Chapter Six: Unexpectedly

1 0 0
                                    

Unexpectedly

"Ayhie."

"Ayhie."

May narinig na naman akong boses mula sa hindi ko kilalang tao sapagkat wala akong makita. Tanging boses n'ya lamang ang naririnig ko.

"Yuhoo, Ayhie."
Muling sambit niya pa.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Minsan ko naring narinig iyon sa naging panaginip ko at narinig ko rin iyon mula kay Rolince ng minsang aksidente n'ya akong matawag sa ganung pangalan.

Sino ba si Ayhie? Ako ba yun? Kung hindi eh anong papel niya sa buhay ko? Imposible wala naman akong kakambal na ayhie ang pangalan eh.

Marahan kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa harapan ko ang lalaking hindi ko na naman makilala kung sino. Malabo na naman ang mukha nito.
Bumangon ako at pilit na itinutuon ang paningin sa kanya at ilang beses kinukurap-kurap ang mga mata, nagbabaka-sakaling maging malinaw ang kanyang hitsura sa aking paningin.
Ngunit nabigo muli ako. Kahit anong gawin ko ay hindi ko maaninag ang mukha nito.

"Good morning my ayhie."
Malambing niyang turan habang nakangiti.

Mabilis na kumabog ang dibdib ko dahil sa pamilyar na ngiting iyon. Hindi ko na naman maintindihan kung bakit ganun na lang ang nararamdaman ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Napansin kong may kaliitan ang lugar. Maliban sa maliit na higaan at malapad na lamesa ay wala ng ibang gamit ang naroon. Wala man lang kapintu-pintura ang mga dingding at tanging kandila lamang ang ginagamit para magkaroon ng liwanag sa buong lugar. Natigil ako sa pang-uusisa sa buong kwarto ng napako ang paningin ko sa isang bintana at mapansing umuulan sa labas.
Muli akong tumitig sa kanya pero walang pinagbago. Malabo parin siya sa paningin ko maliban nalang kapag ngumingiti siya. Nagiging malinaw sa mga mata ko ang mga iyon, pero ang kabuuan niya ay hindi.

Nabigla ako ng may nilabas siyang isang kulay pulang kahita. Base palang sa tatak nito ay malalaman mo kaagad na may kamahalan iyon. Napalunok ako at hindi alam ang gagawin.
Inosente akong tumingin sa kanya at nagtatanong kung para saan iyon.

"Try to open it. Para malaman mo."
Marahan niyang sabi sa akin.

Nangingig kong inilapit ang kamay ko roon at dahan-dahan iyong binuksan. Hindi ko maiwasang mamangha ng makitang isa iyong kwintas. Napakaganda ng pagkakagawa niyon at sobrang kinang. Mas lalo pa iyong naging maganda dahil sa kulay asul at naka-hugis pusong pendant nito.
Ito ang unang beses kong nakatanggap nang ganung klaseng regalo.
Napangiti ako at naluluhang tumitig sa kanya. Para akong natutunaw sa sobrang tuwa kaya mas lalong gusto kong makita ang mukha nito para kung sakaling makita ko man siya sa hinaharap ay makapag-pasalamat ako sa kanya.

Natinag lang ako ng makita kong kinuha niya sa loob ng kahon ang kwintas at akmang isusuot sa'kin. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip at agad kong itinaas ang aking buhok at tumalikod sa kanya, para maisuot niya iyon ng maayos.
Nang matagumpay niya iyong maikabit sa akin ay iniharap niya ako sa kanya at tsaka ngumiting muli.
Napakaganda ng mga ngiti niya. Maihahambing ko iyon sa isang dagat na napakasarap sa paningin at nakaka-kalma ng pakiramdam.

Hinalikan niya ako ng marahan sa labi at niyakap ng mahigpit. Yumakap din ako sa kanya bilang tugon.

"Mahal na mahal kita, Ayhie. Kahit ano pa man ang mangyari."

Doon na nagwala ng tuluyan ang puso ko. Hindi malaman kung anong dahilan pero hindi ko maitatangging may nararamdaman akong kilig sa mga sinabi niya. Para akong dinadala sa alapaap ng sandaling yakapin niya ako. Para bang naligaw ako at ang yakap niya lang ang nagpapatunay na nakauwi na ako.
Na kahit mahaba man ang naging paglalakbay ko basta maramdaman ko lang ang presensya niya ay parang nabibigyan na'ko ng mahabang pahinga.
Isa itong napaka-sarap na klase ng pahinga.

One Smile, Millions Of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon