This chapter is for you to know kung ano nga ba ang nararamdaman ng isang babae kapag kami ay inlove or may crush..
Unang una, mahirap maging babae. You know why? Bukod sa pagkakaroon ng nakakairitang period o menstruation, kailangan naming magtago ng feelings namin para sa isang tao. Kapag may crush kami, hanggang tingin lang kami kasi hindi naman namin pwedeng sabihin. Isang beses, kausap ko yung kaibigan ko...
---
Siya: Masama bang umamin tayong mga babae?
Ako: Hindi naman masama pero hindi lang magandang tignan.
Siya: Bakit ganun no? Pag mga lalake, ok lang kahit umamin sila. Pero sa babae pangit tignan tapos masasabihan ka pa ng malandi. Bawal na bang umamin yung mga babae ngayon? Hindi naman kasi pwede yung babae nalang lagi yung mananahimik. Nasasaktan rin naman tayo ah? May karapatan rin tayong magsalita o sabihin yung nararamdaman natin.
Ako: Kasi tayong mga babae para tayong dyamante na maganda at unique pero fragile. Maraming mga lalaki ang hindi alam yon at wala silang paki-elam don. Sa panahon ngayon, mahirap na magtiwala kasi madali lang manloko. Kapag tayong mga babae ang umamin, parang binibigyan na rin natin sila ng option na saktan tayo sa madaling paraan. Pwede nilang gawing advantage yun para makuha nila yung gusto nila satin. Kaya dapat, hinahayaan natin yung mga lalaki na maglahad ng nararamdaman nila at hinahayaan nating patunayan nila na seryoso sila. Kahit mahirap para saating mga babae, wala tayong magagawa. God has a reason why we, girls, were in this situation. Mahirap man pero kailangang tanggapin.
---
And what I have said was true. Right girls? Kung akala niyong mga lalaki na palagi na lang kayo yung nahihirapan, pwes para sabihin ko sa inyo, nahihirapan din kami. Kung tutuusin, mas madali pa yung ginagawa niyo. Kasi kayo, kapag may mahal kayo, pwede niyong ligawan at may possibility pa na sagutin ka dahil mahal ka rin niya. Eh kaming mga babae? Nganga.
Sa isang babae, swerte na siya kapag niligawan siya ng mahal niya at seryoso yung tao sakaniya. HEAVEN ang feeling non. Meron namang iba na gusto nga siya nung mahal niya pero torpe naman. Nganga din diba? Ano yun? Parehas silang mag-aantayan? Dumaan na ang pasko't lahat-lahat, umaasa parin si babae at torpe parin si lalake? Ayos!
Eto naman yung malas, kapag may mahal yung babae pero may mahal nang iba yung lalaki. It's either may nililigawan siyang iba or MAY GIRLFRIEND NA. Alangan naman maging ahas si babae para lang maagaw si lalakeng mahal niya? Ano to? The legal girlfriend? No other woman lang ang peg?
Hindi sa lahat ng pagkakataon, lalaki lang ang nasasaktan. Nasasaktan rin kaming mga babae. Kung iniisip niyo na masakit ang mareject or mabasted, hindi ba mas masakit yung magmahal sa isang tao ng patago? Tapos hindi mo pa alam kung mahal ka din niya o hindi. Atleast kayong mga lalaki, kapag nareject kayo, malalaman niyo agad na hindi siya yung babaeng nararapat para sayo. Kami, bago pa namin malaman, kailangan pa naming magpakachismosa para malaman kung may nililigawan na siyang iba o may girlfriend na. Sakit diba? One sided love. Para kaming niloloko pero hindi alam ng lalaki. Basta magulo.
Pangalawa, dahil babae kami normal lang na magkaroon ng mga magulang para protektahan kami. Mahirap man pero kailangan din intindihin. May iba't-ibang tipo ng magulang..
1. The over protective parents. Yan yung mga magulang na ayaw kang magboyfriend hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho. Yung tipong kapag may manliligaw ka, dapat kilala nila at dapat hindi yung kung sino-sino lang and as much as possible, gusto nila yung good looking with a brain para daw may maipapakain siya sa pamilya niyo.
2. The strict ones. Eto yung mga OA minsan. As in NO MANLILIGAW AND NO BOYFRIEND until 18 or until after graduation. Minsan nga, may trabaho ka na pero ayaw ka parin payagan magboyfriend. Yan yung mga tipo ng magulang na mapaghinala dahil kahit mga kaibigan mong lalaki, pinaghihinalaang boyfriend mo o manliligaw mo. Minsan, sa sobrang stict nila, nasasakal ka at natututo kang magtago at magsinungaling. Aminin mo, nagkaroon ka na ng boyfriend ng hindi nalalaman ng magulang mo diba? Well, it's normal. Okay lang yan pero much better kung open ka sa parents mo. Mas magandang alam nila ang mga nangyayari sayo at kung ano ang mga gusto mo.
