Chapter 17: Frustration

12.7K 452 47
                                    


I was so relieved na hindi siya sumunod.

Asa pa akong susunod yun eh this whole time, palabas lang pala lahat dahil sa deal niya kay Mr Tan. He had thennerve para lokohin ako. He's just like the others, manloloko at manggagamit.

Gustong-gusto ko ng umuwi, but I still had  few hours left. I was professional enough not to leave my job just because of this stupid heartache.

The whole time na ginagawa ko ang trabaho ko ay pinilit ko wag ipakita ang nararamdaman ko. Kaya nga I wiped my tears before ako lumabas ng elevator kanina. I didn't want people to know gaano ako ka tanga. For sure pagtatawanan lang nila ako.

Most people look at women as vulnerable and weak like that guy. Walang kukuha sa isang lawyer na kagaya kong babae kung masyado akong emotional at weak. Kaya nga I learned to look tough even it felt otherwise in the inside.

Saktong 3:50pm ay pinatay ko na ang computer ko. I grabbed my purse and attaché case saka nagpaalam na sa mga kasama ko. I was supposed to be off at 4pm today dahil  tapos ko naman lahat ng gagawin ko kaya pwede na akong lumabas. Hindi naman siguro ikakalugi ng companya na umalis ako ng ten minutes early.

Pinakinabangan pala ako dito ng hindi ko alam. He used me for his own sake. What a  nerve of that man to do that!

Pababa ako ng elevator nung mag ring ang phone ko kaya nilabas ko sa purse at tiningnan. I ended the call nung makita ko ang pangalan niya sa screen. Pero nagring ito ulit kaya I put my phone on silent. Lumabas ako ng elevator at mabilis na naglakad palabas ng building papunta sa kotse ko.

I drove to the nearest mall. Hindi ako pwedeng umuwi dahil akala nila meron akong dinner ngayon. Maiintindihan naman nila mama pag umuwi ako saka sabihing hindi natuloy ang lakad ko pero ayoko magpaliwanag sa kanila kung bakit hindi natuloy. Ayoko malaman nila at lalo na, ayoko gumawa ng ibang rason para pagtakpan ang nangyari. Nakakahiya. Tama kasi sila kaninang umaga.

Masyadong mataas ang pangarap ko. Paano ko naisip na magugustuhan ako ng isang Sander Chiu?? Sana pinigilan ko ang sarili ko mahulog sa lalaking yun. Bakit kasi ang dali kong bumigay sa lalakeng maasikaso at sweet? Naiinis ako sa sarili ko.

Kaya pala ganun nalang ang pagsuyo niya sa akin. Sinundan pa ako sa Boracay. All for his company's sake! Akala ko may tiwala na siya sakin. Akala ko lang pala dahil narinig ko mismo mula sa kanya na wala. Kaya pala madaling trabaho lang ang pinapagawa niya sakin. Kaya pala ang galing niyang pakiligin ako. To the point na niyaya pa ako lumabas sa birthday ko. Now, I know that he's a user. Sana pinakinggan ko ang isip ko na bakit ganun nalang kabilis magbago ang tingin niya sakin at yun ay dahil meron palang motibo. Isang deal na matagal na niyang gusto makuha at ako ang naging tulay para finally makuha na niya ang ibang share ni Mr Tan. I should have known that he's a businessman afterall, and ako ang napagkasunduan na paglaruan.

Umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa foodcourt area dito sa mall saka nilagay sa mesa ang tray na may pagkain na binili ko.

Napabuntong hininga ako na makitang wala akong kaharap na tao o kasama man lang. Mag isa akong kakain ngayon. Birthday na birthday ko pa naman.

Akala ko may date na magaganap. Nag ayos pa naman ako ng bongga pero anong kinalabasan? Napunta lang sa wala. Akala ko pa naman ito na ang pinakamasayang birthday ko dahil akala ko makakasama ko siya. Pero mas okay na to kesa bulag parin ako sa katotohanan. Mas okay ng ganito kesa sa wala parin akong alam na ginagamit pala ako. Mas gustuhin kong kumain mag-isa kesa makasama ang lalaking manggagamit.

How dare him play with my feelings. Akala ko pa naman totoo ang mga pinakita niya sakin nitong nakaraang mga linggo pero hindi. He admitted to his mom that he was just flirting with me this whole time para lang mag stay ako ng anim na buwan.

His Friendly Ways (Barkada Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon