What is love?

436 5 2
                                    

Ano nga ba ang LOVE?

Sigurado akong meron tayong iba't - ibang meaning or definition for love. Lagi naman yang tinatanong sa mga scrap book. What is love, who is your love, what is crush, who is your crush, blah blah blah. Yung tipong gusto natin, ang sagot natin sa mga tanong na yun ay unique or original tapos dapat maganda yung meaning. Diba? Kagaya nung sagot ni Teen King, Daniel Padilla, sa scrap book na sinagutan niya. Sabi niya "Love is Kathryn." oh. Hinay hinay sa mga KathNiel fans diyan. Don't worry, I'm a KN Fan too. :D

Well.. Para saakin, Love has a lot of meaning. Ano ba ang naiisip mo kapag sinasabi ang word na L-O-V-E? Wait. Huhulaan ko. Si crush mo no? Ay hindi. Pwede rin palang si mahal mo. HAHAHAHA! Kung tama ang hula ko, pwes ang ko-korni niyo!!! Joke lang. :) Hindi ako bitter guys. Swear. Naisip ko lang, bakit nga ba kapag sinabing love, yung mga crush o mahal natin yung pumapasok sa isip natin? Hindi ba pwede yung mga magulang muna natin? Yung pamilya natin! Si God. Yung mga kaibigan natin. Yung mga taong nandiyan palagi para saatin. Yung mga taong inaalagaan tayo at sinusuportahan. Naisip mo na rin ba 'to? Kung oo, WEH?! Anyway..

Nagtanong tanong ako sa ibang tao kung ano ang love para sakanila and here are their answers:

"Love comes with pain and pain demands to be felt."

"Love is blind."

"Love. Yung tipong bigla ka na lang ngingiti na parang tanga pag naalala mo siya. Yung hindi ka makatulog kakaisip sa kanya sa gabi. Yung lagi mong hinihintay na magtext siya sayo. Yung lagi mo siyang iniistalk. Yung gusto mo hindi siya nawawala sa paningin mo. Yung nagseselos ka kahit hindi naman kayo. Sa love hindi pwedeng hindi ka masasaktan kasi sa relasyon hindi lang naman laging masaya, may mga away din na mas nakakapagpatatag sa inyo."

"Love is accepting his or her imperfections. Yung tanggap mo kung sino siya. Yung ugali niya, yung kabaliwan niya, yung kaadikan niya."

"Love is acceptance."

"Love is being happy when every time you see him smile even you know that you are no longer the reason behind those perfect smiles."

"Love is sacrificing your own happiness just for him or her."

"Love is something you can't force."

"Love, para yang chocolate minsan sweet minsan mapait, kaya nga may dark chocolate eh."

"Love ang nararamdaman mo kapag nagseselos ka sa di malamang dahilan."

"Yan yung dahilan kung bakit lagi kang pumapasok para makita mo siya."

"Love? Kusa yang dumadating, hindi dapat hinihintay. Kung para sayo, sayo, kung hindi, wag nang ipilit. Sure naman na may nakatakda na para sayo, sa dinami dami ba naman ng tao sa mundo. Basta hintay ka lang, wag magmadali."

"Love is something that you feel for someone special."

"Love. Yan yung kapag magkasama kayo, parang kayong dalawa lang talaga. Yung wala kayong pakialam sa iisipin ng iba, basta masaya kayo."

"Love is just a word until someone comes around and gives it a meaning."

"Love is forever. Some people may not believe in forever but I do. When you found the one who you want to spend your life with then your time with him/her is your own forever, no matter how short that time is. Kahit 1 week pa yan 1 month or what. forever padin yun"

"Love is food."

"Love can make you or break you."

Ang dami no? Kulang pa ata yan to describe the word "love". Wala namang tama at maling sagot. May kanya kanya kasi tayong opinion. Pero meron akong nagustuhang sagot. Sabi niya, "Love is love. It is what it is. It can't be defined."

Saktong sakto sa gusto kong sagot e. Saka para saakin, it's true. Kasi kapag ako tinatanong kung what is love, hindi ko rin alam isasagot ko. Dahil sa sobrang daming definition ng love na nababasa ko, ang hirap nang i-explain kung ano nga ba ang love.

Ikaw ba? Para sayo, what is love?

Love advicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon