Chapter 04

11.9K 350 8
                                    

LIHIM na napangiti si Joanna noong tumugon sa halik niya si Nash. Hindi pa naman siya lasing katulad ng iniisip nito. Mataas ang tolerance niya sa alcohol kahit hindi naman siya literal na manginginom kaya kontrolado niya ang katawan. She wants to seduce him first. Pero mukhang hindi na siya mahihirapan sa bagay na iyon.

Ngunit nang mga sandaling iyon ay parang biglang hindi na niya kontrolado ang sarili ng mas lumalim pa ang paghalik sa kanya ni Nash. Hindi siya inform na nakakawala sa katinuan ang klase ng paghalik nito. Humapit pang lalo ang kamay nito sa kanyang baywang. Sa sobrang nipis ng suot niya ay tiyak niyang ramdam nito ang katawan niya. Ang suot niya na floral dress ay umabot lang sa wala pang kalahati ng hita niya. Mas idiniin niya ang sarili sa katawan nito.

Oh, shit, aniya sa isip nang makaramdam na ng kakaiba. Ayaw na niya itong tumigil at mas lalong ayaw niyang matapos agad ang sandaling iyon. She wants... more.

"Take me," hindi niya napigilang sabihin sa pagitan ng mga labi nila mayamaya. Maging siya ay nagulat sa sinabi pero hindi na binawi. Pinanindigan na at ipinalagay na pure seduction lang ang nangyayari.

Noon ay bahagyang inilayo ni Nash ang mukha sa kanya. May munting kunot sa noo. "Lasing ka lang."

"Not really," aniya na hinawakan ang laylayan ng dress.

Mabilis siyang pinigilan ni Nash sa kamay. "Miss, matulog ka na."

Umiling siya. "Ayaw mo?" napalabi pa siya. "Ayaw ko sa lahat 'yong binibitin ako," aniya na tuluyang hinubad ang suot na dress. Hindi niya nilubayan ng tingin si Nash na napaawang ang labi sa ginawa niya. Ano kaya ang tumatakbo sa isip nito ngayong lantad halos ang buo niyang katawan na tanging two-piece lang ang saplot? Iniisip kaya nito na sanay siyang gawin iyon? Hay, kung alam lang nito na ngayon lang niya iyon ginawa dahil parte ng plano niya.

Parte nga lang ba o dahil gusto rin niya? Wala iyon sa plano, ang ibigay ang sarili rito agad-agad! Pero naroon na siya. Naghahalo na ang kagustuhang maisagawa ang paghihiganti at matinding sexual attraction sa binata dahil sa nangyari kanikanina lang.

Napamaang siya nang talikuran siya ni Nash at hayunin ang pintuan. Pero imbes na buksan ay napasinghap pa siya ng pukpukin nito iyon. Mukhang nagpipigil ito pero hindi manalo sa gusto ng katawan. Gusto niyang matawa pero pinigilan lang niya lalo na ng lingunin siya nito. Matalim ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Panay din ang hinga ng malalim.

Napaatras pa siya nang muli itong lumapit sa kanya, pero hindi para ituloy ang naputol na eksena kanina. Dinampot nito ang damit niya at ito pa ang nagsuot sa kanya na ikinatigalgal niya sa kinatatayuan.

Palay na ang lumalapit sa manok pero tinanggihan pa rin. How could this man reject her just like that? Hindi ba siya kaakit-akit sa paningin nito? Samantalang napakaraming lalaki ang pangarap mapunta sa puwesto nito ngayon. Tapos tatanggihan lang siya?

Ngumiti siya ng mapait nang tingnan ito. "Ayaw mo sa akin," masama ang loob niyang sabi.

"Itulog mo na lang 'yan," anito na iginiya siya palapit sa kama.

Gusto niyang maiyak sa sobrang inis dahil sa pambabalewala nito sa kanya. Hindi niya matanggap na tinanggihan siya nito. Napakasuwerte nga nito kung tutuusin.

Sa inis kaya tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Sige na umalis ka na. Hindi na rin naman ako inaantok. Siguro hahanapin ko na lang 'yong lalaking lagi mong kasama. Mas enjoy siguro 'yong kasama kaysa sa iyo," pang-iinis pa niya. Syempre pa wala iyong katotohanan, gusto lang niyang inisin ang pagkalalaki nito.

Akmang hahayunin niya ang pintuan ng hamigin nito ang kanyang braso at higitin palapit dito. Halos mapasubsob tuloy siya sa katawan nito.

"Ano'ng sinabi mo?" mas naningkit lalo ang mga mata nito.

When Revenge Went Wrong | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon