Elehiya para kay Tatay (Ala-Ala)

14.6K 16 0
                                    

Salamat sa iyong nagawa,

Haligi ng tahanan sa amin nawala,

Nakakalungkot ng ika'y mamayapa,

Ala-ala aming igugunita.


Siyam na araw ika'y nakalagak,

Sa labas ng ating tahanan,

Araw ay lumipas, ng ika'y iburol,

Labi mo'y di ko kayang mamasdan.


Paggunita sa iyong ala - ala,

Noong ika'y nabubuhay pa,

Di mamasdan dahil sa takot,

Ako'y mapaluha dahil sa lungkot.


Huling araw ng ako'y sumilip,

Nakakalumo ng ika'y makita,

Biyernes tayo pa'y nagkasama,

Linggo namayapa ka na.


Salamat sa mga ala - alang taglay,

Isa ka sa parte ng aking buhay,

Napasaya mo mga araw ko,

Ngayon ika'y gugunitain ko.


Mga payo'y aking isasabuhay,

Ng ika'y muling mabuhay,

Sa mundo ng mga panaginip,

Nais kitang makita't mayakap.


Elehiya aking iniaalay,

Sa aking mahal na Tatay,

Pangalawang magulang ng aking buhay,

Salamat sa pagpapatnubay.

Elehiya para kay TatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon