Chapter 4

1 0 0
                                    

"We... What?! Anong magpapanggap?? Bakit ako?? Bakit kailangan ako?!"

"Eh kase, they saw us already. Kaya, ikaw nalang gagawin kong 'boyfriend' ko. Please Kale. Sige na. Pumayag kana." May pa beautiful eyes pang nalalaman tong isang 'to.

After namin makarating dito sa secret hideout daw niya na parang hindi naman hideout. Kase naman, sobrang laki ng bahay! Sobrang ganda pa. At kaya pala sobrang pamilyar ng pangalan nitong si Reigna Price eh kase anak pala siya ng may-ari nung Price Enterprises. Ang yaman pala talaga nitong babaeng 'to.

At kasalukuyan niya akong pinipilit na magpanggap biglang 'boyfriend' niya. Bakit ba kase magpapanggap pa? Di joke lang. Pero kase, sa ganda niyang yan?! Wala siyang boyfriend? Well, we never know pero kase, haaaayss..

"Di ba ako mapapahamak sa gagawin nating yan?"

"You mean, pumapayag kana??" Biglang lumiwanag ang mukha niya. Nakangiting di nakikita yung mata. Ang cute lang.

"Eheem! H-hindi pa noh. A-asa ka d-diyan."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng biglang niyakap niya ako sa bewang.

"Sige na kase Kale." Tumingin siya sakin na parang desididong gawin lahat pumayag lang ako. Pambihira! "Sige na Kale please?? I badly need your help." Nagpapacute na naman. Please naman Reigna. Wag masyado.

"O-oo na Oo na! Sige na pumapayag na ako."

Napabitaw siya sa yakap at humarap sakin na parang nabigla. Pero biglang ngumiti. Akala ko yun lang yung mangyayari eh. Pero biglang tumalon sakin. Buti at nasalo ko! Nakuu! Bigla niya akong niyakap at diniin ang mukha niya sa leeg ko which is di ko inaasahan. Napatanga ako sa nangyayari pero, niyakap ko na din siya. B-baka mahulog eh.

"Thank you Thankyou Thankyou Kale!!! Yow da best!" Bigla na naman niya akong hinalikan sa cheeks. Ano ba tong babaeng to! Ang hilig sa surprises! Di ako prepared! Naknang!

"Basta ba, siguraduhin mo lang ang kaligtasan ko at ng pamilya ko. Kase base sa mga nangyari kanina, di ko alam kung anong meron eh pero parang kinakabahan ako para sa kaligtasan namin."

Bumaba siya sa pagkakabuhat ko at hinawakan ang kamay ko. May pa pisil-pisil pa.

"Don't worry Kale. I will assure you. I will keep you and your family safe. Ako ang bahala sa inyo. This favor and deal i'm asking you, means a lot to me. So in exchange, I will protect you and your family and provide your needs." Nakangiti niyang saad sakin.

"Then, its all settled then. Pwede na ba akong umalis? May pasok pa kase ako eh. At di ako pwedeng umabsent Reigna kase exams week ngayon. Monday na monday aabsent ako. Haaaaysss.."

"Oh. Okay. I'll go with you. Wait bibihis lang ako." Tumakbo na siya paakyat sa kwarto niya para magbihis.

Ano ba tong pinasukan mo Kale? Magiging normal pa kaya ang buhay ko pagkatapos nito? Ano ba kaseng nangyayari kay Reigna at kinailangan pa niya ng idamay ako para magpanggap na boyfriend niya?

"I'm done! Lets go!" Pangiti-ngiti pa siya habang nakakapit sa braso ko. This is ... New to me. Di ako sanay. Well, No girlfriend since birth kase ako. Di pa pumapasok sa utak ko ang maggirlfriend kase gusto kong makapagtapos ng walang problema sa lovelife. Makakapag-antay naman yan eh. Di ba? Pero parang mababago ang perspective ko dahil dito sa babaeng nakakapit sa braso ko. Ang saya niya. Di ko mapigilang tignan ang nakangiti niyang mukha.Nakakagaan ng loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reigna Ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon