Elehiya para kay Tatay (Kailan pa muli?)

559 6 0
                                    

Kailan pa muli,

Masisilayan buhok mong kay puti?

Taon na pala ang lumipas ng  makita kong huli,

Gusto ko lang naman mahaplos kahit na sandali.


Kailan pa muli,

Maririnig tawa mo tuwing kinikiliti,

Yung hahagalpak ka sabay ngiti,

Sa sobrang tawa mo nga namumula na ang iyong pisngi.

Kailan pa muli mayayakap ng mahigpit?

Yakap na parang iniipit,

Okay lang kahit na masakit at mahigpit,

Basta mayakap ka kahit saglit.


Kailan pa muli makakasama tuwing nagsisimba?

Yung gigisingin mo pa ko ng sobrang aga,

Kinikiliti mo pa nga ako sa paa diba?

Para lang magising ako ng maaga.


Kailan pa muli matitikman luto mong nakakabusog,

Adobong manok, menudo, afritada at adobong kangkong,

Masarap pero minsan maypagka-matabang,

Pero ang mahalaga nakakabusog kahit na matabang.

Elehiya para kay TatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon