Tulad nga ng gusto ni Nika, pumunta kami ng mall upang mamili. Ewan ko ba dito sa babaeng 'to. Nung nakaraan araw lang ay niyaya niya rin akong mag-mall. Hindi kaya nauubos ang pera nito? Hayy! Ibinibili niya rin naman ako ng mga bagong damit, tinatanggihan ko ito pero dahil sa sobrang kulit niya ay naiuuwi ko din naman sa bahay.
"Hindi ako nagsusuot ng mga ganyan Nika." Hindi talaga ako nagsusuot ng mga pinapamili ni Nika para sa akin. Okay na ako sa jeans at t-shirt.
"Nubayan Yel! Sayang naman ito! Ang ganda-ganda. Bagay na bagay sayo." she pouted.
Tiningnan ko ang damit na pinili para sa akin ni Nika. Maganda nga ito, kulay puti ito na may napakagandang design, hanggang tuhod pero kita ang cleavage ko dito. Ayoko ng mga masyadong reveal na mga damit. Ito kasi ang mga gustong damit ni Nika, mga konti nalang ay makikita na. Maganda kasi siyang magdala ng mga ganitong damit at nakasanayin niya narin ang mga ganito.
"Sayo na lang yan! Hindi ko din naman yan masusuot noh!" sabi ko dito
Kahit anong pilit ko ay binili niya padin ang damit na yon para sakin. Hindi talaga ako mananalo sa babaeng ito.
Pumunta kami sa isang coffeeshop. Hindi naman kasi kami gutom dahil kumain kami bago umalis sa bahay ko.
"Dito ka lang ha? Oorder lang ako." wika ni Nika sabay alis.
Habang wala siya ay nagsulat muna ako para sa susunod na chapter ng istoryang isinusulat ko.
--
"Bye Brielle." wika niya.
Papalabas na ako ng library nang magsync-in sa utak ko ang huling salitang sinabi niya. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
Tiningnan ko ang lalaking nagsabi sa akin noon ngunit wala na siya sa kinauupuan niya kanina. Kunot noo'ng nagsimula ulit akong naglakad paalis sa library. Tinahak ko ang daan papuntang room.
Nakarating ako sa room ng saktong oras lamang at wala pa ang prof sa unang subject namin.
"Levi." bulong ko.
Naisip ko nanaman ang lalaking iyon sa library. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Baka sa classmate? Tinanong niya kaya? Baket? Tumungo nalang ako sa mesa dahil wala naman kakausap sa akin sa mga kaklase ko. Ilag sila sa akin na kahit kausapin ko pa sila ay wala padin mangyayari. Hindi ka nila sasagutin at lalayo pa sila sayo. Hindi ko alam ang problema nila sakin. At wala akong pakelam.
--
Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Nika at nailagay niya nadin sa harap ko yung kape'ng in-order ko."Trabaho?" Ngiti'ng tanong niya sakin.
"Oo."
"So yung lalaki nanaman?"
"Nika, trabaho ko ito."
"Oo, trabaho mo! Pero grabe naman imahinasyon mo Yel dba? Iniisip mo na kaya na may nag-eexist yang lalaki'ng yan!" Naiiritang sabi nito.
"Hayaan mo na ako, Nika. Dito ako masaya."
"Hayy! Sige! Bahala ka."
--/
Hi sweeties! So 1st story ko ito :) And minsan ko lang 'to maa-update. Sorry guys! ^^V
-Love, AugustVote/Comment :)))
