Maaga akong nagising ng sumunod na araw dahil na den sa ingay ng mga nasa kabilang kwarto na masyadong excited.
Nagbanlaw muna ako ng katawan at nagpalit at idinaan muna sa library yung mga hiniram ko na libro para sa mga lesson na hinahabol naming.
Didiretso na sana ako sa great hall pero may isang freshman na kumalabit sakin at pinigil ako sa paglalakad.
"Miss, pinapatawag po kayo ng Headmaster sa office nya," sabi nito at naglakad den palayo.
Nagugutom na 'ko eh.
Pagdating ko sa office ng Headmaster ay pinaupo nya agad ako sa silya sa harapan ng kanyang desk, naupo ako at nagtanong.
"Pinapatawag nyo daw po ako, para sa'n po?" sabi ko at nginitian lamang ako neto. Okay.
"Dapat pala noon palang ay napansin ko na nakuha moa ng mata't ilong ni Maximus, at ang mga labi't pisngi ni Desdemona," sabi nya at muling ngumiti. 'Di naman sa creepy 'tong Headmaster namin pero parang ganon na nga.
"'Di ko po kayo maintindihan, Headmaster," sabi nya at saka sya tumango.
"Alam ko 'yon, Maxillia," tawag neto sakin kaya lalo akong nalito.
"Celestia po ang pangalan ko at hindi po Maxillia," pagtatama ko dito pero ngumiti nanaman sya. Yung totoo?
Tumayo sya at kumuha ng libro mula sakanyang napaka-laking shelf saka inabot saakin ang isang asul na libro, mukhang ilang taon na ito mula ng ma-publish dahil ang mga gilid nito ay nagwawatak na.
"Bibigyan kita ng 30 minuto upang basahin ang chapter 12," turo nya sa libro at kinuha ko naman 'yon at binasa.
Magnouse: The Planet of Integrity
Chapter 12 – The Royal Family
Si Maximus Phillipe II of Astral ay ang hari ng Astral o ang pinaka-mataas na kaharian sa buong Magnouse, ang asawa niyang si Desdemona of Sintral ay nagbunga ng isang anak na si Celestia Maxillia of Astral, o mas kinikilalang, 'The Gem', pagkat si Prinsesa Maxillia lamang ang kaisa-isang babaeng anak sa loob ng limang henerasyon.
Ayon sa batas ng mga Matatanda, ay kapag lalaki ang unang naging anak ng hari't reyna ay hindi na sila maari pang magkaroon ng anak. Kaya natuwa ang mga tao ng Astral nang malaman na prinsesa ang pinagdadalang tao ng mahal na Reyna.
Ang mahal na Reyna ay nagmula sa kaharian ng Sintral o ang ika-limang pinaka-mataas na kaharian, noong una ay ayaw pa ng reyna sa hari ngunit sa huli nagka-gustuhan den ang dalawa, ang noong prinsesa ng Sintral ay ikinasal sa hari na si Maximus matapos ang isang taong pagkakakilala, at doon nagbunga ang mahal na prinsesa.
Ngunit hindi naging matagal ang pananatili dito ng prinsesa, pagkat ilang lingo pa lamang nang siya'y mag-isang taong gulang ay inatake ng mga tumutuligsa sa pangkalawang kapayapaan ang palasyo ng Astral.
Maraming nanlumo nang malaman nilang nawala ang prinsesa dahil inilipat sya ng kanyang ina sa ibang planeta upang maka-ligtas sa mga umatake na sya'ng pumatay sa halos dalawang daan na mga kawal.
Hindi na lingid sa kaalaman ng iba na ang Magnouse ang planetang may kapangyarihan sa batas ng lahat ng planeta sa ating kalawakan, nahahati sa labing isa ang mga kaharian na tumutulong mangasiwa ng pangkalakang batas: Vinestral, Trustia, Penthratia, Renissatal, Del Giza, Onitaro, Sintral, Felidestria, Eveona, Lakania, at ang Astral.
Ang Astral ay ang pinaka-mahalang kaharian dahil andito ang 'Council of Elders' na siyang gumagawa ng mga batas sa sa buong planeta. Ang Astral ay matatagpuan sa pinaka-tuktok ng bundok Estranta, ang pinaka-mataas na bundok sa Magnouse.