Chapter 3

4 0 0
                                    

Hindi ako umimik ni-isa nung sumakay na kami ng elevator. Tanging si Jan-Jan lang talaga yung nag-iingay pero parang hindi ko na siya marinig dahil ang naririnig ko lamang ay yung ingay ng malaking kawalan.

Huta ano bang kasalanan ang ginawa ko para madama ang sakit na to.


Nang narating na namin ang floor ng condo ko ay wala parin siyang tigil sa pagsasalita habang ako ay naglalakad na para bang wala akong kaluluwa. Who knows? Baka yang pinagsasasabi niya ay maaring maka-balik ng memorya ko pero wala akong pake. Kapag sinabi kong nawalan ako ng kaluluwa. Wala na talaga.

Tuluyan na naming narating ang condo ko at pagbukas ko ng pinto ay agad siyang humiga sa sofa.

Hehe, kahit na sinaktan mo man ako. hangkyet-kyet me peren ahihi. 


"Sige lang humiga ka muna jan. Ikaw pa naman nagdala ng mga gamit ko patungo dito kay ako na ang mag aayos ng mga damit ko sa cabinet" pero weg meseyedeng matagal kase baka maging ulam kita tonight.

"Siya nga pala. Dadating rin yung magaling mong bespren dito. Mag-ingat ka dahil mala-baril bunganga nun. Pero mas malupit paren yang sa'yo noon. Like bespren like bespren eh" Saad ni Jan-Jan habang tuloy parin ako sa pag-aayos ng mga gamit ko

"Naalala ko tuloy noon nang sinabi ko sa'yo na mag-jowa na kami. Ang saya saya mo pa kasi hindi daw napunta sa wala ang mga paghihirap mo" Sabi ni JanJan

at tuluyan nang gumuho mundo ko. 

tAS PINAGBABALIWAN KO PA SIYA SA ISIP KO KANINA. ANO NALANG KAYA KUNG MAY NAKAKABASA PALA NG ISIP DITO-- HALA BAKA NAKAKABASA SIYA NG ISIP ASDFGJFKGHL NAKAKAHIYA.


At nung punto nayon. Ay bumukas ang pinto ng napakalakas. 

"AAAHHH ASAN NA YUNG PINAKADAKILA KONG MATALIK NA KAIBIGGAAAANN" sigaw ng babaeng biglang bumukas ng pinto.

Tumakbo siya, tumalon at yinakap ako na parabang hindi niya ko nakita ng ilang taon

Actually, ilang panahon ba ako hindi nagising?

"ANG SAMA SAMA MOO. NAAKSIDENTE KA.." malunghkot na sabi ng baliw na babaeng to

"..TAS DI MOKO SINAMAA." masayang wika ni ate gurl

"OI BALIW. HINDI KANA NAALALA NYAN KAYA HINDI NA NIYA MASASAKAY MGA KAGAGUHANG TRIP MO" pasigaw na saad ni Jan-Jan


"Ganon ba? Ako nga pala si Helen Malanill. Tandaan mo yan huh? Gagawa pa tayo ng mga bagong memories" Pagpapakilala ni Helen

"NI HINDI Mo MANLANG ALAM NA NAGKA-AMNESIA SIYA? ANONG KLASENG KAIBIGAN KABA" pinutol na siya ni Helen

"KUNG GANON AY HIWALAY NA TAYO. LECHE KA PALA EH" Inis na sagot ni Helen


"Ahm, guys mabuti pa manuod nalang kaya tayo ng movie ^^" Jusko ikalma nyo mga bangs niyo. Dun kayo sa barangay hall mag-away hindi sa harapan ko.

"Sige ba" sagot ni Jan-jan

"Kung yan ang gusto mo. Gusto ko narIn" sunod naman ni Helen  (A/N:  wala lang natawa lang ako)

"Yiee di niya ko matiis" tukso ni JanJan

"Wag ka ngang feeling. Ginagawa ko lang to para kay Lem" Sagot naman ni Helen


Bumili ako ng pagkain sandale galing sa grocery at sila na daw ang pipili ng palabas. Nung pag-uwi ko dala-dala ang mga pagkain. Naabutan ko na sweet na sweet ang dalawa na parabang hindi muntikan nag world war III kanina. 

Umupo ako sa sofa at pinanood ang palabas. Kinuha nila yung icecream na binili ko at nagsubuan sa isa't-isa gamit ang kutsara.

Oi ekskyusme nandito pa ho akoo

Kanina pa ko nanonood at kanina pa sila nagsweet-sweetan, alam kong mali pero parang may konting parte saken na nasasaktan pero onti lang naman diba?

'Pero konting gasgas nga lang sa daliri ang sakit sakit na diba?'

Parang naramdaman ko na to dati. Wala akong naalala na memoryapero ang pakiramdam ko talaga eh. Na nandito na ako sa sitwasyon na to noon.


"Oi, naubusan tayo ng popcorn. Bili lang ako sandali" Paalam ko kay Janjan at Helen

"Marami namang ibang pagkain jan eh"  Wika ni Helen

"Gusto ko ng popcorn eh. Wag kayong mag-alala. Hindi ako matatagalan" sigurado ko sa kanila

Lumabas ako at pumatungo sa grocery na binilhan ko kanina. Wala masyadong tao ngayon kaya dali ko lang nabili ang kailangan ko


Saktong paglabas ko ay umulan.  Putspa wala akong dalang payong. Lakas panaman ng ulan

Umulan rin ng malakas nun..


Hindi na ako nakapag-isip para sa sarili ko nang naglakad ako patungo sa bahay nang hindi manlang nagbibigay ng pake kung mabasa man ako o hindi.


Bakit parang ang bigat ng katawan ko? Parabang ilang segundo nalang babagsak ako sa semento. 

Kailangan ko ng masisilungan. Kailangan ko ngayo-


Tumigil naba ang ulan? Tumingin ako sa taas at nakita ko ang isang nakabukas na payong.


...bakit hindi ako bumalik nalang sa grocery para magpasilong ng kaunti? Hindi ko din alam.


"Hindi ka bumalik"


At tuluyan na akong nawalan ng malay


"13141160141147040150151156144151040153141156141040142165155141154151153056040124151164151147151154141156040153157040156040141156147040160141147150141150141142157154040163141171157" 










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EphemeralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon