Chapter One: Rain

6 0 0
                                    

Rain

Buwan ng hulyo at umpisa na naman ng panahon ng La Niña.
Ewan ko ba kung ano ang meron kapag sumasapit ang ang buwan ng july to september, at kung bakit sa mga ganitong buwan napipili ng tag-ulan na maghasik ng kabaliwan.
Minsan naiisip ko tuloy na siguro mga ganitong buwan na brokenhearted ang kalangitan at ilang buwan muna siyang nagmu-mukmok kaya ganun nalang katagal ang panahon na umiiyak siya.

Hays.

Napabuntong-hininga ako sabay napangiti sa mga nai-imagine ko.
Buhay nga naman, parang life.
Hindi maintindihan. Ang hirap espelingin.

Napatanaw ako sa mga sasakyan na walang habas sa pagbusina at sa mga taong nag-uunahan sa pagsakay dahil sa tindi ng ulan.
Mga nasa trenta minutos na'kong nakatayo dito sa maliit na tindahan ng goto dahil sa paghihintay ng pwedeng masakyan.
Wala pa naman akong payong kaya hindi rin ako makasabay dun sa mga taong nagtutulakan para lang makasakay.

Napa-kamot ako sa ulo sa pagkainip.
Kung hindi ko lang nakalimutan magdala ng payong edi sana nakakahiga na'ko ng matiwasay sa kama ngayon.

Naku..naku..naku..

Nang dahil nga sa pagkainip ay naisipan ko nalang na pumasok sa isang tindahan ng goto at kumain na muna habang hinihintay tumila ang ulan.
Pumunta ako sa counter para um-order at para magbayad narin.

"Ate, pa order nga ng goto yung may laman. Tsaka isa na'ring order ng tokwa't baboy."

Sambit ko sa babaeng helper ng tindahan na may katandaan na. Mahahalata iyon sa pangangatawan niya, maging sa mga kilos nya. Kung susumahin siguro mga nasa 70-80 years old na ang babae.

"Ano nga ho ulit yun mam?. Pasensya na at ay may kahinaan na ang pandinig ko."

Dali-dali ngunit may bakas ng paghihirap na lumapit sa'kin ang ginang habang may bitbit na papel at ballpen.

"Ah. Hehe. Ok lang po. Ang sabi ko po pa-
order ng goto na may laman at isang tokwa't baboy."
Pag-uulit ko sa sinabi.

Akma na syang mag-susulat sa papel ng may biglang lumapit na naka itim na slacks at naka polo na lalaki sa gawi namin.
May katangkaran ito ngunit nasisiguro kong hindi nalalayo ang edad nito sa akin.

"Lola, bakit po ba kasi kayo nand'yan? Hindi nyo na po dapat ginagawa ito. Akin na po yan' ako na po ang bahala dito."
Magalang niyang sabi sa matanda habang inaalalayan iyon .

"Hay nako! Wala akong magawa sa bahay mas lalo akong nalulungkot kaya narito ako at saka kulang ang tauhan natin dahil sa dagsa ng mga tao."

Minsan ang kukulit din ng mga matatanda kahit pinagbabawal gagawin parin. Pero nakakatuwa silang tignan dahil para rin silang mga bata sa kakulitan.
Kaya naman kinuha niya ang papel na hawak nito at tsaka inalalayan patungo sa isang upuan na malapit sa counter. Nang matapos ang ginagawa ay tsaka bumalik ang lalaki at hinarap ako.

"Pasensya na po kayo sa lola ko ma'am. May katandaan na po kasi kaya makulit ."
Natatawang ngunit may bakas ng paghingi ng paumanhin niyang turan sa akin.

"Naku, wala iyon. Naiintindihan ko ang lola mo, siguro nga nababagot lang siya kaya naisipan niyang tumulong."
Sagot ko sa kanya.

Napangiti siya sa sinagot ko at kinuha ang order ko.
Matapos kung sabihin ang gusto ko ay isinenyas niya sa'kin ang mga lamesa.

"Paki-hintay nalang po ng order niyo ma'am." Sambit niya sabay bigay sa akin ng isang flash card na may numero.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong tindahan para maghanap ng pwesto.

Naihinto ko ang paningin sa may bandang kaliwa sa may dulo ng makita na may espasyo sa banda ro'n.
Yun nga lang may naka-upo sa opposite side ng lamesa.

One Smile, Millions Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon