Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko namalayan na sabado na kaagad.
Ngayon at bukas kami uuwi at babalik sa mga pamilya namin sa labas ng academy, wala na daw kasing masyadong oras para magtagal kami, we had to make a lot of improvement in two weeks for the games, even a small gap in training could affect our overall performance.
Ngayon ay hinihintay namin ni Jances ang iba pa naming kasama para sabay na kaming lahat lumabas, 'di nagtagal ay nakita ko din si Victoria, na akala mo magbabakasyon ng isang buwan sa ibang bansa dahil dalawang maleta ang bitbit nito.
Si Cassie naman ay may dalang dalawang bag ng damit, si Riley at Justin isang gym bag, at pareho kami ni Jances na isang backpack lamang ang bitbit, nagsuot kami ngayon ng mga simpleng kasuotan upang mapanatiling sikreto ang mga elemental.
Nang makarating kami sa bukana ng academy ay nakita ko agad ang tatlong sasakyan at isang bisikleta, lahat ay para sa mga kasamahan ko.
"See you guys on Monday!" sabi ni Victoria at isinarado ang limousine ng kanyang butler, ganon din si Riley ngunit isang normal na sasakyan lamang ang sasakyan neto.
Si Cassie naman ay gumawa lamang ng portal at dumaan doon.
"Oh? Paano ka uuwi?" tanong ni Jances nang maka-angkas sa bisikleta ng ama nya, nginitian ko na lamang s'ya.
"Magtataxi ako, paglabas ko naman ng boundary onting lakad nalang nasa sakayan na'ko, wala din susundo saakin," sabi ko sakanya at sumimangot na lamang s'ya.
"Kung pwede lang kita isabay eh isinabay na kita eh, oh s'ya, mag-ingat ka Celestia ha!" sabi nito at nagpedal na ang kanyang ama.
Maglalakad na sana ako kaso biglang may humatak sa'kin na kamay.
"Are you stupid? Maglalakad ka lang hanggang boundary? Eh ang layo-layo non, sumabay ka na sa'kin kahit hanggang sa sakayan lang," sabi ni Justin bigla na s'yang kinagulat ko.
"Hindi na, nakakahiya naman," sabi ko at tinanguan s'ya, akmang lalakad na 'ko kaso hinatak nanaman ako neto.
"Sumabay ka na, wag ka ng makulit," sabi nito at pinagbuksan ako ng pintuan, wala naman akong magagawa kaya sumakay na lamang ako.
Mamahalin ang loob ng kotse at s'ya lang at ang driver n'ya ang kasabay ko, mahina ang tugtog at classical ito.
"Malapit lang ba dito ang bahay nyo? Pahatid nalang kita doon kung madaraanan namin," tanong nya bigla habang pinagmamasdan ko ang trail palabas ng academy.
"Malayo-layo den, sisilipin ko lang naman kung nandon kapatid ko, kung wala didiretso ako sa probinsya, do'n ako sa lolo't lola ko," sagot ko sakanya at muli uling sumilip sa labas.
"Huh? 'Di baa lam ng kapatid mo na uuwi ka?" nabibiglang tanong n'ya. He's asking too much questions.
"Hindi, dahil pag alam n'yang uuwi ako, aalis s'ya hanggang bumalik ako sa academy, kaya din madalang akong dumaan do'n sa bahay namin," sabi ko sakanya at mukhang natigilan s'ya kaya hindi na ulit ito nagtanong, nagpababa ako sa may sakayan ng taxi.
"Salamat sa pagsabay sa'kin, mag-ingat ka sana pabalik," sabi ko sakanya at nagpaalam.
Lumihis den ang sasakyan nila na sinundan ko ng tingin, pagkawala nila sa paningin ko ay dumaan muna ako sa grocery upang mamili ng kaunting pagkain na kasya sa budget ko.
Kailangan ko pa ng pamasahe bukas, 'di ako pwede gumasta ng gumasta.
Dala-dala ang isang bag ng grocery ay sumakay na'ko pauwi, 30 minutes den ang biyahe papunta doon kaya medyo naburyo den ako, pero natuwa den ako makita ang mga bagay na hindi mahika lang ang pinagkukunan ng lakas, katulad ng mga sasakyan at mga palengke.