"Nagbabasa ka na naman?"
Nilingon ko ang nagsalita mula sa likod ko.Nginitian ko na lamang ito saglit at ibinaling ulit ang atensyon ko sa librong hawak ko.
"Haynako Brielle Louise! Wala ka na bang alam na ibang gawin?" iritadong sabi nito.
"Hindi ah!" muli ko itong nilingon. "Nagsusulat ako Nika. I'm a writer you know!" sabi ko dito nang natatawa.
"Hayyyy Yel. Ewan ko sayo." narinig ko na lamang ang hakbang nito palayo at pagbukas-sara ng pinto ng aking kwarto. Lumabas ito, siguro pupunta iyon sa kusina at maghahanap ng makakain.
Si Nika Mercedes ang naging kasa-kasama ko simula ng mamatay ang mga magulang ko.She's not bmy bestfriend but a family, a sister. She's the only one that I have right now. Masaya ako dahil andito siya.
Hindi siya dito nakatira, may magulang itong inuuwian pero minsan dito siya nag-sstay. Alam naman ng mga magulang nito.
Wala akong katulong o kahit ano man lang na kasama sa bahay na ito. Ang bahay na ipinamana sa akin ng mga magulang ko. Hindi kami mahirap o mayaman, tama lang. May sapat na pera na ipinamana sa akin upang makapag-aral ako at makapagtapos.
May trabaho ko at iyon ay ang pagiging writer. Ewan ko, nagustuhan ko na lamang ito nang magsimula ang mga panaginip na iyon.
Narinig ko muli ang pagbukas at pagsara ng pinto ng aking kwarto.
"Samahan mo ako." wika ni Nika sa akin.
"Saan?" tanong ko dito.
"Mall. Para naman hindi lang pagbabasa ang magawa mo ngayong araw. Mag-inat-inat ka naman ng mga buto mo. Lagi ka nang nakahiga o naka-upo dahil sa trabaho mo." sabay irap.
"Ok fine." at inirapan ko din ito.
Natawa na lamang ako at tumayo. Inayos ko ang kama ko at mga librong nakakalat dito.
Naglakad ako patungong cr. Binuksan ko ang shower ng bathroom at dinama ang lamig nito.
**
"Hi sweetie." rinig kong wika ng isang lalaki.
Nasa library ako at nagbabasa. Iyon ang gawain ko tuwing vacant time ko.
"Ah. Hello." nilingon ko na ang lalaking kanina pa nakatayo sa harap ko.
Matangos ang ilong, perpektong panga, mapupungay at brown ang kulay ng mga mata. Oo, gwapo ito, pero hindi ako interesado dito.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ah, makiki-upo lang sana?" sabay ngiti nito. Initapan ko na lamang ito.
"Ano yang binabasa mo?"
"Hindi mo ba nababasa?"
"Sungit!" Aba! Loko 'tong lalaking 'to ah!
Hindi na lamang ako nagsalita. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Nagbabasa ako ng mga fantasies, hindi ako interesado sa mga romantic stories, nakakaumay na.
"Hayyyy!" medyo malakas na wika nito. Hindi ba nito alam na nasa library siya? Tsk!
"Alam mo bang bawal mag-inay dito? Library 'to." irap na wika ko.
"Eh kasi naman, ayaw mo ako kausapin." Ha? Ano daw?
"Bat naman kita kakausapin?" Kapal ng mukha ng lalaking ito!
"Uhm, kwentuhan you know!" naiirita na ako sa lalaking ito! "I'm Levi." sabay bigay sa akin ng kamay niya na siguro'y gusto niyang makipag-shake hands ako sakanya.
Hindi ko tinanggap ang kamay niya. At napansin niya naman na wala akong balak kaya ibinaba niya na lamang.
Tumingin ako sa wristwatch ko. Tumayo ako dahil malapit nang magsimula ang susunod kong klase.
"Bye, Brielle."
**
Lumabas ako ng cr nang nakaayos na. Bumaba ako sa sala at nakita kong tinitingnan niya ang mga drawings ko na nakalagay sa ibabaw ng lamesita. Nakalimutan kong iaakyat iyon sa kwarto ko at idikit sa mga dingding.
"Napapanaginipan mo padin siya?" wika ni Nika nang nakatingin sa mga iginuhit ko.
I just nodded kahit na alam kong nakatingin siya sa mga iginuhit ko ay alam kong nakita niya padin ang pagtango ko.
"Medyo malinaw na ang mukha niya sa ngayon Nika." wika ko dito ng nakangiti. Ewan ko, natutuwa ako kapag siya ang pinag-uusapan.
"Siya yung ginuguhit mo diba? Malinaw na malinaw ang pagkakaguhit mo." tiningnan ko ang hawak nito.
"Oo, pero di padin ako sigurado kung ganyan nga ang mukha ng taong iyon." wika ko.
"Masyado ka atang nahuhumaling sakanya. Nababaliw ka na ba?" tiningnan ako nito. Nanlaki ang mga mata at agad na napailing.
"Ha? Hindi noh!" agad na sabi ko.
"Hahahaha! Joke lang!" tumatawa ito pero hindi umabot sa mga mata. "Dapat mo nang itigil 'to Yel." seryoso ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Isipin mo. In-love ka sa taong nakikita mo lang sa panaginip at imahinasyon mo sa libro?"
Oo, siguro nga inlove na ako sa taong ito. Na kahit kailan hindi ko pa nakikita sa personal. Sa kahit anong paraan pa.
"Imposible na magkita kayo Yel."
Tama siya. Napaka-imposible pero bat umaasa ako? Bat parang totoo siya. Ang taong nasa libro na isinusulat ko.
