Time Machine
NAIA...
'Two Years! Two years na akong hindi umuuwi ng Pilipinas. Hindi ko alam kung handa na ba ako. Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang makita. Hindi ko alam kung makikita ko pa ba siya? Kamusta na kaya siya? May asawa na ba siya?' tanong ni Sarah sa kanyang sarili.
Naputol ang pag-iisip niya nang may tumawag sa kanya.
"Sars!"-Yeng
"Yeng! Shin!" sigaw ni Sarah sabay yakap sa kanila. Sila ang susundo sa kanya sa airport.
"Kamusta ka na? Na-miss ka namin."-Shin
"Okay lang ako. Na-miss ko rin kayo."-Sarah
"Kamusta naman ang puso mo?"-Yeng
"Yeng, ano ka ba? Kung ano-ano yung tinatanong mo." saway ni Shin kay Yeng.
"Shin, okay lang. Unti-unti ay nakapag-move on na rin ako."-Sarah
"Buti naman, Sars. Ano nga palang plano mo?"-Yeng
"Well, may company kasi na nag-offer sa akin na maging head ng fashion designing kaya tinanggap ko na."-Sarah
"Head ng fashion designing agad? Anong company ba yan?"-Shin
"AFH yung pangalan ng company. Pero hindi ko alam what AFH stands for."-Sarah
Nagkatinginan sina Yeng at Shin. Alam nila kung sino ang may-ari ng AFH. Ang AFH ay isang sikat na fashion company sa Pilipinas. Kahit isang taon palang ang AFH ay sumikat na agad ito. Hindi ito alam ni Sarah dahil dalawang taon siyang nanatili sa Paris.
Andersons' Residence
"Good evening, Mom and Dad."-Gerald
"Good evening, Iho. Buti naman nakauwi ka in time for dinner."-Daddy Randolph
"Iho, may sasabihin kami sa'yo."-Mommy Vangie
"Ano po iyon?"-Gerald
"Gusto kong mag-retire na. Ikaw na muna ang i-aasign ko na maging CEO ng Andersons' Fashion House."-Mommy Vangie
"What?! Mom, pambabae po iyon eh. Okay na po ako as CAO ng Andersons' Hotel."-Gerald
"Iho, kapag mag-retire na ako ay ikaw rin naman ang magiging CEO ng Andersons' Hotel. Sa ngayon, yung fashion house na muna ang asikasuhin mo."-Daddy Randolph
"Sige po." Gerald sighed in defeat.
"By the way, may bago akong hinire na head ng fashion designing."-Mommy Vangie
Pagtapos nilang kumain ay umakyat na si Gerald. Naiwang nagkakape sina Vangie at Randolph.
"Mahal, excited na ako sa gagawin natin. Pumayag na si Sarah na magtrabaho sa AFH. Hindi pa niya alam na tayo ang may-ari ng AFH. Pumayag na rin si Gerald na maging CEO ng AFH kaya sigurado akong magkikita sila. Sana magkabalikan sila."-Mommy Vangie
"Buti nalang bumalik na sa Pilipinas si Sarah. Siya lang naman ang gusto ko para sa anak natin. Sigurado akong mahal pa siya ni Gerald. Sasabihan ko ang HR na ilagay ang office ni Sarah sa tabi ng office ni Gerald."-Daddy Randolph
AFH...
First day ni Sarah at Gerald sa AFH. Naunang pumasok si Sarah sa elevator.
"Wait!" sigaw ni Gerald nang makitang pasara na ang elevator.
Pinindot naman ni Sarah ang button sa elevator upang bumukas ulit ang pinto ng elevator. Pagpasok ni Gerald ay pareho silang nagulat.
"Sarah?!" "Gerald?!" gulat nilang sabi.