"Brieellllleeeeeeee" wika ng isang nang-aasar na tono. Andito nanaman siya. Ano ba kailangan niya sa akin?
"Ano nanaman kailangan mo?" Tanong ko dito nang hindi nililingon. Naiirita na talaga ako sa lalaking ito. Hindi niya ba alam na nakakaabala na siya? Andito nanaman kasi ako sa library at sa kasamaang palad ay andito nanaman 'tong lalaking 'to upang mang-asar lamang.
"Wala." Wika nito. Nararamdaman kong nakangiti nanaman ito.
"Kung ganon naman pala, umalis ka na." Urgh! Bwisit na talaga ako dito sa ugok na 'to!
"Ayoko nga! Ang cute mo kaya titigan." Napatingin ako sa sinabi niya. Ano bang problema nitong lalaking 'to? May saltik ata 'to. Kung ibang babae ang sinabihan niya ng ganito siguradong nag-ha-hyperventilate na iyon sa kilig. Pero ako ang sinabihan niya, at wala iyong panama sa akin. Mas lalo lang ako naasar sa kanya.
"Ahh." Sagot ko. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng romance novel. I'm not a hopeless romantic pero gusto'ng gusto ko lang na may binabasa ako. Gusto ko kasi na may nadadagdag sa isip ko na idea para sa mga isinusulat ko.
"Nako! Kinikilig ka na ba?"
"Bakit naman ako kikiligin?" Pinipilit ko'ng mag-concentrate sa binabasa ko.
"Uhmm, kasi gwapo ako?"
"Ah ganun ba? Okay." Saka tumayo upang lumipat ng pwesto para matapos ko ang ginagawa ko at para makapag-concentrate sa binabasa ko. Kapag kasi may makulit na ugok na nanggugulo sayo ay baka mawalan ka na ng gana para magbasa. Nagtuloy-tuloy akong tumayo at lalakad na sana pero may naramdaman ako'ng kamay sa may braso ko.
"San ka pupunta?" Tanong nito. Nakikita ko sa mga mata nito ang lungkot. Bakit? Dahil aalis ako? Dahil iiwan ko siya?
"Sa lugar kung saan malayo sayo." Sagot ko nang hindi nag-iisip.
"Ah. Ganun ba?" Yumuko ito."Sorry kung nakakaistorbo ako sayo." Sabay lakad nito palayo.
Naguilty naman ako sa ginawa ko. Bat ko ba nasabi yun? Kung anu-ano nalang lumalabas sa bibig ko. Pambihira!
Pero, imbis na mag-sorry ako sakanya ay hinayaan ko na lamang siya. Siguro'y okay narin yun para wala nang umiistorbo sa akin.
Ilang araw na simula nung nag-walk out siya. Balik sa dati ang routines ko. Wala nang makulit na lalaki ang nang-aasar sakin. Wala nang maingay. Balik nanaman ako sa tahimk kong buhay. Ginusto 'to alam ko pero bat may iba ako'ng nararamdaman? Namiss ko na may maingay. Oo, alam ko ilang araw ko palang siya nakikilala pero parang nasanay na ako sa kaingayan niya. Siguro dahil sa sobrang tagal na nung may huling kumausap sakin na ka-school mate ko. Pero wala na ako'ng magagawa kung ayaw na niya ulit ako'ng kulitin.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng isang bagong romance novel. As usual, sa library nanaman ako. Tahimik. Marami na ako'ng naiisip sa bago ko'ng istoryang sinusulat.
"Hello." Kilala ko ang boses na yun. Akala ko ba tumigil na siya sa pangungulit sa akin?
"An~" tatanungin ko sana siya kung ano'ng ginagawa nanaman niya dito pero wrong move yata ako.
Napalingon sa akin yung babae nasa likod ko pati siya. Nagtataka naman silang dalawa kung sinong kausap ko. Napatingin na lamang ulit ako sa librong binabasa ko.
Nakakahiya! Hindi pala ako yung kausap niya. Urgh! Akala ko gugulihin nanaman niya ako.
Hindi ko natiis at nagligpit ako para umalis sa lugar na yon! Narinig niya kaya? Malamang, lumingon nga siya eh pati yung babae. Hayyy! Grabe! Nakakahiya talaga!
--/
sweetloveaugustVote/Comment :)
