Three

34 0 0
                                        

Napanganga ako. Hindi ako agad naka imik. Gulat na gulat at di makapaniwala sa nakikita ko.

Tiningnan pa ako ng babae mula ulo hanggang sa ibaba. Ganoon din ang ginawa ko. Kabaligtaran nga lang dahil nauna ko'ng tiningnan ang paa niya papunta sa itaas. At nang tumama ang mga mata ko sa kaniya'ng dibdib ay di ko napigilan na mailagay ang aking mga kamay sa tapat ng akin. Tila nanliit ako sa kung anuman ang mayroon ako. Nakita ko itong nag smirk at tila ba iniinggit ako dahil mas lalo niyang itinihaya ang kaniyang dibdib paharap. Napasinghap ako. Tila ba hinahamon ako nito!

Nabaling ang tingin ko sa lalaki'ng diretsong nakatitig sa akin na bahagyang nakakunot ang noo. Hindi ko alam ang gagawin. Nahihiya ako sa nadatnan ko. Tila ba nawala ang epekto ng alak at tapang ko kanina na pagsabihan sila. .

Pakiramdam ko ay nahihiptonismo ako sa kaniya'ng mga mata. Sa sobrang itim nito para bang ako ay nasa isa'ng lugar na walang liwanag. Hindi ko magawang maialis ang aking mga titig.

Nagulat ako ng bigla siya'ng umirap sa akin na para bang malaking kasalan ang nagawa ko ng sila ay aking guluhin. Humarap siya sa babae. Nakangiti naman siyang hinarap nito at napansin kong nakasuot na ang blouse nito. Salamat naman. Hindi ba niya naisip na baka pasukan siya ng lamig at magkasakit? Pero ano ba ang pakialam ko sa kanila? Tsk.

Ngayon ko lang napansin na nakabukas na pala ang mga butones ng kaniyang polo at nakababa na ng kaunti ang kaniyang pantalon. Hindi ko din sinasadya na mapansin ang nakaumbok sa ibabang harapan ng kaniyang katawan. Nanlaki ang aking mga mata at biglang tumalikod!

My god!!!! What do you think are you doing Charn! Stop looking at them!!!

Hindi ko maiwasang mapagalitan ang sarili ko dahil sa aki'ng nakita. Kasalan ko ito eh! Bakit pa kasi ako nakialam sa ginagawa nila?! Edi sana payapa ang kalooban ko ngayon. Argggggg!!! My night is already ruined!!! May ikakasira pa ba ito???

Nagsalita na ako nang bumalik ang aking huwisyo.

" A-ahm, excu-use me. But a-ahm, can you please lower down your voice? Or better get a room. "

Pinrangka ko na sila dahil iyon naman talaga ang pakay ko. Nakakainis nga lang na ang dami ko pang nakita bago ko pa ito masabi.

Pagkatapos ko itong sabihin ay bahagya kong tinulak gamit ang aking paa ang bra na nasa sahig.

" And please be careful. Don't let your br- things to be seen by anyone "

Buti na lang at 'di ko natuloy ang pagbigkas sa salitang bra. Dahil kung tutuusin ako ang nahihiya para sa kanila. Alam ko naman na baka normal ito sa iba, lalo na dito sa Manila. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasan na manibago lalo na at unang beses ko'ng nakasaksi sa aktual na pangyayari.


" Ooohhh, we're sorry about that. We just got a little hot in here so we forgot about somethings "

Kahit nakangiti alam ko naman na ito ay pakitang tao lang at mababakas din ang inis sa mga mata ng babae. Siyempre nagambala ko ang milagrong ginagawa nila.

Nang tumingin ako sa lalaki ay nakita kong tapos na siya. Inaantay ko siyang magsalita at humingi ng tawad ngunit kahit tingin ay hindi na niya ibinigay pa sa akin. Na para bang wala siyang ibang kasama. Napansin ko rin na lalabas na siya sa cubicle. Umatras ako upang makadaan sila.

Napataas ang kilay ko dahil wala man lang sorry or ano'ng binanggit ang lalaki.

Gusto ko sanang magwala dahil para bang wala lang sa kaniya ang mga nangyari. Tila wala siyang pakialam kung maabutan man siya ng kung sino na kung anu-ano ang ginagawa.

Pagkalabas sa cubicle ay nagsabi ang lalaki na mauna na itong lumabas dahil siya daw ay mag-aayos muna. Ni hindi man lang ito huminto na para bang kahit sabihin man o hindi ng babae na lumabas siya, siya ay mauuna nang lumabas.

Grabe naman yung lalaking yon! Boyfriend siya tapos ganito?

Nang mapatingin ako sa salaman ay nag smirk lang ang babae at itinuloy ang pag lilipstick. Para bang alam niya na kanina ko pa pinagmamasdan ang lalaki- wait. Pinagmamasdan??? Oh my god! What is happening to me?? Naku curious lang naman ata ako. Yun lang. Masiyado din akong observant siguro.

Lumapit na lang ako sa lababo at naghugas ng kamay.

Parang lumipat ang init sa mukha ko papunta sa ulo. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Nagulat ako ng magsalita ang babae.

" If you just didn't disturb us earlier I could have had an explosive night. Tsk. Next time, don't give a fuck and mind your own business bitch! "

Sabay kuha ng pouch niya at lumakad palabas.

Damn.

What a good actress bitch.

Kanina akala mo sobrang bait sa harap nung lalaki. Yun pala ay isa ding babae na walang gusto kundi ang makamot.

Haist.

And what a good advice. I might do that 'cause I don't want an embarrassing thing to happen again.


-


Nagpalipas lang ako ng ilang sandali upang mawala ang init ng ulo ko. Paglabas ko sa bathroom ay hindi ko na dinatnan ang dalawa. Mabuti naman dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung makikita ko pa ulit sila.

Malayo pa ako sa aming table ay nakikita ko na ang gulo.

Ano'ng nangyayari?

Agad-agad akong lumapit at nagulat ng makita si Rhianne na may sinampal na isang lalaki. Umawat agad si Chreya at pinuntahan ko sila. Anong nangyayari sa bruha? Masiyado na ba siyang lasing?

" Chrey, what happened? "

Agad ko ito'ng tinanong habang hawak namin sa magkabilang kamay si Rhianne. Hindi ito nakasagot sa akin dahil nagpupumiglas pa rin si Rhianne. My god! May pagka war freak pa naman ito. Pagkatingin ko sa lalaki nagulat ako dahil may itsura ito. Hindi ako nagulat dahil sa mukha niya. Kundi sa fact na Rhianne just slapped a handsome boy! Dang! It's the first time!

Never in her life that she did that! Rhianne loves a beautiful face. So ano ang nag trigger sa kaniya upa'nt sampalin ito?

Nakita ko ang galit sa mga mata ni Rhianne at ang inis at pagkalito sa mga mata ng lalaking kaniyang sinampal.

Nagulat kami ni Chreya ng makawala si Rhianne at tumakbo palabas. Agad naman siyang hinabol ni Chreya at ako ay humarap sa lalaki at humingi ng tawad. Tumingin lang ito sa akin at tumangi. Sinabi din nito na pagsabihan ang aming kaibigan na huwag manakit ng kung sinu-sino lalo na at wala namang alam kung bakit.

Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya.

Hindi kikilos ng basta-basta si Rhianne ng walang dahilan. Bago ako magpa-alam ay binigay ko ang calling card ko at sinabing tawagan ako upang makausap tungkol sa mga nangyari.

Nang makalabas ako ng bar at makarating sa kotse nakita ko si Rhianne na nakatulog na lang sa bisig ni Chreya na umiiyak.

Nagkatinginan kami ni Chreya at bakas sa mga mata namin ang kalituhan sa nagawa ni Rhianne.

Nawala din sa isip ko ang nangyari sa ladies room. Agad na akong pumunta sa driver's seat at nagmaneho para umuwi.

What a long and unexpected night.

Oh, and such a great bridal's shower. Note the sarcasm.

-

12-28-17

It Might Be You (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon