Darrelle yenn's POV
"Yenn pakiserve mo nga to sa table # 7 !"...sabi ng aming cashier. Kasalukuyan kasi akong nagtatrabaho sa isang coffee shop malapit sa apartment ko at sa gabi ako nag aaral. Although lumaki ako sa bahay ampunan eh may patakaran kasi na pag umabot na sa edad na disiotso ay dapat umalis na dahil makakahanap na naman daw ng pagtatrabahoan. At sa awa ng diyos nakakita agad ako ng mapagtatrabahoan at swerte pa dahil malapit pa ito sa apartment ko.
" okay "..sabay kuha ng tray. "Pakiligpit na din yung table # 2 and 3"..pagkatapos niyang magligpit.."yan sa table # 10 , i-serve mo din". "Okay".
Ganyan kami ka busy pag maraming customer , pero nalilibang din naman ako , hindi kasi ako sanay na walang ginagawa.
Pagdating ng alas singko ng hapon..."Guys una na ako ha ? May pasok pa ako eh !"..paalam ko sa mga kasamahan ko sa trabaho.
" sige ingat ka , babushh!"..sagot nila. Umuwi muna ako sa apartment ko para maligo at makapagbihis ng uniform ..Seven pa naman ang start ng klase pero gusto ko ng maaga ako para hindi ako nagmamadali , nagtricycle na lang ako para hindi masyadong pawisan pagdating sa school.
Ganyan ang lifestyle ko for the past 3 years.