Elehiya para kay Tatay (Ninanais)

872 3 0
                                    

Sadyang kay hirap ng ika'y mawala,
Taong halingi sa amin nawala,
Pag aaruga mo'y aming ginugunita,
Ninanais kong ikaw sana'y muling makita.

Ninanais kong maulit,
Mga sandaling ika'y makulit,
Kay kulit gaya ng isang bulilit,
Mga ala-ala'y di mawawaglit.

Ninanais kong gunitain,
Panahong ika'y kasama namin,
Nagtatawanan, nag-aasaran,
Ngunit di nagkakapikunan.

Malungkot ng ika'y lumisan,
Ngunit ala-ala'y di bibitawan,
Nakataga na sa aming puso't isipan,
Di na mabubura kahit ng sinuman.

Ninanais kong hanggang sana na lamang,
Mga oras na sana'y di nasayang,
Di nasayang sa mga tampuhang,
Oras at panahon ang nasasayang.

Ninanais kong nandito ka,
Sa tabi namin sa tuwi-tuwina,
Sa lungkot at saya,
Sana'y kapiling ka pa.

Elehiya para kay TatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon