HnLm Chapter 12

151 7 1
                                    

Chapter 12

Erica's POV

Nakauwi na ako sa amin ngayon, hindi ko kasi alam kung bakit ako biglang umalis at umiiyak pa. Heto na naman kasi ang pagkacrying baby ko. Masyado yata akong naaapektuhan sa mga sinasabi nila. Bakit ba kasi nangyayari ang mga ito :(. Wala na ba akong kaligayahan? Habang buhay nalang ba ako iiyak at magmumukmok sa tabi-tabi? Kelan ko kaya kayang tiisin lahat ito?! Hanggang kelan? :(

"ERICA MAGSAING KA NA?." Sigaw ng papa ko mula sa baba.

"SIGE PAH WAIT LANG." Sigaw ko din pabalik.

Tumigil na ako sa kakangawa ko at sinunod nalang yung utos sa akin.

Pagkababa ko nagsalita si papa. "Bakit nakadress ka kanina? Nakipagdate ka ba?" Seryosong tanong ni papa. It's so creepy, katakot.

"Ah yun ba, natapunan kasi ako kanina sa school tapos dinala ako ni Jacob sa bahay nila at pinalitan yung damit ko." Ayokong magsinungaling kaya sinabi ko nalang yung totoo.

"Ah, ganun ba? Mabuti naman." Huh? Mabati naman? Teka bakit hindi ata nagalit sa sinabi ko. Nagpunta ako sa bahay ng LALAKI tapos parang ayos lang?

'Ano ka ba Erica, ayos nga yun hindi ka pinagalitan'. Sabi ng isip ko.

"Teka papa bakit hindi ka nagagalit ngayon eh nagpunta ako sa bahay ng LALAKI." Sabi ko habang hinuhugasan ko ang bigas sa kaldero.

"Bakit ako magagalit kung panatag naman ako kapag kasama mo siya!" Binuksan niya ang T.V at nanuod ng balita.

"Anong ibig mong sabihin pah? Naguguluhan ako."

"Wala! Huwag mo ng intindihin."

Silence...........

Umakyat na lang ako sa kwarto ko, as usual kumakanta na naman ng ANIME songs. Favorite ko kasi eh, saka bagay daw sakin yung kanta kahit hindi nila na iintindihan.

(Now Playing: Itooshi Hito No Tame Ni ost of Fushii Yuugi. Kung nanunuod kayo niyan alam niyo tong kanta.)

He never leave me [On~Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon