Chapter Five: Secrets And Lies

1 0 0
                                    

Secrets and Lies

"Bakit mo' ko tinawag na Ayhie?"
Inosente at nagtataka kong tanong.

Bahagyang nanlaki ang mata n'ya sa tanong ko.
Kaya pinakunot ko ang aking noo para malaman niyang naghihintay ako sa isasagot niya.

"Ah-eh.. Wala 'yun. Nagkamali lang ako ng tawag sa'yo kasi natatataranta na ako."

Nanatili akong nakatitig sa kanya. Hindi kumbinsido sa naging sagot niya.
Iniisip ko ng mabuti kong ano ba ang ibig sabihin ng panaginip ko na iyon.
Yung mga lugar na nakita ko sa panaginip ko ay pamilyar. Maging ang pangalan na ayhie at ang pinaka tumatak sa'kin ay iyong kakaibang ngiti ng lalaki.

"Bakit? Ano ba yung napanaginipan mo? Bakit naman pati sa maling pagtawag ko sa'yo ng ibang pangalan ay big deal na sa'yo ngayon?."
Biglang tanong ni Rolince. Nakasuot na siya ng uniporme para sa kanyang trabaho. Mukhang papaalis na ito kanina pa dahil halos matuyo na ang buhok nito mula sa pagkakaligo. Naantala lang siguro dahil sa paggising niya sa'kin.

"Wala. Narinig ko lang sa panaginip ko."

"Ha? Talaga? Paano? I mean sino ang tumawag sa'yo ng Ayhie?"

Nagtaka ako sa naging reaksyon n'ya. Base sa kinikilos niya ay tila natataranta siya.

Ang weird.

Tipid akong ngumiti at tsaka umiling.

"Wala. Narinig ko kasi may batang tinatawag yung aso niya. Ayhie ang pangalan. Nasa kalsada kasi."

Pagsisinungaling ko.
Ayaw ng pahabain pa ang usapan.

Napangiwi naman siya sa sinabi, tila hindi kuntento sa mga binitawan kong salita.

"Basta kapag may hindi magandang nangyari ay magsabi ka kaagad sa akin ha? H'wag na h'wag kang maglilihim."
Paalala niya sa akin.

Tumango lang ako at tsaka ngumiti bilang sagot.

Nailipat ko naman ang paningin ko sa orasan at napansing umaga na pala. Hindi ko namalayan na ganun ako katagal nakatulog. Masyado akong nilamon ng mapanganib na panaginip na iyon.

Humugot muna ako ng malalim na hininga at nagpasyang bumangon sa higaan.
Samantalang ang kaninang kaibigan ay lumapit na sa'kin para magpaalam.

Agad ako na kumilos para makapaghanda sa pagpasok. Ayokong ma-late. Traffic pa naman palagi sa Edsa. Mahirap na.

Mabilis na lumipas ang oras at naglalakad na'ko papasok ng opisina.
Panay ang ngiti ko sa bawat empleyadong makakasabay at makakasalubong.

"Goodmorning ma'am."

Masayang bati sa'kin ni Manong Fredie.
Ang head security personnel ng opisina namin.

"Magwapong umaga rin, Manong Freds."
Pambobola ko.

Pagpasok ko sa looban agad akong naupo sa cubicle ko at binuksan ang computer para makapagsimula na sa hindi pa natatapos na trabaho.

"Good morning." Bati ni Dessa. Isa sa mga kasundo ko na katrabaho.

"Magandang umaga rin sa iyo." Tugon ko sa kanya.

Nakipagbatian din ako sa mga iba pang kasamahan sa department. Natinag lang ako at apalingon sa hamba ng pintuan ng biglang pumasok si Ms. Candice, ang Supervisor namin. May hawak itong puting folder at nakasabit ang isang maliit na sling bag sa kanang balikat. Bagay na bagay sa kanya ang simple pero eleganteng kulay cream na bestida.

"Good morning guys. "
Bungad na bati n'ya sa lahat.

"Good morning din ma'am."

Pabalik na bati naming lahat habang abala sa kanya-kanyang gawain.

One Smile, Millions Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon