Inimulat ko ang aking mga mata.
O ano tapos?
Bago paman ako maka-isip para sa sarilo ko'y may biglang dumating na isang matandang lalaki na naka salamin at may kasamang nars na parabang isang ihip nalamang ng hangin ay magiging hubo't hubad nato.
"Ano ang iyong nararamdaman ngayon Lem?" Tanong ng doktor sakin.
....
"ahh, oo nga pala. Leminara Fohenz. 18 taong gulang" pagpapaalala ng duktor sakin "Iyan lang muna. Baka sumakit yang ulo mo pag may sinabi pa ako" dugtong nito
"Teka nga lang tanda, pano mo nalaman pangalan ko?" Tanong ko sakanya
"Dahil, duhh doktor ako and not to mention heh, Ninong mo kaya ako" Magarang sagot naman niya
"Oh yan naman pala eh. Ano pang hinihintay natin. Sabihin mona lahat ng nakalimutan ko at matapos narin ang kalokohang to" Sabi ko sakanya. Madali lang naman pala eh.
"GAGO KA BANG BATA KA BAGOKOLANGSINABEEEE" Sabay hampas niya sa ulo ko. aNONG NANGYRE AT SUMIGAW KA BIGLAAA- "GUSTO MO BANG SUMAKIT IYANG ULO MO HANGGANG SA MAHIMATAY KA SA SAHIG?" Sigaw niya sakin. Tandang tanda nga amp.
"TIGNAN MO NGA NAMAN. MAGING PROUD KA GURANG DAHIL ANG HAMPAS MO SA BAGONG BAGONG NAAKSIDENTENG ULO KO ANG PINAKA-UNANG KATALINUHANG NADISKUBRE KO MULA NUNG NAGISING AKO, TANDA" bulyaw ko naman pabalik. Bah di kaya ako papatalo.
"Tss, kahit kailan para ka paring hindi babae. Kala ko pa naman at pag nagka amnesia ka mapapalitan mo manlang yang ugali mo" bulong ni tanda
"Oi, sige naa, tama nayaaan. Hindi mabuting awayin ang mga pasyente mo diba doctor~r?" Palanding sabi ng nars sa Matandang gurang nato.
iw
"Kung hindi kalang talaga maganda at seksi siguro hindi kita pakikinggan ngayon" balik tahol niya sa nars
At naglandian sila sa harapan ko. Kung kailan pa nagtanda tsaka pa natutong lumandi. Isang nakakadiring pangyayari.
''Pagkatapos nito ihahatid na kita sa condo mo noon. Pero wala kang maalala dun bata, hindi ka pala-uwing tao nung hindi pa yan nabugok ang ulo mo dahil sa katangahan. Kung meron ka mang dapat sisihin, yun ay ikaw noon dahil isa kang dakilang lampa" pang-iinsulto ng gurang nato. Kung dito ko nalang kaya to patayin, total ospital rin naman to eh.
"Ako narin muna ang mag-susuport sa'yo finacially. Hindi ka muna maghahanap ng trabaho dahil sa dahilaaanng.." tanda
"Dahilang..?"
"Baka mabagok ka. Siyempre ikaw ang pinakamamahal kong inaanak at mas mabuti pang maging oa ako dito kesa sa harapin natin ang di inaasahan" -tanda. Sino ngabang mage-expect na mabuti pala tong bastos na doktor nato
"Ituring mo nalang tong maagang pamasko galing kay ninong okey? ^^" masayang saad ng doktor
"Hwag ka ngang ganyan. Di bumabagay yung mukha mo sa kinikilos mo. Nakakapangilabot tignan." mapaklang sabi ko sakanya
"Pero oi, wala ka ba talagang ibang mairere-komendang bagay, lugar o kahit na ano manlang na maaring makabalik ng memorya ko?" -ako. May nararamdaman kase akong may dapat akong gawin.
"Wala, di ko na trabaho yan. Kung ako ang mag aalaga sa'yo, mapapahamak kalang. Hindi ako yung tipong patient." -tansa. pANO KABA NAGING DOKTOR HA
"Yan na ang trabaho nila at sila na ang gagawa niya. Well, actually depends kung para ba iyan sa'yo ang mga memorya mo noon o mas mabuti pang ibaon mo nalang sa limot" -tanda
"Pero kung para nga talaga sa'yo. Sila mismo ang kusang dadating sa buhay mo" -tanda
Sa wakas at nakarating narin. Atleast makahinga-hinga rin naman ako. Yung hangin kase dun sa room ko'y masyadong.. malaswa.
Habang naglalakad ako patungo sa elevator ay may nakita akong cute at maliit na lalake. I mean wala naman talaga akong karapatang tawagin siyang maliit kasi kapag ikukumpara siya sakin, talaga namang mas maliit ako pero feel ko kapag ikukumpara siya sa ibang lalaki hangkyut kyut niya talaga. ahihi
Paskhet, napansin ako. Bobo mo kase, titig na titig kapa noh?
"ahhh, kanina pa kita hinihintaaay" sigaw nung lalakeng cute habang papalapit sa daan ko nang may mga dalawang kamay na nakataas
ano? ano? ano? ano daw? ako? ako ba talaga? ha? at tuluyan na siyang nakayakap saken
Teka nga lang sino bato? Kilala ko bato dati? Boyfriend ko ba toh? Kung ganon nays one past me, ang swerte mong nilalang.
Pagkatapos niyang yumakap sakin ay tumitig siya sa mga mata ko. "Namiss talaga kita. Hwag mo na yung uulitin huh?" HANGSWEET NG BOYFRIEND KO P0TA YUNG TIPONG PWEDE NAKONG MAMATAY ULET-
"Ay oo nga pala. Nagka-amnesia ka." tumigil siya sandale
"John Blake Thiso yung pangalan ko. JanJan yung tawag mo saken noon kaya feel free na yan rin yung tawag mo saken ngayon" owemgi nakakainlab. Di ko na kailangan yung past memoriesss pangalan mo lang sapaat na. Lez create new memories 2gether. rAWR.
"Ako nga pala yung pinagakuan mo ng Bestfriend forever ^^"
At dun tuluyang gumuho ang mundo ko.