.
***
Mara Clara Shooting [Year 2010]
"Oh! Halika papakilala kita kay Kath!"with that hinatak na ako ni Julia. Baliw kasi pinapunta pa ako dito. Baliw lang.
"Oi! Bro, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba busy ka?"tanong ni Albie nang nakarating na kami kung asan sila. Si Julia naman iyon iniwan ako, pupuntahan ata niya si Kath.
"Kasi tong si Julia, tumawag. Akala ko emergensy, you know..."sagot ko at napatawa.
"Ahhh. Grabe, pare, wala ka talaga kay Julia. Isang tawag lang yan ah. Ganyan talaga siguro pag-inlove"pang-aasar sakin ni Albie.
"Loko." sabi ko sabay batok sa kanya.
"Sinong in-love?" bigla akong kinabahan sa tanong ni Julia. Andito na siya at kasama niya ung Kath, kanina pa ba siya dyan?
"Ah.. wala... uhmm... etong si Albie kasi ano ba..." paano ko 'to malulusutan?
"Ano?" tanong niya.
"Ano.. uhmm... si JC ayun inlove na sa classmate niya" sana maniwala *cross fingers*
"Si JC? Akala ko ba si Albie? Hay, ewan. Naunahan ka pa ng kapatid mo DJ ah" mukha naman naniwala siya kasi tumatawa pa siya eh. Hay! Sabagay manhid nga pala siya -__-
"Ah.. oo nga.." sabi ko sabay kamot sa batok.
"Anyway! DJ, si Kath. Kath, si Daniel John. Siya yung nag tuturo sakin mag gitara" pakilala niya