How to court a girl

2.1K 6 2
                                    

Para sa mga hindi nakakaalam, babae po ako. Isa akong dalagang Filipina kaso hindi ako mahinhin or in other words, pabebe. Anyway, sinabi ko 'to kasi I may not give you the best answer to your question tungkol sa Panliligaw kasi syempre, lalaki ang gumagawa non.

Paano nga ba manligaw? Simple lang, dalhin mo sa isang lugar na hindi niya alam tapos iwan mo. Ewan ko na lang kung hindi yun maligaw. HAHAHA!

Pero eto, seryoso na. Bago ka manligaw, make sure na liligawan mo siya kasi MAHAL MO hindi dahil sa na-iinggit ka lang sa iba o sa mga kaibigan mong may lovelife, hindi dahil sa trip mo lang o wala ka lang magawa, hindi dahil gusto mo lang ma-experience magkaroon ng karelasyon o girlfiend, hindi dahil gusto mo siyang gawing band aid para mabuo ulit yang nasira mong puso. Tandaan mo, kaming mga babae, hindi kami barbie doll na pwede mong paglaruan na lang basta basta kung kelan mo gusto. Kung binabalak mo man manloko, ibig sabihin bakla ka dahil babae lang ang naglalaro ng barbie doll.

Kapag sigurado ka na sa nararamdaman mo, pwede mo na siyang ligawan. ;) Here are some tips sa panliligaw:

1. Be sincere. When you're trying to catch a girl's heart dapat ipakita mong sincere ka. Paano? Try introducing yourself to the parents of the girl. Mas maganda kung personal para makilala ka din nung magulang niya saka para kung magiging kayo man, legal kayo. Diba?

2. Show some effort. Kapag nanliligaw ka, hindi lang dapat puro sweet words, we want sweet efforts too. Kapag sinabing effort, hindi lang yung pagbibigay ng mga flowers, chocolates at stuff toys. Hindi naman siya baul para bigyan at tambakan mo ng kung ano-anong mga regalo. Mas maganda kung yung effort na ibibigay mo ay ginagawa mo. Mahirap bang sunduin at ihatid siya sa bahay nila? Tulungan siya kapag kailangan niya? I-text siya ng Good morning para malaman niyang siya agad ang nasa isip mo pag gising mo? Pati narin ang pagtetext ng Good night sa gabi para malaman niyang bago ka matulog, siya parin ang nasa isip mo. Mahirap ba yun? Hindi naman diba? Magkusa ka. Ipakita mong kahit papano nag e-effort ka mapatunayan lang sakaniya na mahal mo talaga siya. The more effort you show, the more chances of the posibility na mahulog siya sayo. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko parin yung old style na panliligaw lalo na yung tinatawag nilang panghaharana. Konti na lang kasi yung gumagawa nun saka feeling ko, sobrang romantic.

3. Be a gentleman. Kaming mga babae, para kaming mga dyamante. Magaganda pero kapag nahulog madaling mabasag kaya dapat iingatan mo siya. Kahit yung mga simple gestures lang na pagbubukas ng pinto para sakaniya, pagtulong kapag marami siyang dala, paghila ng upuan para paupuin siya, pag-alalay sakaniya sa hagdanan lalo na kapag naka heels siya, pagpapa-upo sakaniya kapag nasa bus/train kayo at isa na lang ang available na seat. Kapag may nahulog siyang bagay, pulutin mo! Lahat ng babae, gusto ng lalaking gentleman kasi it's one way of showing that you care.

4. Makisama ka / Be friendly. Alam mo kung bakit? Kasi dapat tropa mo din yung mga kaibigan niya. Para kung may gala man sila at sinama ka niya, hindi ka ma-o-OP saka pangalawang pamilya niya na yung mga kaibigan niya kaya kung pumasa ka man sa magulang niya, kailangan mo paring dumaan sakanila.

5. Marunong rumespeto. Dapat alam mo yung salitang respeto. Siguro naman may nanay ka no? Kasi kung wala, paano ka ginawa? Anyway, If you really know the word RESPECT then you should know how to treat a girl right. Kung ayaw mong nasasaktan ang nanay mo, dapat alam mong hindi tamang saktan ang mga babae dahil babae rin ang nanay mo.

6. Know your limitations. Papaalala ko lang sayo, manliligaw ka pa lang okay? Hindi pa boyfriend. Dapat alam mo kung hanggang saan ka lang. Wag kang magfeeling diyan at umasta na parang boyfriend niya. Yung tipong ayaw mong nakikipag-usap o lumalapit siya sa ibang lalaki kasi nagseselos ka. Aba kuya, wala kang karapatan magselos hangga't hindi mo siya pag-aari. Wag mo namang sakalin yang nililigawan mo. Hindi pa nga kayo, nasasakal na siya. Paano pa kaya kapag kayo na? Baka naman mamatay na yan?

