Chapter Three: Second Time

1 0 0
                                    


Second Time

"Asahan muli ang mga pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig probinsya sa buong Luzon ngayong araw dahil sa bagyong Neneng ayon sa PAGASA.
Ito po si Nicole Gwen De Leon nag-uulat."

Narinig kong ulat ng isang reporter sa radyo habang nakasakay sa isang pam-publikong bus. Tuloy parin ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Maa-alintana iyon sa basang bintana ng bus na halos hindi na makita ang lahat ng nasa labas dahil sa walang humpay nitong pag agos.

Kasalukuyan kaming bumibiyahe ngayon papunta sa burol ni Jayden.
Kasama ang mga kaibigan ko na naging kaibigan n'ya rin naman noon at tahimik kaming lahat na tila dinadama ang kapayapaan ng pagbiyahe namin.

Mga ilang araw matapos sabihin sa akin ni Rolince ang balita tungkol sa sitwasyon ni Jayden ay namatay ito. Nagkaroon raw ito ng matinding head injury at hindi kinaya ng kanyang resistensyang lumaban sa sakit.

Mas lalo akong kinain ng konsensya ng dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Bilang isang tao na naging bahagi ng buhay n'ya ay nagdesisyon akong pumunta sa burol n'ya sa kabila ng masakit na nangyari sa nakaraan.

Nakatingin ako sa labas ng sasakyan at pinakikiramdaman ang ulan ng biglang magsalita si Vergel, isa sa mga kaibigan ko. Nakasandal siya sa upuan habang naglalaro ng online game sa cellphone n'ya.

"Masyado naman yata kayong nagdaramdam d'yan? Baka mamaya dalawin kayo ni Jayden?."
Ani nya pa habang natatawa.

Natawa si Ashong sa sinabi n'ya.
Napangiwi naman si Rolince at agad na bumanat.

"So, sa tingin mo nakakatuwa 'yon ha?"
Singal niya sa kaibigan.

"Oh! Easy lang! Joke lang naman iyon eh. Ito naman di mabiro."
Nakatakip sa bibig na depensa naman kaagad ni Vergel, nagpipigil na matawa.

"Eh, kung yung girlfriend mo kaya ang dalawin niya gabi-gabi? Ewan ko lang kung matuwa ka." Taas-kilay na pangbabara nito.

Hindi ko na napigilan ang mapa-bunghalit ng tawa dahil sa pang-babara n'ya.
Ibang klase talaga 'to. Kababaeng tao pero ang lakas manabla. Daig pa ang lalaki sa paraan ng pagsasalita.

"Siraulo! Foul na yun ah?!"

Sambit nito habang salubong ang mga kilay at akmang hahampasin ang kaibigan dahil sa pagka-pikon.

Ngunit inirapan lamang siya ni Rolince at tinalikuran.

Si Vergel yung kaibigan namin na napabalitang inagawan ni Jayden ng syota noon kaya naman ganun nalang ang pagkapikon n'ya sa dating kaibigan. Pinakiusapan lang namin s'ya na kalimutan na ang nangyari at patawarin nalang si Jayden dahil tao lang din naman ito at nakakagawa ng mali.

"Mapapatawad ko siguro s'ya pero hindi pa sa ngayon. Masyadong masakit at nakakawala ng tiwala ang ginawa n'ya. Malalim ang ginawa niyang sugat sa pagkatao ko. Pero ganunpaman, sana mapunta parin siya sa langit."

Sabi nya noon ng minsan kaming magkausap bago pa man mangyari ang pagsalungat ko sa desisyon nila.

Masakit man ang nagawang pangloloko na nagawa ni Jayden sa kaniya, hindi pa rin matatawaran ang kabaitan na meron si Vergel dahil nag-iisip parin siya ng kabutihan para sa kaibigan na tumraydor sa kaniya.

Hindi rin nagtagal at nakarating na kami sa lugar kung saan naka burol ang dating kaibigan.
Maliit lang ang kapilya na naroon at kung susumahin ay hindi pa lalagpas sa bente ang pwedeng pumasok doon ng sabay-sabay. Ngunit malinis naman ang paligid nito at tahimik. Mukhang sinadya iyon na malayo sa kalsada o sa lugar kung saan maraming tao para mas magkaroon ng katahimikan ang mga kapamilya o mga kaibigan na nagluluksa.

One Smile, Millions Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon