"Hello, Nika? Asan ka na?" wika ko sa kaibigan kong nasa kabilang linya.
"Sorry Yel, na-traffic ako, rush hour nga pala." Tiningnan ko ang oras na nakasabit sa pader ng coffeeshop.
"Oonga. Bakit kasi ganitong oras mo pa naisip na magkita tayo eh!" Naiinis na ako. Ayoko talagang pinaghihintay ako. Pero wala akong magagawa. Kaibigan ko siya.
"Sorry talaga Yel."
"Ano pa bang magagawa ko?" Alam kong nahahalata na niya na naiirita ako.
Pinatay ko ang telepono pagkatapos naming mag-usap. Hayyy! Tiningnan ko ang kabuuan ng coffeeshop kung nasaan ako. Dito kami magkikita ni Nika. Ewan ko ba dun sa babaeng yun, gusto nanaman sigurong mag-mall kaya gustong makipagkita sa akin.
Bumukas ang pintuan ng coffeeshop.
"Welcome sir" wika ng isang crew na bumati din sa akin kanina nung papasok ako dito.
Tiningnan ko ang lalaking pumasok na nakatalikod sa akin. Napasinghap ako dahil sa pamilyar na pakiramdam na naramdaman ko.
"Imposible." bulong ko sa sarili ko.
Bumaling ako sa harapan ko at unti-unting ininom ang kapeng kanina pa nasa mesa ko.
"Imposible talaga." hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang kabog nito. Pinipilit kong ipasok sa utak ko na napakaimposible ng nasa puso ko. Ni-hindi ko pa nakikita ang mukha ng lalaking pumasok pero biglang nag-iba agad ang tibok ng puso ko.
Nanginig ang mga kamay na nakahawak sa tasang may lamang kape dahil sa sobrang niyerbos. Alam kong hindi sa kape ang naramdaman kong niyerbos kundi dahil sa nararamdaman kong nakatingin siya dito. Sa akin.
"Uhm, Miss?" napaigtad ako ng nakalapit siya at kinausap ako.
Tiningnan ko ito. Tiningnan ko ang lalaking nasa harapan ko. Napatayo ako nang bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari.
Paano? Paanong andito siya? Imposible. Napaka-imposible. Guni-guni ko lang ito. Panaginip. Namamalik-mata lang siguro ako.
Iyon ang mga salitang pilit kong pinapasok sa isipin ko. Pumikit ako at nagmulat muli pero andito padin siya, nasa harap ko. Nagtatanong ang mga mata.
"Ahh! Excuse me." Nagsimula akong maglakad. Nakahawak ang kanang kamay ko sa aking dibdib at dinadama ang pagtambol ng puso ko. Nakakapanghina. Nakakapanlamig. Masyadong imposible.
Hindi ko matanggap sa utak kong totoo ang nakita ko. Totoong andito siya. Totoo siya.
Ang lalaking iyon.
"Levi."
Ang lalaking nasa panaginip ko. Ang lalaking isinulat ko. Ang lalaking nasa libro. Imposible...
-----------------------------------------
Hi Sweeties :*
sweetloveaugust