7. Use your sense of humor. Naniniwala ako na lahat tayo may sense of humor kaya dapat, gamitin mo yun. With the use of your sense of humor, mapapangiti at mapapatawa mo siya. Ang sarap kaya sa feeling kapag napapasaya mo yung taong mahal mo. Diba? Gusto namin yung mga lalaking may sense of humor kasi sila yung nagpapangiti saamin kapag malungkot kami. Dapat handa kang maging corny at magmukhang tanga para lang mapangiti siya. Hindi lang naman siya ang magbe-benifit kapag nagawa mo yun, pati ikaw kasi you made her smile.

8. Be understanding. Natural na sa mga babae ang maging moody kaya kailangan mo talagang maging sobrang understanding saka dapat habaan mo ang pasensya mo. Kapag nagsusungit, wag kang mapipikon. Patawanin mo lang. Kapag nagsungit parin, hayaan mo muna. Mamaya, okay na yan. Intindihin mo na lang baka buwan ng daloy niya pala. Kapag naiinis o nagagalit siya sayo sa di mo malamang bagay, lunukin mo na lang ang pride mo at magsorry ka kahit hindi mo alam kung bakit. Wag na wag mo ring sasabayan ang init ng ulo niya kung ayaw mong magkaroon ng World War III.

9. Be loyal. Kagaya ng sinabi ko kanina, bago ka manligaw, siguraduhin mo munang mahal mo siya. Siya lang at walang iba. Ayaw namin yung pinagsasabay kami kahit sa panliligaw. Wag nang makipagladian pa sa iba kapag may nililigawan na saka wag kang gagawa ng reserba. Ano yan? Kapag binasted ka nung isa, okay lang kasi may isa pa? Aba matinde! Edi sana hindi ka na lang nanligaw, sayang lang effort mo.

10. Be proud. Wag mong ikakahiya yang nililigawan mo kasi kapag ginawa mo yun, mas nakakahiya ka. Niligawan mo tapos ngayon mahihiya ka kapag may nakakita sainyong dalawa? Pare, kung mahal mo talaga yan, wala kang paki-elam sa iniisip ng iba. Kahit pa anong sabihin ng tropa mo, kung mahal mo talaga, gagawin mo ang lahat para sakaniya. Paki-elam ba nila sa nararamdaman mo? Hindi naman sila yung nagmamahal diba? Hindi naman sila yung may ari ng puso mo kaya don't mind them. Saka isa pa, BAWAL ANG TORPE.

11. Always think positive. Kung negative thinker ka, hindi ka pwedeng manligaw kasi mababaliw ka. Dapat palaging positive ang nasa isip mo kasi yan yung magbibigay sayo ng confidence o lakas ng loob. Sa lahat ng problemang mararanasan mo habang nanliligaw ka, yan lang yung kakampi mo.

12. Never give up. Hangga't maari, wag kang susuko. Minsan may mga pakipot o pa-hard to get na mga babae at tinetest ang patience mo kasi gusto nilang malaman kung seryoso ka ba talaga sakaniya. Alam kong mahirap maghintay pero lagi mong tatandaan na True love waits. Hindi lahat ng bagay, minamadali kasi sa huli, ikaw lang din ang magsisisi. Mas maganda kung sisimulan niyo muna sa pagiging friends. Yan yung sinasabi nila na sa stage na yan, natututo kayong maging komportable sa isa't - isa. In that way, mas stronger yung relationship niyo kapag naging kayo.

-

BEST ADVICE:

Just be yourself. Kung ako ay isang lalaki, mas gugustuhin kong mahalin ako ng babaeng mahal ko sa kung ano at kung sino ako. Isa pa, wala namang taong perpekto pero hindi ko naman sinasabi na.. Sige! Magyosi ka, mag-inom ka, paglaruan mo yung mga babae at lokohin mo silang lahat! WAG GANON. Siguro naman kung seryoso ka talaga sakaniya at mahal mo talaga siya, alam mo kung ano yung tama at dapat mong gawin. Siguro nga demanding kaming mga babae kasi marami kaming hinahanap sa isang lalaki pero believe me or not, kapag nagmahal kami, ay grabe! Tunaw lahat ng sinasabi namin. Hindi mo naman mauutusan yung puso kung sino ang mahahalin diba? Bigla mo na lang mararamdaman yan. Kaya whatever happens, wag mong babaguhin kung sino ka para lang magustuhan at mahalin ka niya. Kung nabasted ka naman, okay lang yan! Wag kang magpapakabitter at wag mong sisihin yung babae. You have to accept rejections too. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, lahat ng gusto mo ay nakukuha mo. Marami pang ibang babae sa mundo. Baka hindi siya yung para sayo kaya wag kang mawawalan ng pag-asa. Naniniwala akong, merong taong nakalaan para saatin. Malay mo, katabi mo lang pala siya? You'll never know. ;)

Love advicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon