Chapter 38: Spontaneous Plans

12K 417 63
                                    


Nagulat ako sa sinabi ni Sander. Bakit kami magpapakasal sa Italy?!

He parked the car in the parking lot of the airport and after that, he faced me. His eyes were conveying something that I did not know what. He didn't look fine.

"I know it's a sudden decision but this is the best thing I can think of."

My brows furrowed in confusion. "Best thing you can think of in what? You are making plans without even asking me first. Do you know how surprise I am right now?? Kung hindi lang kita mahal iisipin kong nababaliw kana. Bakit tayo magpapakasal sa Italy? At bakit agad-agad??"

"'My love, listen. My mom is planning something against you. I got scared of what it would turn out to be. I couldn't let her do it again. Not anymore."

"Anong binabalak niya at bakit kasal ang naisip mong gawin? Hindi ko maintindihan, Sander. This is insane. Saka anong kinakatakot mo? Akala ko haharapin natin ang mommy mo? Kaya bakit tayo lalayo at magpapakasal?"

Napapansin ko ang takot sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan bakit natatakot siya at parang natataranta.

"You know my ex-fiancé, Kate, right?" I nodded. "My mom offered her money. She accepted it in exchange of leaving me." His eyes became so sad. "Now, my mom is going to do the same thing to you."

Napaisip ako sa sinabi niya. Nasabi niya na sa akin yan at narinig ko narin sa mommy niya. The woman, Kate, accepted the money kaya iniwan niya si Sander dahil yun ang kondisyon ng mommy niya. Sander got so disappointed and was left broken-hearted because of what she did.

When I came up with realizations, I looked at him seriously.

"Kaya mo ba ako isasama para ilayo ako sa posibleng gagawin ng mommy mo?"

"Y—Yes."

"Kaya mo din ba ako isasama sa Italy para pakasalan ng sa ganun wala ng magawa ang mommy mo para paghiwalayin tayo?"

"Yes," he said nodding.

Hindi ako makapaniwalang ngumiti sa kanya. I didn't know what to feel. Should I be happy or insulted?

"Ganun ba kababa ang tingin mo sakin, Sander?"

"What? No!" Takang tanggi niya. "What are you saying, my love?"

"Iniisip mo ba na mababaw lang ang pagmamahal ko sayo?"

"No, that's not what I was saying," he said and was about to hold my hand when I pulled my hand away before he could even touch it.

"Hindi eh. Yan ang pagkakaintindi ko sa ginagawa mo ngayon. You don't trust me enough, and you are doubting my love for you, Sander."

"That's not true. I believe you—"

"Then bakit ka natatakot?!" putol ko sa sasabihin niya. May galit sa boses ko dahil hindi ako makapaniwala na wala siyang tiwala sa akin. "Bakit ka natatakot, Sander? Bakit kailangan mo akong ilayo sa mommy mo??"

Hindi siya makasagot. He got speechless with my outburst.

"Natatakot ka na baka maging katulad din ako nung Kate na masisilaw sa pera at iiwanan ka. Ganun diba??" I asked, but he remained silent. "Do you really think na gagawin ko yun?? Sander naman!! Wala akong pakialam sa pera ng mommy mo. Hindi ko tiniis ang mommy mo ng ganito katagal kung yun lang rin naman ang gagawin ko." I spoke again but this time in a low voice, "Mahal kita, Sander. Mahal na mahal kita. Hindi paba sapat ang pinaparamdam ko sayo para magtiwala ka sakin na hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit na ano lalo na sa pera?"

He shook his head. His eyes started to water. I was gonna say something again when he embraced me tightly.

"I'm so sorry, my love. I'm so sorry," sabi  niya sa mahinang boses na para bang iiyak na siya. "I know you love me, but I can't avoid not to feel scared. Forgive me if I make you feel like I am doubting your love. It's just that, I am so scared that I will lose the woman I love. Not again. Especially not you."

His Friendly Ways (Barkada Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon