Napabuntong hininga si Yuna matapos ang nakakapagod na araw kahit wala naman siyang ginawa. Dalawang araw na siyang nasa bahay lang nanatili matapos ang kasal ng kanyang kapatid.
Nakakalungkot man dahil sandali lang niya itong nakasama pero abot langit naman ang kanyang saya nang masilayan niya muli ito matapos ang ilang buwan na nawala ito sa puder nila.
Matapos kasi ang kasal ay lumipad na kaagad ito para sa kanilang honeymoon. Gustuhin man niyang makasama ng matagal ang kapatid ay hindi pwede. Masaya naman siya para sa kapatid dahil natagpuan na nito ang taong mamahalin nito habang buhay pero sa nalaman niya nasasaktan siya para dito. Dahil matapos ang panandaliang saya ay sakit at paghihinagpis naman ang sasalubong dito.
Gusto man niyang tulungan si Tori pero wala siyang magagawa. Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan niya bago siya tumayo mula sa kanyang pagkakahiga.
Naglakad siya palabas ng kanyang kwarto. Una muna niyang nilabas ang kanyang ulo sa pinto upang tignan kung wala nabang tao at tulog na ba lahat. At nung masiguro na niya ay tsaka naman siya tuluyan ng lumabas.
Maingat ang ginawa niyang hakbang upang hindi makagawa ng ingay. Para siyang magnanakaw sa sarili nitong pamamahay.
Kung nakikita lang siya ngayon ng Tatay at Papa niya iisipin na nitong nababaliw na nga siya.
Nakarating kaagad siya sa kusina na siyang nais niyang puntahan upang kumuha ng maiinom. He open the fridge, kinuha niya ang malaking fresh milk at tsaka siya nagsalin sa baso. Pagkatapos ay dahan dahan itong lumubas ng bahay upang makalanghap ng sariwang hangin.
Maingat niyang hinila ang main door ng bahay.
Pero hindi pa nga niya ito tuluyang nabuksan ay may pumigil na dito. Ito na nga ang sinasabi niya.
Yuna sighed at tsaka dahan dahan humarap sa taong iyon.
"Diba sinabi ko naman sayo bawal kang lumabas ng mag-isa lalo pa't malalim na ang gabi." Ani ng butler nilang si Lucas.
Ito kasi ang nakatukang nagbantay sa kanya at ng kanyang pamilya. At itong tao rin ang iniiwasan niya kanina lang. Dalawang araw palang na nakasama niya ito ay parang gusto na niya itong isauli kay Karrim eh. Lahat nalang ata bawal.
Bawal umalis ng mag-isa.
Bawal lumabas kapag gabi.
Bawal dito, bawal doon.
"Look Mr. I just want to get some fresh air. Pati ba naman ito ipagkakait mo?" Naiinis na ani niya kay Lucas at tsaka niya ito inirapan.
"Then you should tell me para masamahan kita." Sagot ni Lucas sa kanya. Napabuga naman ng hangin si Yuna at tsaka tumingin sa mga mata nito.
"I can handle myself."
At saka naman tuluyan ng lumabas si Yuna ng bahay. Umupo siya sa maliit na upuan at tsaka ininum ang gatas na dala niya. Ramdam naman niya ang pagsunod ni Lucas sa kanya pero kanya lang itong binaliwala.
Hindi naman sa ayaw niya dito.
Naninibago lang siya dahil ang dami nitong pinagbabawal. Naintindihan naman niya ito dahil ginagawa lang ni Lucas ang kanyang trabaho gaya ng utos ni Karrim dito. To make him safe dahil baka sumugod ulit dito ang mga tauhan ni Killoran upang dukutin siya sa pangalawang pagkakataon.
Hindi naman siya natatakot na madukot ulit. Mas gusto niya nga iyon upang makita ng mga mata niya ang pagbabago nito.
Sa ginawa nitong pag angkin sa kanya sigurado nag-iiba na ang anyo nito.
"He will turn into something na hinding hindi niya magugustuhan." Yuna said sabay ngisi.
Bigla namang nawala ang ngisi niya sa kanyang mga ng maalala niya ang init ng katawan nito habang siyang inaangkin. Ang bawat pagdampi ng labi nito sa balat niya at nag paggalaw nito.
Mahirap man aminin but he felt something in it.
Yuna shook his head.
"That jerk!" Ani niya. Sabay inum ng natitira niyang gatas.
But he cant wait to see Killoran again in his new form. This time siya naman ang babawi sa ginawa nito sa kanya at lalong lalo na sa kanyang kapatid.
He will pay for everything he has done to me and to my brother! I'll make sure that this will be the end of him.
Ilang oras nang pinipilit ni Killoran ang kanyang sarili para matulog pero kahit anong gawin nitong pagpikit ay gising na gising parin ang kanyang diwa.
"Fuck!"
"What is happening to me!"
Sunud-sunod na pagmumura niya.
Nagmumukha na siyang baliw sa kaiisip kung bakit ganito nalang ang nararamdaman niya ngayon. His inner wolf won't let him sleep dahil may iniinda itong sakit.
Hindi ito mapakali na para bang nay kakaibang nangyayari sa kaloob looban niya.
Nagsimula na ring bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sobrang bilis kaya masakit na sa pakiramdam.
Napahawak siya sa kanyang dibdib at napasigaw dahil sa sakit. Parang may napupunit sa loob niya. Ang kanyang mga muscle sa braso, dibdib at binti ay pawang tumitibok na rin sa sakit.
Everything is painful.
'Arghh!' He groaned in pain.
He's whole body is aching in pain. Sakit na ngayon lang niya nararamdaman. Halos mawalan na siya ng ulirat dahil dito.
It feels like his body is changing into something.
"G-gael! Gael.." Tawag niya sa kanyang beta pero mukhang hindi siya nito naririnig. Malalim na din kasi ang gabi kaya't nasisigurado niyang nagpapahinga na ito.
Matapos ang matinding sakit na kanyang nararamdaman ay dahan dahan naman itong humuhupa at ang kanyang buong katawan ay sobrang nanghihina.
Dahilan upang tuluyan siyang nawalan ng malay.
___________________________________
A/N: Yey! Chapter I is up!
Pwede din po kayong mag-iwan ng komento at suggestion para sa storya na ito. Salamat!
GPS SIDE STORIES:
- "Trapped" written by: Levantandose
- "Love, Death" written by: MidnightFlameX
- "Mark me, Earl" writter by: XxYunaHimexX
Vote and Comment. Thank you.
BINABASA MO ANG
GPS Side Story IV: The Falling Alpha
Loup-garouAlam ni Yuna na may kakaiba siyang kondisyon. Hindi siya isang Omega tulad nang alam ng lahat, ngunit higit pa doon. Nadiskubre niya ang tungkol doon kinabukasan matapos siya angkinin nang unang kasintahang Alpha na ang tanging gusto lang ay maangk...