Chapter 7:

1 0 0
                                    

“Haaaaaa. Ansarap ng tulog ko.” Napatingin ako sa paligid habang naghihikab ako at … OH MY GOD! Kaninong kwarto ‘to? Malamang kay You! Ito kaya ang dati kong tinutulugan. Napansin ko ding hindi pa pala niya pinapatapon ang mga gamit ko? Pero bakit naman kaya kailangang dito ako matulog?

Bumangon na ako para hanapin si You. Pero, sa kasamaang palad, napatingin ako sa sliding door na transparent at nakita ang dati kong bahay na tinutuluyan at ngayon, ‘HOUSE AND LOT FOR SALE’???

Ilang minuto din akong nakatayo at nakatitig sa bahay, at nang marealize kong walang mangyayari kung tutunganga lang ako, napagpasyahan kong bumaba na.

Bumaba ako sa hagdan at dumaretso sa kusina. Bakit nga ba sa kusina ako dumaretso? Pwede namang sa sala. Nagbabakasakali lang naman, hindi naman ako dumaretso sa kusina para lang sa pagkain noh.

Nang hinahanap ko na si You sa kusina, may napansin akong isang malaking bagay sa gilid, ‘THE REFRIGIRATOR’. Sa una, hindi ko pinansin pero hindi ko napigilang tingnan ang loob nun. Titingnan lang naman eh. Masama dun?Nagmadali akong pumunta sa harap nun para tingnan ang nasa loob. Oy! Titingnan lang, hindi ako kakain!

Pagbukas ko ng ref, nanlaki ang mga mata ko. WOW! Daming pagkain! Ansasarap pa, puro desert! Pero hindi ako kakain ha, titikim lang ako. Una kong tinikman ang leche plan, dinala ko yun sa lamesa at tumikim. Ansarap! Isa pa nga! Yummy! Isa pa nga! wow! Sarap talaga! Isa pa nga! After a while, nakita ko, ubos na! Hayaan mo na. marami pa naman.

Kumuha naman ako ng salad, naubos ko din yun.Sinunod ko ang graham ball, graham sandwich, pizza roll, at spaghetti. Kakakain ko, hindi ko na napansin na halos paubos na ang laman ng ref. Ayos lang yan! Mayaman naman yung kumag na yun eh.

Pero meron pang isang hindi ko natitikman, ‘ANG CAKE!’. Nung isusubo ko na yung cake, biglang may nagsalita. PATAY! “Tataba ka niyan.” Si You! “Agang-aga, desert agad?” Tumingin ako sa kanya ng dahan-dahan at ngumiti habang isinusubo ang huling bahagi ng cake. “Gutom ka ba?”

“Hindi, gutom na gutom lang. Hindi kaya ako pinakain ni Jeydon kagabi.”, pagdedefense ko.

“Bakit ba naman kasi, nasama ka doon?’

“Bakit? Mabait naman siya ah.”

“Mabait? Sabi mo, hindi ka pinakain. Saan ang mabait doon?”

“Eh paano naman kasi kami kakain, eh nasa dagat kami. Anong kakainin namin doon?  Buhangin? Saka, nasa daan pa lang kami, nakatulog na ako. Ang sweet nga eh, hindi na ako ginising. Speaking of, bakit nga pala dito niya ako dinaretso? Saka paano mo nalaman na wala ako sa bahay?”

“Ako kaya nagbuhat sa’yo dito. Binigay ka lang niya sakin sa tapat ng building ng ‘Condominium de Grande’ tapos dinala na kita sa taas. Eh dahil hindi ko alam password ng condo mo, dito na lang kita dineretso.”

“Ahhh. Pero hindi mo pa sinasagot kung paano mo nalaman na wala ako sa condo? Ini-stalk mo ako noh?”

“Feeling. Hindi noh. Kasi naman, simula hapon hanggang madaling araw, walang kabuhay-buhay ang condo mo. Patay ang ilaw at ang tahimik pa.”

“So, paano mo nalaman?”

“Eh kasi kapit-bahay kaya kita. Sa may terace kaya kitang kita kung may tao ba sa iyong condo o wala. Saka hindi kita dineretso doon kasi ang kalat.” Kapit-bahay? Kelan pa? the heck! Na-speechless tuloy ako.

“OW! That’s a shocking news.” Wala na akong masabi kaya noh!?

Wala naman kami ginawa maghapon sa kanila. Nagkwentuhan, kumain at nanood lang. Pagdating ng hapon, inihatid na niya ako sa aking condominium unit ko at dumaretso sa kanyang condo.

Dreamful Dream:Finding the Reality(book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon