70th Ink

745 24 1
                                    


He'll Marry Me

I felt like I'm going to pass out because of running from fourth floor up to here in my classroom. Pawis na pawis ako sa pagpapasa ng group project sa office na nasa kabilang building pa. I was holding my chest while wiping my sweat. Yung pagod na nararamdaman ko ay nahaluan pa ng kaunting inis ng makita ko si Iverson na may kinukuha na naman sa bag ko. Mabilis ko tuloy s'yang itinaboy papalayo doon.

"Ano na namang kinukuha mo?" nakapamewang kong tanong. He's covering his ears dahil alam n'ya na siguro ang susunod kong gagawin. Ang sarap pingutin ng lalaking ito.

"I was about to borrow your correction pen. I already texted you so I already have your permission." nakangising wika n"ya. Ang galing talagang magpalusot ng isang ito.

"Next time, hintayin mo ako. Baka kung anong makita mo sa bag ko." reklamo ko bago ko binuksan yung pencil case at iniabot yung hinihiram n"yang correction pen.

"Don't worry, hindi ko naman nakita yung napkins mo sa bag." natatawang wika nito habang tumatakbo papalayo sa akin. Bwiset talaga. Siya na nga yung nanghiram, nakuha pang mang asar.

"REIGN, PAHINGI NAMAN NG PAPEL." sigaw ni Iverson. Malayo kasi ang upuan namin sa isa't isa. Siya yung kaibigan ko na ni minsan, never nahiya sa akin.

"Pakibilisan, Reign." At aba! Atat pa ang kumag.

"Zoe, paabot naman sa pesteng iyon." wika ko sa kaklase kong nakaupo sa likod.

Actually, hindi naman ako talaga naiinis sa kanya. If you will look at him, you'll easily confirm that he's rich. Hindi ko lang talaga alam kung bakit panay hingi siya sa akin. Hindi naman siya ganito noong mga nakaraang taon.

"Reign, pahinging ballpen." kulbit niya sa akin habang busy ako sa pagsusulat ng reviewer dito sa library.

"Lahat na hiningi mo. Gusto mo ako na din magpaaral sayo?"

"Pwede din." natatawa n'yang sagot.

At dahil hindi ako madamot, binigyan ko na din s'ya. Sobrang lala na ng lalaking ito. Instead of borrowing, nanghihingi na talaga s'ya.

I actually like his company. Matalik na magkaibigan naman kami kaya wala na sa akin iyon. Besides, I can always count on him whenever I needed someone to talk to. Dapat siguro sanayin ko na yung sarili ko sa kanya.

"Pati ba naman towel nakalimutan mo din?" nakapamewang kong tanong habang nakatingin sa kanya habang nagpupunas ng pawis. Kakatapos lang kasi ng laro n'ya kanina.

"Labhan mo 'yan tapos bukas mo na ibalik." wika ko habang s'ya naman ay nagkakamot ng batok.

"Can I just keep this?" he requested. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit ang weird ng lalaking ito.

"The last time nanghingi ka din sakin ng handkerchief tapos di mo na ibinalik. Ang buraot mo talaga ano?" sa halip na sumagot, tinawanan n'ya lang ako. Weird.

"WHY ARE YOU IN SILENCE? HINDI AKO MAKAKAALIS KAPAG WALA KANG SASABIHIN. WILL YOU MISS ME?" I immediately wipe my tears while looking at him. Ngayon lang nagsink in sa utak ko kung bakit ang weird n'ya. Kung pwede ko lang ibalik yung oras, sana sinulit ko na yung mga panahon na magkasama kaming dalawa.

"Ang daya mo talaga!" umiiyak kong wika. Naramdaman ko na lang na niyakap n'ya ako.

"Babalik din naman ako, Reign. Mark my word. We'll still see each other." he kissed my forehead after he said those. He need to continue studying college abroad like what his parents wants.

"Paano ba 'yan, wala ng manghihingi sa'kin?" He laugh because of that while I'm still emotional. I took a glance once again to those things he treasured. Lahat ng ballpen, books, handkerchief, pictures at kung ano ano pang bagay na hiningi n'ya sa'kin ay dala dala n'ya ngayon.

"Wag kang mag alala, sa tamang panahon, sa magulang mo naman ako manghihingi." aniya kaya't hinampas ko s'ya sa braso.

"Kapal talaga ng mukha mo, Iverson."

He holds my chin while looking directly into my eyes.

"Sa oras na bumalik ako ng Pilipinas, hihingin ko sa kanila yung kamay mo para magpakasal na tayo." napangiti ako sa sinabi n'ya.

"Ma-mimiss kita." wika ko.

"I have so many remembrance from you kaya araw araw pa din kitang maaalala. See you after some years, Reign." he said before turning his back on me.

He already confessed his feelings for me but I'm still confused during those times. Ngayon ko lang na-realize yung feelings ko para sa kanya ngayong umalis na s'ya. I'm so stupid for letting him leave without him knowing that our feeling was mutual.

Years passed but I still have a contact with him. Nag uusap pa din kami pero magkaiba pa din talaga kapag magkasama kaming dalawa.

After 5 years, I was so shocked when I went home. I'm so tired because of our 2 day seminars and I thought I was just dreaming when I saw a familiar guy here in our house.

"Gusto ko lang po sanang manghingi..."

I laughed because of what he said. He's still my Iverson. Wala pa din talagang nagbabago.

I watch him having a conversation with my parents habang wala pa din silang kaide ideya sa presensya ko.

I still remember what he told me the last time before we parted our ways. I'm still inlove with him and I can't help myself to get too excited marrying him.

"Gusto ko lang po sanang manghingi ng paumanhin. I know I'm such a jerk for going here and facing you. I don't want to leave Reign hanging habang di n'ya alam yung totoo. Wala na akong lakas ng loob para harapin s'ya. Tita, tito, tatanggapin ko po lahat ng pananakit nyo. I'm sorry if I cheated on Reign. Nangako po ako sa kanya na papakasalan ko sya but I ended up breaking my promise."

Matagal pa bago magsink in sa utak ko lahat ng sinabi nya.

"GAGO KA PALA E!" galit na sigaw ni papa habang mabilis s'yang inawat ni mama. Nabitawan ko yung paper bag na dala ko bago ako mabilis na lumapit sa kanila. Iverson was shocked when he saw me.

Hindi ko namalayan na sunod sunod na palang bumuhos ang mga luha ko. Galit na galit ko s'yang hinarap bago ko s'ya sinampal.

"R-reign."

"I-iverson, naghintay ako. P-pa'no mo nagawa sa'kin to?" nakayukom ang kamao kong wika.

"R-reign, I'm sorry." pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang galit.

"KAYA KA BA BUMALIK DITO HA? PARA SABIHIN SA'KIN YAN? TELL ME! KAYA KA BA BUMALIK DITO PARA IPAMUKHA SA'KIN NA NILOLOKO AT PINAASA MO LANG AKO?"

Sobrang sakit. I thought he was here to fullfil his promise.

"This is the place she wants, Reign. I came back because my fiancé wants us to get married here in the Philippines."

Endless InksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon