He never leave me (Base on my real life)

1.2K 31 30
                                    

Paano ba ako makakahanap ng taong karapat-dapat para sa akin?

Yung taong kaya akong ipagmalaki sa iba?

Yung mamahalin ako, kahit sino ako, kahit ano ako?

Kahit sobrang complicated ng buhay ko, sa pamilya ko?

Nandyan siya para damayan ka, at ipinadadama sayo na 'huwag kang susuko sa anumang pagsubok sa buhay, nandito lang ako para tulungan at alagaan ka'.

Hindi naman masama maghangad ng pagmamahal mula sa iba, kahit sarili mong pamilya hindi naibigay sayo yun.

Hanggang kailan ko kaya kayang mabuhay ng nag-iisa?

Kelan ko kaya makikita ang taong magmamahal sa akin?

Alam ko hindi madali ang buhay natin. Marami kang pagsubok na tatahakin, maraming problema na sunod-sunod kung dumating sa buhay mo. Bahagi na ng ating buhay ang mga pagsubok. Lakasan lang ang ating loob at huwag susuko sa anumang pagsubok na naka-atang sa atin. Kung makakaya mo lahat ng ito, magagawa mong sumabay sa takbo ng ating buhay.

Ganyan ang aking istorya sa buhay, maraming pagsubok. Kaya nga -----.

"Sana dumating ka na sa buhay ko." Naibulong ko sa sarili ko.

______________________________

Pasensya na po readers .. panget ang prologue XD Hindi kasi ako magaling gumawa eh ^______^V.

Bago kong story ngayon. Yung story ko na gagawin, ibabase ko po yan sa real life ko. Kaya malalaman niyo kung sino talaga ako noon. Kung ano ang buhay ko, ilalagay ko din dyan.

Pag nababasa niyo na ito sana naman wala akong makikitang masamang comment :( . Please DONT JUDGE ME. Hindi lahat ng ilalagay ko sa bawat chapters totoo. Sasabihin ko naman kung ganyan ang nangyayari sakin eh. Hehehe.

This story base on my own real life.

*Hindi rin ako maglalagay dito ng scene na ARRANGE MARRIAGE. Nakakasawa na kasi kapag puro ganun nalang ang mga scene sa Love Story. Kaya iibahin ko naman para hindi na COMMON :)). Malalaman niyo rin yan, kaya basahin niyo nalang po.*

Thank you guys, sana magustuhan niyo ito, at sana may magbasa din.

By: @EricaNaomi09 (Erica)

He never leave me [On~Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon