Tanong

0 0 0
                                    

Pamagat:Tanong

Tanong

Isang tanong,
Isang sagot lamang ang akin,
Ako ba ang tinitibok ng iyong damdamin?

Hindi ko nais maramdaman to, ngunit di ko rin kayang pigilan. Di nais ipakita sa iyo ngunit napansin mo talaga,
Ngayo'y nagdurusa,

Kaibigan kong mahal,
Nais kong kay tagal,
Nang dahil sa isang salita,
Ikaw ay nawala.

Ngayon alam ko na, di ako ang tibok ng iyong damdamin pagkat siya pa rin.
Di ako ang sigaw ng iyong puso, pagkat siya pa rin,
At di rin ako ang ang nasa isip, pagkat siya pa rin.

Ako'y nanghihinayang,
Sa pagkakaibigang nasayang,
Di ko ninais,
Ikaw ay mahalin,

Ang aking Kaibigan,
Gusto kong maging Ka-ibigan,
Ngunit di talaga pwede,
Pagkat siya pa rin.

Siya pa rin ang iyong mahal,
Siya pa rin ang iyong sinta,
Ngunit ako'y umaasa,
Balang araw ako na sana.

Tula ng Aking PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon