Chapter 06

14K 371 44
                                    

PRENTENG nakaupo sa ibabaw ng kama si Joanna nang pumasok sa silid nito si Nash. Dumaan pa kasi ito sa study room kaya siya ang nauna roon.

Hinawakan niya ang handle ng traveling bag at kunway malungkot na tiningnan ito. "Ayaw mo ba talaga na kasama ako rito? Hindi naman ako malikot matulog," aniya na muling itinuon ang tingin sa hawak na handle. Nilaro-laro pa niya iyon ng kamay. Kakagat kaya ito sa arte niya?

"Hindi ako sanay na may ibang tao dito sa kuwarto ko..."

Napatango-tango siya. "Ayaw mo nga akong kasama." Ipinasya na niyang tumayo. Mukhang hindi niya mapipilit ang lalaki na manatili siya sa silid nito. Kung ayaw naman talaga nito ay hindi as in big deal sa kanya. Sinusubukan lang niya kung bibigay ito sa pagdadrama niya.

Marahas itong bumuntong-hininga. "Okay, fine. You can stay here."

Ganoon na lang ang paglapad nang ngiti niya sa labi dahil sa sinabi nito. "Wala ng bawian."

"Whatever, Joanna," anito na hinayon na ang isang pinto. Binuksan nito iyon at pumasok doon. Iyon siguro ang banyo.

Natigilan siya ng banggitin nito ang pangalan niya. Paano nito iyon nalaman? Hindi pa naman niya sinasabi rito?

May pagtataka pa rin sa kanya nang kumuha siya ng damit na pantulog at personal na gamit sa paglilinis ng katawan. Nang masulyapan ang isang manipis na nighties na kulay itim ay iyon ang kinuha niya. May sumilay pa na mapaglarong ngiti sa labi niya nang makaisip ng pakulo para mamaya.

Nang mainip sa paghihintay sa paglabas ni Nash sa banyo ay ipinasya na niyang pumasok doon dahil naiihi na siya.

"Hindi ka ba marunong kumatok?!" hindi napigilang asik ni Nash ng wala man lang babala na pumasok si Joanna sa loob ng banyo.

Pigil ang pamimilog ng mga mata na kunway patay malisya sa nakikitang kahubdan nito habang naliligo sa ilalim ng shower na hinayon niya ang toilet bowl. Napalunok pa siya. What a view.

Kahit nang ipilig niya ang ulo ay malinaw pa rin sa isip niya ang katawan nito na dinadaluyan ng mumunting butil ng tubig galing sa shower habang nakatayo sa may malaking Jacuzzi.

"Naiihi na ako. At saka nakita ko na 'yan kaya hindi mo na kailangang mahiya," sabi na lang niya para pagtakpan din ang pagkapahiyang nararamdaman.

Napamaang si Nash sa sinabi niya bago hinila pasara ang isang puting kurtina habang naniningkit ang mga mata. "Kung hindi lang ako ang unang lalaki sa buhay mo, iisipin kong sanay na sanay kang makakita ng lalaking nakahubad."

Natawa siya sa sinabi nito. "Ang sabihin mo, OA ka lang talaga," kantiyaw pa niya.

Nang matapos umihi ay isinunod naman niya ang pagto-tooth brush ng ngipin. Maraming bula ang bibig niya nang matapos sa paliligo si Nash.

Naisuklay pa nito ang kamay sa buhok nang maisip na malayo rito ang gagamitin nitong tuwalya na ipangtutuyo nito.

"Pasuyo ng towel sa kanan mo," anito ng sumilip sa pagitan ng kurtina.

"Say, please," aniya sa ngongong tono palibhasa ay puno ang kanyang bibig. Sinulyapan pa niya ito bago muling tiningnan ang sarili sa harap ng salamin.

"Ano?"

Natatawa na kinuha niya ang towel nito at dinala sa kinaroroonan nito. Bibiruin sana niya ito na akmang hahawiin niya ang kurtina ng paningkitan siya nito ng mga mata. May pagbabanta roon.

"Don't you dare," banta pa nito. Bago hinila sa kanya ang hawak na tuwalya. Muli nitong hinila ang kurtina pasara.

Siya naman ay tinapos na ang pagto-toothbrush. Sakto naman na tapos na ring magtuyo si Nash ng katawan. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin ng magdere-deretso ito sa paglabas ng banyo.

When Revenge Went Wrong | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon