Chapter 6: Fast Forward

14.3K 459 27
                                    


6 months after...

Nagmamadali akong naglakad. Mala-late na kasi ako sa next na ka-meeting ko. Late na kasi natapos ang usapan namin ng isang client ko kaya nagmamadali na ako ngayon.

Binilisan kong mag drive pagdating ko sa kotse ko. Siguro mga halos 15 minutes lang na pagmamaneho ay nakarating na ako sa companya.

"Good afternoon, Attorney Pascua."

Ngumiti akong bumati, "Good afternoon din, kuya," bati ko sa guard.

Umakyat na ako gamit ang elevator. Nung makarating ako sa floor kung saan ang client ko ay lumabas na ako ng elevator at agad na dumiretso sa secretary niya.

"Good afternoon, attorney. Pasok na po kayo sa loob. Andon na si sir."

Napatango akong ngumiti, "Thanks."

Dahan-dahan kong binuksana ang pinto at nung makapasok ako ay kita ko agad ang client ko. Nung makita niya ako ay agad siyang napangiti.

"Attorney! You're here."

"I'm sorry that I'm a bit late—"

"Oh, no worries. You don't need to apologize. How could I get mad at the person who saved my company?" nakangiting sabi niya saka tumayo at niyaya ako sa sofa maupo. Naupo ako sa kaharap na sofa ng inuupuan niya. "If I haven't met you four months ago, wala na siguro sakin ngayon ang company ko. Utang na loob ko sayo yun, attorney."

Ngumiti ako, "I only did my job, Mr Suanson, and it was a team effort that's why we won the case."

"You're really humble, attorney, kaya mas lalo kitang gusto. Tell me, pano kita mababayaran sa lahat ng tulong mo?"

Umiling ako, "Sapat na po sakin na pinagkatiwalaan niyo ako."

I finally found someone who would trust me. I met Mr Suanson four months ago nung nagkaron ng malaking problema ang companya niya. Muntik ng mawala ang company niya sa kanya dahil sa nalulugi na ito. Lumapit siya sa akin at hiningi ang tulong ko. Wala daw siyang mahanap na abogadong magaling na tutulungan siya ng hindi nagbabayad ng malaking halaga kasi nga nalulugi na siya at hindi niya na kaya magbayad ng malaki. Kaya nung lumapit siya sakin, I grabbed the chance to help him. Doon ko nalaman na may discrepancy sa mga documents niya. Na trace namin kung sino ang may kagagawan ng pagkalugi. Napatalsik at napakulong ang empleyado na yun dahil sa multiple charges sakanya kaya ganun nalang ang pasasalamat niya sa akin.

Hindi bigatin na companya ang meron siya. Hindi ganun kasikat at hindi din ganun kalaki ang kita gaya ng Chiu Airlines. Hindi ganun kalaki ang pa sweldo niya sakin pero sapat na bilang abogado. Hindi naman kasi pera ang habol ko, gusto kong makatulong at gusto ko rin lumawak ang kaalaman ko. Siguro nga kailangan kong magsimula dito dahil walang bagay na mabilisan makuha. Kayamanan na para sakin ang magkaron ng ganitong opportunity na lumawak ang kaalaman ko at madagdagan ang experience ko. Nahahasa ako lalo bilang abogado at marami akong natututunan.

"Alam mo, nagtataka ako bakit nandito kaparin sa companya ko. Eh ang galing-galing mo, attorney. Sigurado akong marami jan na willing kang bayaran ng mas malaki kesa sa binabayad ko sayo."

Ngumiti akong napailing, "Hindi naman po ako naghahanap ng mas malaking sahod. As long as masaya ako sa trabaho ko ay okay na ako. Isa pa, gusto ko lang naman maging corporate lawyer at dahil sa inyo ay natupad ko po iyon."

"Eh magaling kanaman kasi talaga. Ang swerte ko dahil ang companya ko ang pinili mo, attorney."

Nitong mga nakaraang buwan, marami akong natutunan bilang corporate lawyer. Hindi pa ako ganun kagaling gaya ng mga tinitingala ko pero alam kong darating din ako don. One step at a time kumbaga. Wala namang magandang bagay na minamadali dahil lahat ng magandang bagay ay pinagsisikapan.

His Friendly Ways (Barkada Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon