"They're closing in, 10 meters from your 281 Justin," sabi ni Elena through Cassandra's enchanted ear-pieces.
Dumating ang una mula sa kaliwa ni Justin, the Vampire looked like a normal person other than the fact he had fangs and was pale.
It was quickly defeated by Apollo, mabilis niya itong napansing lumipat ng direksiyon ng makita niya ang pag-tawid nito sa kabilang building.
Sumunod ang dalawa pa, yung isa ay natamaan ni Victoria mula sa balcony nung isang building, at yung isa naman ay hinati sa dalawa ni Riley nang maka-pasok sa barrier.
"Wala ng ibang movement, let's move on to Geo," sabi ni Elena pagbaba niya.
"They're quick, pero I doubt na 'yan na ang average skill nila, they aren't armed with Demon weapons," sabi naman ni Riley pagtas niya i-analyze kung patay na ba talaga ang mga target.
"Iba yung energy nila, it has lower vibrations kesa nung atin," sabi naman ni Apollo.
After checking their situations we continued walking to Geo, mas safe dumating don bago mag-dilim, para den ma-analyze namin yung area bago kami makipag-laban don.
12:30 na kaya nag-simula kaming mapagod, swerte na lang dahil naka-kita kami ng abandonadong bahay, maliit lang pero mukhang kaya naman kami i-withstand.
"Mag-pahinga muna kayo, I'll grow some fruits to eat sa likod, after eating let's take an hour off para maka-pahinga yung mga seer, kailangan pa nilang i-regain yung mana nila without using relievers," ayun naman ang sinabi ni Riley.
Kagaya ng sinabi niya, bumalik siya ng may dalang mga prutas, mainly bananas and berries, para daw sa stamina and energy.
Pagka-tapos kumain ay nag-pahinga muna ang karamihan, si Elena at Victoria ay natulog din muna imbis uminom ng relievers. Ang mga relievers ay kasama sa uniform namin, may 5 tube neto na naka-attach sa belt namin, we're advised to consume 2 per day, pero dahil baka magkulang in case of emergency, sleep is another way to regain mana.
Si Brielle at Riley ay nagpasya na mag-plano ng mga possible standby locations namin samantalang si Justin at Marcus naman ang nag-bantay sa labas in case may iba pang lumapit.
Hindi ako gaano naka-tulog pero kahit papano naman ay napahinga yung paa ko. By 2:15 umalis na kami para maglakad papuntang Geo.
From calculations, 2 miles nalang at mararating na namin ang Geo, we had enough time to analyze the area and rest for the day.
"I can hear movement from your 135 Brielle, it's not too far," sabi ni Victoria.
The formation from earlier would be harder to copy dahil walang two-story buildings nearby, the closest one was out of range for sniping.
"Primary defences, form a barrier around the seers and healers, deceivers hide nearby and be ready to fight, Riley, you and me will cover for the ares the barrier can't," command kaagad ni Brielle. Hindi nakaka-surprise na siya ang Team Captain ng Bravo, she remained calm and rational.
"Estimated location is... everywhere, enemy count is fuck! There's fourteen!" sabi ni Elena.
14 enemies. There's twelve of us, mahihirapan kami in terms of offense.
"They're closing in!"
Nakita namin ang tatlo sakanila bago kami mabalot ng yelo. Aliyah immediately made a barrier around us, napansin kagad nito ni Justin kaya nakuha niya sina Elena at Victoria.
"We can't fight them off with just our weapons, the barrier can last at 5 minutes max, while that's happening construct an offense strategy," sabi ni Aliyah.