3. The supportive parents. Seriously, eto yung mga magulang na gusto ko. Yung kaya mong kausapin tungkol sa mga nagugustuhan mo at sa mga nagkakagusto sayo. Yung papayagan kang magkaroon ng manliligaw basta alam nila at papayagan kang magkaroon ng boyfriend sa tamang edad dahil may tiwala sila sayo. Minsan aasarin ka pa sa crush mo. Basta kung ano ang gusto mo at kung saan ka masaya, support lang sila sayo.
4. The choosy parents. Sila yung mga magulang na pinipili yung lalaking para sayo. Kapag may manliligaw ka, kahit gusto mo yung lalaking yun at ayaw siya ng mga magulang mo para sayo, it's a NO. Minsan itutulak ka pa dun sa lalaking mabuti daw para sayo pero hindi mo naman kilala at hindi mo naman gusto. Nakakatanga lang diba?
5. The wapakels. They don't care about you. Wala silang paki-elam kahit magkaroon ka ng manliligaw o boyfriend. Wala silang paki-elam kung ano na ang nangyayari sa relationship status mo. Mostly, yung mga babaeng may ganitong magulang, maagang nabubuntis kasi wala silang guide. Walang nagsasabi sakanila kung ano ang tama at hindi. Walang nangingielam sakanila.
To sum it all, natural lang sa isang magulang na maging strict at natural lang din magkaroon tayo ng sama ng loob sakanila pero sana, intindihin din natin sila kasi sa totoo lang, takot lang silang maranasan natin yung mga pagkakamaling nagawa nila noon kaya ganon sila. Saka diba mas okay nang maging strict sila kesa sa walang paki-elam? Atleast alam mong they care for you. They just want the best for you. And seriously, mas maganda kung open kayo sa magulang niyo dahil mas magiging madali para sainyo magpakilala ng isang lalaking mahal niyo at mas masarap sa feeling kapag legal kayo ng boyfriend mo kasi mahirap magtago. Swear. Been there, done that.
Lastly, mababaw ang kaligayahan ng mga babae. Kapag sinabi mong "Uy si *insert name of crush* oh!" Hahanapin niya agad yan. Minsan pa nga nagmumukha nang giraffe sa haba ng leeg makita lang yung crush niya. Kapag naman dumaan si crush, kunwari wala lang para sakaniya. Pero kapag lumagpas na, lumayo ka kung katabi mo man siya dahil sigurado akong isang malakas na hampas ang matatanggap mo dahil sa kilig niya.
May mga babaeng masaya basta daw masaya yung mahal o gusto nila. Minsan na-iisip ko na ang plastik nila kasi alam ko namang sa loob loob nila, nasasaktan sila. Sila yung mga babaeng nagmamahal at nasasaktan ng patago kasi yung mahal nila, merong ibang gusto. Kahit papano, saludo ako sakanila kasi nakakayanan nilang panoorin yung mahal nila na masayang tumatawa habang kasama yung babaeng pinapangarap nilang sana, sila na lang yun. Yan yung tinatawag na pagsasakripisyo ng patago. Syempre, patago silang nagmamahal kaya patago parin yung pagsasakripisyo nila.
Para sa mga lalaking naghihintay, gusto kong malaman niyo na damang dama namin kayong mga babae. Oo, alam kong mahirap maghintay sa The One niyo. Mahirap kasi bago mo siya makita, kailangan mo munang masaktan at mahirapan. Ang paghihintay, parang pag-inom lang yan ng kape. Minsan naiinip ka na at gustong gusto mo na talaga inumin yung kape kaya sa pagmamadali mo, napaso ka. Nasaktan ka. Minsan naman ayaw mo pang inumin kasi wala ka pa sa mood or hindi mo pa trip. Pwede ring sa ibang bagay ka nakatuon at hindi mo namamalayang malamig na pala yung kape dahil matagal mo na siyang pinag-antay kaya pag-inom mo, hindi na siya masarap. Parang uminom ka lang ng tubig pero iba lang ang lasa at kulay. Pero okay lang yun. Isipin mo na kaya lang nangyari yun ay para matuto tayo na dapat, hindi natin minamadali yung mga bagay-bagay at dapat hindi mo pinapalagpas yung mga opportunity na dumadating sayo kasi baka kapag handa ka na at naalala mo na siya, wala na siya dun sa quality na gusto mo. Para sa susunod, kapag tama na yung panahon, sakto na yung lamig at init ng kape para ma-enjoy mo.

BINABASA MO ANG
Love advices
Non-Fictionmy own opinion about love and my own advices for both girls and boys either single, in a relationship or broken hearted.