Elehiya para kay Tatay (Paalam)

289 2 0
                                    

Paalam aking ama,

Salamat sa mga ala-ala,

Masasayang araw kay sarap igunita,

Sana'y nandito ka't kumakanta.


Salamat sa iyong mga payo,

Ako'y natututo nang dahil sayo,

Mga payo mo'y  aking isasabuhay,

Mahal kita aking tatay.


Nalulungkot ako paminsan-minsan,

Dahil sa naiisip ka ng biglaan,

Napapaluha ng walang dahilan,

O siguro nais ka lamang mahagkan.


Paalam na aking ama,

Sana ikaw pa'y aking makasama,

Kahit sa panaginip na lamang makita,

Ngiti sa mukha mong kay's sigla.


Paumanhin kung ako'y naging pasaway,

Nung ikaw pa ay nabubuhay,

Mahal na mahal kita aking itay,

Lahat ng aking parangal sa paaralaan'y sayo iaalay.

Elehiya para kay TatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon